CHAPTER TWENTY FIVE(Bitter Sweet Memories)

51 1 0
                                    


MALUNGKOT akong nakatitig sa repleksiyon kong nasa salamin. Halos dalawa ang nag-aayos sa akin ngayon. Isa para sa make-up ko at ang isa naman ay para sa buhok ko. Yes, it's my Wedding Day! Since that day ay marami na ang nagbago. Isa nga roon ay ang pakikipagkalas ko kay Xander Luis. Kahit labag sa loob ko at sobra-sobra ang sakit na idudulot nito sa aming dalawa ay kailangan kong gawin ito. I have no choice that time.

Muli ay napalingon ako sa pintuan kung saan iniluwa niyon ang bestfriend kong si Mikaela. Mapait akong napangiti. Maski siya'y tila maiiyak din. Hindi dahil sa masaya siya para sa akin . . . kun'di dahil ikakasal na ako. Naiiyak siya dahil sa awa sa akin. Sapagkat hindi si Xander Luis ang maghihintay sa akin sa harap ng altar, kun'di si Bobby.

Tatlong buwan na ang nakakaraan nang huli kaming mag-usap ni Xander. Ang tatlong buwang nakalipas ay maraming nangyaring hindi ko inaasahan. Isang butil ng luha ang humulagpos sa aking mga mata. Hudyat iyon para manlabo ang aking paningin dahil sa nagbabantang mga luha. Luha ng pighati. Ang mga alaala ng nakaraang tatlong buwan ay muling nanariwa sa aking isipan.

FLASHBACK . . .

Nang makauwi ang mga bisita ay dali-dali akong pumasok sa aking silid. Doon ko hinayaang humulagpos ang aking tinitimping mga luha. Nagbalik sa akin ang mga pangyayari kanina sa libriary na hindi ko mapaniwalaan. Mariin kong ikinuyom ang aking mga palad.
"Bakit? Bakit ninyo ito nagawa?"
Gulong-gulo na ako. Ayon sa huling testamentong iniwan ng Dad Armando ay halos wala itong iniwan sa amin. Ang nakakagulat, pati si Mama Ysabellita ay wala ring iniwan kay Xander Luis.

"But that's impossible, Favio! Ang Dad at Mama! Alam kong may iniwan sila. Napag-usapan na namin ito bago pa kami mag-graduate ng High School!"
Tinitigan niya lang ako.

"H-hindi ba nasabi ng Dad mo na nag-umpisang bumagsak ang economic status ng kumpanya since President Marcos ordered the Batas Militar? Labis na naapektuhan ang pagtra-transport ng company ninyo, Ms. Deo Gracia. Kaya napilitan ang Dad at Mama ninyo na isangla kay Mr. Fontanilla ang mga assets at lahat ng pag-aari ninyo."
Ilang segundo akong hindi nakaimik.

Mayamaya ay muling nagsalita si Favio, ang family secretary namin.

"I'm so sorry for this, Armina. Alam kong nakakalungkot ang mga ibinalita ko. But you can save your company and the other assets of your business sa pagkakaremata kung papayag ka sa offer niya."

Kinakabahan man ako ay kusang lumabas ang mga tanong sa aking bibig.
"Anong klaseng offer 'yan, Favio? And s-sino ba itong Mr. Fontanilla na ito?"

"Mr. Carlos Fontanilla, ang lolo ni Bobby Fontanilla. Siya ang tinutukoy ko, Armina."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig pagkarinig sa mga pangalan na binanggit niya. Tuloy-tuloy lang siya sa pagsasalita, tila wala siyang pakialam sa nararamdaman ko.

"Makukuha n'yo ulit ng stepbrother mo ang lahat ng ari-arian ninyo kung papakasal ka kay Bobby Fontanilla, Armina. But I doubt na papayag kang pakasal dahil nga sa relasyon niyo ni Xander Luis at may balak na nga rin kayong magpakasal after you graduate. Right, Armina?"
Hindi pa rin ako nakaimik. Nanatili akong nakatitig dito. Muli siyang nagsalita na halos gustong ikasabog ng utak at damdamin ko nang mga oras ding iyon.

"Kung ako sa iyo, Armina, hindi ko na tatanggihan ang offer ni Mr. Fontanilla. You know, Armina, malaking tao ang mga katulad nila. Hindi mo lang alam ang kaya nilang gawin at baka. . ."

"Ano ang ibig mong tukuyin, Favio? Tinatakot mo ba ako? Are you blackmailing me?!"

