ISANG LINGGONG hindi umuwi ang anak ko. Naroon ang pag-aalala ko bilang ina niya. Dinama ko ang kumikirot na mga sugat at pasa ko. Kagagawan lang naman ni Bobby ang mga ito. Wala naman nang bago. Ngunit nakalalamang ang kirot sa dibdib ko. Kagagaling ko lang kahapon sa hospital nina Mikaela. Napapadalas kasi ang pagkirot-kirot ng puso ko. Hanggang sa nawawalan na nga ako ng malay at kinakapos pa nga sa hininga. Ayon sa bestfriend ko, nasa stage four na raw ang cancer ko. Halos hindi ako makapaniwala, maski siya ay ganoon din. Ang uri ng cancer cell na tumama sa akin ay hindi agad nagpapakita o nagpaparamdam ng sintomas. Kapag malala na ay doon mo pa lang mararamdaman ang mga sintomas.
Gusto kong manlumo, mag-iiyak. Ngunit wala itong maitutulong. Wala nang lunas ang sakit ko, iyon ang totoo. Ang mas masakit, anumang sandali ay mamatay na ako. Hindi ako natatakot sa kamatayang naghihintay sa akin.
Mas natatakot akong iwan ang nag-iisa kong anak na si Mirasol. Inilapag ko ang sinulat kong liham para sa anak ko. Dahan-dahan kong inalis ang bracelet na lagi kong suot. Ito ang pinakaimportanteng bagay na iniwang alaala ng nag-iisa kong minahal. Ibibigay ko na ito sa anak ko.Balang-araw. . . sana. . .
Makitang muli ni Xander ang bracelet.NAKITA kong lumabas ng kuwarto ni Mirasol si Armina. Dali-dali akong pumasok roon at nakita ko sa may study table ni Mirasol ang isang hindi kalakihang sobre. Maingat kong binuksan ang laman ng sobre.
Isang liham at bracelet ang nasa loob nito. Ang bracelet na laging suot ng aking asawa. Binuklat ko ang liham at nag-umpisa nang basahin ang nilalaman nito.Dear Mirasol,
Anak, habang binabasa mo ito ay tiyak kong nakauwi ka na rito sa bahay. Patawad, anak, kung hindi ko magawang iwan ang Papa mo. Hindi naging mabuting asawa ang Papa mo sa akin, anak. Pero naging napakabuti niyang ama sa iyo.
May mga bagay dito sa mundo na hindi ko puwedeng sabihin, anak. Ngunit pagdating ng araw ay mauunawaan mo rin ang lahat. Bigyan mo ng sapat na panahon ang Papa mo para magbago, anak.
Hindi ko man gustuhin na iwan ka sa paraang ganito, wala akong magagawa. Hindi ko hawak ang itinadhana sa akin, anak.
May cancer ang Mama at nasa stage four na. Wala na itong lunas.
Anumang sandali ay iiwan na kita. Mahal na mahal kita, anak. Lagi mo sanang pakaingatan ang sarili mo, anak.
Ang bracelet na iiwan ko sa iyo ay mahalaga sa akin. Sakaling magkita kayo ng Tito Xander Luis mo ay pakisauli ito sa kaniya.
Nagmamahal,
MamaNanginginig ang mga kamay ko at tikom ang bibig ko. Mabilis akong lumabas ng kuwarto. Agad kong tinahak ang kuwarto naming mag-asawa. Nakita kong nakahiga na ito at nakapikit.
Mabilis ko siyang nilapitan."Armina, are you okay?"
Ngunit hindi siya umimik o gumalaw man lang."P-please, talk to me! H-hindi ko pa nasasabi kung gaano kita kamahal."
Patuloy lang ang luhang umaagos sa magkabila kong pisngi. Naroon ang panghihinayang, hinanakit at pagsisisi. Niyakap ko siya, hindi na talaga ito humihinga. Napakapayapa ng mukha nito.
"I'm sorry. . ."
Ilang beses ko itong ibinulong sa kaniya.Alam ko, huli na ang paghingi ko rito ng patawad. At kailanman ay hindi ko na rin kayang ibalik ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
عاطفيةAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...