SA WAKAS ay natapos din magligpit sina Yaya Trining nang pumarito ako sa ibaba. Tumingin ako sa relo kong suot. "It is 7:00 in the evening na," I stated.As I watch everyone na naglilinis ng paligid ay mabilis kong tinawag ang pansin ng matandang mayordoma na matagal nang naninilbihan sa aming pamilya.
"Imelda, pakiayos na lang ang mga dapat ayusin dito. Asikasuhin ang dapat asikasuhin. Bahala ka na sa mga bata. Limang araw din kaming mawawala ng Ma'am Ysabellita mo," maikli kong paliwanag. Agad namang naintindihan nito iyon.
Dahan-dahan akong pumanhik sa itaas. Nadatnan kong nagsusuklay na ng kaniyang mahabang buhok ang pinakamamahal kong esposa. Narinig ko rin sa cassette stereo ang musikang pinapatugtog niya . . . ang "You and I" ni Frank Myers.
I just kiss her forehead. I wanted to tell her something. When I dropped my lips to hers . . . she just closed her eyes instantly. I want to be with this woman until my last breath. I thank God so much for this Grace.
Maingat ko siyang binuhat at inilapat sa malambot na kama. Pagkatapos ay itinigil ko ang paghalik sa kaniya. "Why did you stop, honey munch?" wala sa huwisyong saad ni Ysabellita sa akin.
"Hindi ka ba pagod kanina, honey blood? Baka pagod ka. Lalo ka lang mapapagod sa gagawin natin. It was a long night, honey blood," nanghihipnotismo kong saad.
Malambing niya akong tinitigan as her lips started to speak, smelling her sweet scent. Hudyat iyon para mag-umpisang mag-init ang aking katawan. Dahan-dahan ko siyang tinitigan at sa nag-aalab na titig ay unti-unti kong idinantay sa kaniyang naghihintay na labi ang aking maalab na halik.Nanaig sa akin ang makamundong pagnanasa na umaalipin sa aking buong sistema. Hearing these words from her, making my system go beyond my limits.
"I do not care. All I want is to make love to you now, honey munch."
Iyon ang huli niyang sinabi. Hudyat iyon upang bigyan ko ng katuparan ang hinihiling ng aking pinakamamahal na esposa.
WAAAHHH! Hindi ako makatulog! Namamahay yata ako. It was my first time to sleep in another house. Gusto ko tuloy umuwi sa dating mansyon namin. But it will result to my mother's another heartache.
Pabiling-biling tuloy ako sa kama. Geez! I checked the clock in the side table and it's already 12:05 in the midnight na.
Mariin akong napapikit at iinot-inot na bumangon. I just made a decision. Iinom na lang ako ng alak para antukin.Habang naglalakad sa malaking mansiyon ng mga Deo Gracia, napansin ko ang pagka-classic ng bahay. Mula sa mga kagamitan at disenyo ay puro iyon antigo. Napansin ko rin ang mga photo frames na nakasabit sa mga dingding. Tingin ko ay mga kaninunuan nila ang mga iyon. I just stared at her mother's picture and it amazed me a lot. Her mother was so stunning but there's a blend of strictness in her aura.
Nagpatuloy akong lumakad hanggang sa makarating ako sa sala ng mansiyon. Ayon sa kalkula ko'y nasa second floor na ako ng bahay. I saw the mini bar stool at dali-dali akong umupo sa isang upuan. I chose what liquor will be nice to drink at this late hour of the night. Oh, umaga na nga pala.
Habang sumisimsim ng alak ay hindi ko mapigilan ang aking utak na mag-isip. Ngayong nasa iisa na kaming bahay, mapipigilan ko ba ang damdaming nag-uumpisa nang umusbong? Yeah, alam kong napansin na iyon ni Armina at ang masama ay parang may iba rin sa kaniyang mga titig. Is she feeling the same way, too?
"Urgh! No! Imposible!" mariin kong bulong habang inihihilamos ang aking kamay sa aking mukha.
Nang ipikit ko ang mga mata ko ay biglang sumulpot ang imahe ni Armina. I remember the way she stared at me when I kissed her hair.
"God, help me," mahina kong bulong.
"Hey, Xander, what's the matter?"
Napakurap-kurap ako ng biglang sumulpot si Armina sa harapan ko. May hawak siyang isang baso ng gatas. Tiyak na mainit-init pa iyon dahil umuusok pa.
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
RomanceAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...