PLEASE DO WATCH PAGPAG THIS DECEMBER 25 :D Merry Christmas everyone! :D Happy 93k reads tysm for those who voted, who read and who "fanned". You guys are amazing. :--)
=============================================================
Patrick’s POV
To: Ella
Huuyy. Magandang umaga crush. Di na pala crush, mahal na kita.
Sending….. Sending……..
Hinintay kong matapos yung sending. Ang talaga matapos, may load pa naman ako. Inisip ko yung text ko. Tama ba yun? Ano nga ulit yun? Binati ko ng magandang umaga tapos…. Sinabi kong hindi ko na siya crush kasi mahal k---PUSANG MAY GALAMAY ANG TANGA KO TYPE KO BA YUN O WALA?
“Sent!” Agad kong pinuntahan yung Sent Messages at tama nga. AAAAHHHHH!!!!!!!! Di pa naman ako inaantok ah, bakit ko yung na type. TTANGAAAAAA! Paki sapak ako. Dinelete ko yung message at humiga. Matutulog ako ng may hiyang nararamdaman. Walangyang kamay, kahit anong tinatype. Badtrip. Sana ‘di niya mabasa. Badtrip talaga.
**
“Oh Anak? Wala ka bang balak magmadali man lang ng konti, at malapit ka nang ma late ano? :)” Ayan na si mama, lumalabas ang pagiging sarcastic. Kaya ang ibig sabihin niyan “Mag to-tooth brush na po ako Ma, may balak po talaga ako. Di nga lang kasi ako showy. Hehe” sabay tayo ko at punta sa kusina. Walang tao dun, dahil nasa dining sila kaya naman sinapak sapak ko yung sarili ko. Nakakainis. Nakaka badtrip. Paputol putol yung tulog ko kagabi dahil makaka idlip ako, tapos magigising, maaalala ko agad yung ginawa kong aaahg.
Nakaka walang ganang pumasok. Ahg. “Hihintayin mo pa bang lumapit yung toothbrush mo sa’yo? Eh sa pag kaka alala ko, walang paa yung mga yun eh.” Napatayo ako ng maayos nang marinig ko boses ni mama. “May hanahanap kasi ako, Ma.” Palusot ko tapos binuksan buksan yung mga hanging cabinet. Natawa nalang si mama. Syempre, ano namang hahanapin kong kailangan ko dun eh puro lang naman Tupperware at pang luto yung andun. Alangan namang may balak akong tunggain yung mantika? Langya, mag papalusot nalang nga, masyado pang obvious. Ginawa ko na yung dapat gawin, si manong driver parang ewan na nagmamadali, nasa mood akong ma late ngayon kaya ayos lang. Ayoko pa talagang pumasok.
“Manong. Hinga lang po. Yaan nyo po yang traffic, ayos lang sa’king ma-late.” Tapos tinapik tapik ko yung balikat niya. Na-high blood ata. “Sorry po talaga, Sir. Masyado na po talagang traffic pag ganitong oras.” Pagpapaliwanag niya. “Nah kuya. Lahat ng bagay sa panahon ngayon na ta-traffic.” Text nga diba? Na ta-traf---- BAKIT BA GUMAGAWA AKO NG PARAAN PARA MATANDAAN ANG KATANGAHAN KO KAGABI. Nakakainis. Naaalala ko nanaman kung anong eksakto kong ginawa.
Ella’s POV
Unlock. Lock. Unlock. Lock. Wala na atang kapaguran tong daliri ko sa kakapindot sa unlock button ng phone ko. Buti nga ‘di pa ‘to nasisira. 30 minutes ko na ata tong ginagawa, ang aga ko kasing nakarating dito sa school. Tsaka wala naman akong maka usap kasi wala pa sila Tammy at yung iba naman, ‘di ko masyadong ka close.
“HOY GIRL GUSTO MO BANG MALOKA KAGAYA MO YANG CELL PHONE MO?!” “Ay anak ng!” muntikan ko ng mabitawan yung cell phone ko sa pagka gulat ng dumating si Britney. “Kapre.” Patuloy ko.
“Hoy babae! Sama mo naman! Alam kong kapos ako sa height, pero ang beauty ko naman hindi pang kapre!” tapos kinuha niya yung cell phone ko kaya nataranta ako.
YOU ARE READING
You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-
RandomKahit anong mangyari, ikaw parin. Ikaw lang. Hindi ko man masabi, sana, sana maramdaman mo. // REVISED & Under Editing