At naka 200k ang storyang ito. WOW. Thank you, guys. Last na hehehe. xxo
==========================================================
Patrick’s POV
“Huy baby! Asan ka pupunta?” napansin ko namang napalingon ang iba sa sinabi ko.
“Mag c-cr. Bakit sama ka?!” masungit niyang tanong. Ayan nanaman talaga siya oo, naka dugtong nanaman ang kilay eh tinawag ko lang namang ‘Baby’. Mag kaka unibrow na ata tong babaeng to, lagi nalang siyang ganyan. Ang ganda tuloy niya. :D
“Pwede ba? :D” excited kong tanong. Pero heh, wala talaga akong balak sumama. Nako, di naman ako manyak noh.
“Tsss.” Tapos nag walk out na. Tawa naman ng tawa sila Tammy.
Natatawa parin ako kapag naaalala ko nung isang araw kung paano kami nagulat lahat nang sabihin niya na crush niya din ako. Sus, malay mo hindi na pala niya ako crush, mahal na pala niya ako. Ang sarap naman nun pakinggan. Hah! Balang araw, makukuha ko rin niyan. :D
“Lakas talaga ng trip mo Rivero!” bilib na bilib naman tong si Tikoy. “Pa-baby baby ka pa dyan, Patrick. Alam mo naman kung gaano ka diring-diri sa babyng endearment na ‘yan si Ella.” Sabi pa ni Tammy. “Ah ganun ba? Ano bang magandang tawag?” Mas maganda naman kasi talaga diba kapag may endearment ang dalawang taong may gusto sa isa’t isa. “Honey. Para matamissss.Um!” pakilig kilig pa kunwari tong si Tikoy. Parang bakla talaga.
“Di, ah ano ano, ah! Ganda? Uni?” sabi ko. “Ha? Uni?” Di na gets ni Tammy. “Uni, unikang prinsesa sa puso ko. Atttt, unibrow! Lagi kasi akong sinusungitan eh, laging magka dugtong kilay nun.” Kinurot kurot naman ako ni Britney sa pisngi. Pakiramdam ko tuloy lumambot pisngi ko.
Ella’s POV
Binagsak ko agad ang pinto sa cubicle, at agad pina agas yung tubig. Pumuputok ang butsi ko ngayon. Nakakainis, nakaka gigil, nakaka kilig. Ewan! Halo halo! Mas nakakainis! Ang ayaw ko pa naman ay hindi ko magawang intindihin pati ang sarili ko. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Oo, sige, masaya ako. Kinikilig ako kahit papaano. Masaya kasi, alam kong wala na kaming problema. Ayos na, pwede ko nang i-express na may gusto rin ako sa kanya.
Pero nakakainis lang kasi, ayaw ko maka agaw ng atensyon. Ayaw ko na parang mina madali. Yung slow lang, alam kong bata pa ako para magka boyfriend, wala pa naman din yun sa isip ko. Kaya nga ayaw kong isipin ng lahat na meron na akong ganun. E eto naman kasing si Patrick, napaka expressive. Di ko tuloy alam kung anong gagawin, yung mga reflex ko naman nag la-lag. Nakaka inis.
Halos mag talon talon ako sa luob ng cubicle, sinuntok suntok ko yung tiles, naka ilang buhos na ako ng tubig sa bowl para hindi madali mapuno yung balde kasi baka pag in-off ko na, maririnig nila ang lakas ng bulong ko. Baka nga iniisip nila na tuma-tae ako ngayon, ang tagal ko kasing lumabas. Dahil nasa cr naman din ako, inilabas ko na ang saluobin ko. Umihi nalang ako at nag meditate. Hay, ayaw magka boyfriend pero may gusto nang tao. Ang turing pa sa’kin parang girlfriend. E di nga talaga confirm sa kanya na may gusto rin ako sa kanya, na MU rin kami.
Napaka gulo.
BzzzzZZzzztt ZzzztttBzzztt Hay, eto nanaman siya. Binuksan ko agad yung text niya, bakit naman siya mag te-text babalik naman ako sa classroom.
1 new message received
From: Patrick
Huy, mahal galit ka? :(
YOU ARE READING
You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-
RandomKahit anong mangyari, ikaw parin. Ikaw lang. Hindi ko man masabi, sana, sana maramdaman mo. // REVISED & Under Editing