Napangiti siya. Hindi ko batid kung para saan at ano ang ibig tukuyin ng mga ngiting ipinukol niya sa akin.
"Maaatim mo bang mapahamak ang pinakamamahal mong si Xander Luis?"

Natigagal ako dahil sa narinig ko. Hindi ko akalaing ganito ang pinaplano nila.

"How dare you, Favio? Pinagkatiwalaan ka ng Pamilya tapos gaganituhin mo kami?"
Mabilis siyang lumapit sa akin at matigas niyang hinawakan ang aking baba.

"Magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo, Armina, I'm giving you much better option. Kung hindi ko pinakiusapan ang mga big boss, tiyak kong ipapapatay rin kayo ng mga ito! Magpasalamat ka na lang, Armina. I saved you and your bastard boyfriend!"
Halos maiyak ako sa mga nalaman. "Halimaw kayong lahat! Masusunog kayo sa impyerno pagdating ng panahon. Kayo ang pumatay kina Dad at Mama. Mga wala kayong puso, pinagkatiwalaan namin kayo!"
Napangisi siya. Iyong klase ng ngiti na demonyo lang ang nakakagawa.

"Para mabuhay sa mundong ito, Ms. Deo Gracia, dapat na mas marunong kang manlamang. Hayaan mo, magiging amo pa rin naman kita. Dahil magmula nang namatay ang ama mo ay sa mga Fontanilla na ang loyalty ko."

"Hayop!"
Humalakhak lang siya na parang sa demonyo. Nag-umpisa na akong lumabas ng pintuan nang libriary kung saan kitang-kita kong nakatayo at nakalarawan sa mukha ni Xander ang kalungkutan. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit pero hindi na puwede. Ang mga salitang binitiwan ko nang mga sandaling iyon ay tila punyal na unti-unting sumagat sa kaniya. Hindi ko kayang titigan ang mukha niyang puno ng pagdaramdam kaya minabuti kong lagpasan na siya.
Ito nga, naririto pa rin ako sa kuwarto. Nag-iisa ako at naghihinagpis buhat nang lagpasan ko nga si Xander sa harap ng pinto ng Libriary. Hindi ko na siya nakita. Ang sabi sakin ni Luisa ay nagkasuntukan sina Xander at Bobby. Umalis daw sila matapos ang gulong nangyari. Magdamag akong umiyak dahil sa kakaisip. Hindi ko na nga namalayan na naidlip na pala ako.

Madaling araw na noon nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng aking kuwarto.

"Armina. . ." bulong ni Xander Luis. Amoy na amoy ko rito ang pinaghalong amoy ng alak at mamahaling pabango niya.
Halos magdikit na ang mga mukha namin dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Napalunok ako nang ilang beses. Sa tuwing malalasing siya ay may nangyayaring kakaiba.

My heart started to pound faster. Tila may nagtatakbuhang mga kabayo roon. Bago pa ako maduwag ay nagsalita na ako.

"P-puwede ba, Xander, lumabas ka na ng kuwarto ko. Hindi na magandang tingnan kung labas-pasok ka pa rin sa kuwarto ko."

"I-I don't mind, Armina. All I want to do now is to make love to you."
Hindi na ako nakapagsalita dahil sinakop na niya ang aking labi.

Tila uhaw na uhaw kami sa bawat isa habang patuloy sa paggalaw ang aming mga labi.
Dahan-dahan niya akong inihiga sa sarili kong kama. Dinadama ng palad namin ang bawat bahagi ng katawan namin.
Damang-dama ko ang mainit niyang hininga sa bawat himaymay ng aking katawan kung saan pinaglalandas niya ang kaniyang labi sa aking kabuuan. Tila sinisihilan ako sa aking kinahihigaan. Full airconditioned naman ang aking kuwarto. Kaya hindi ko mawari kung ba't ganito ang init na aking nararamdaman. Hanggang sa magtagpo nga ulit ang aming mga labi.
"Say it, please, Armina. Say that you love me too. That you want it!"

Tumango lang ako at tila ako isang alipin na sumunod sa lahat ng mga nais niya. Isa-isa naming inalis ang bawat saplot sa katawan namin.
Ang mga halik na nag-aalab ay tila tumutupok sa amin. Ang mga mapangahas naming mga kamay ay dumadama sa bawat maseselang parte ng aming katawan. Hanggang sa isinakatuparan na nga niya ang ninanais. Halos mapasigaw ako sa labis na kirot na aking unang naranasan. Ang hapdi na siyang puminit sa aming pag-iisa.
Hanggang sa tuluyang nawala ang kirot at hapdi. Napalitan iyon ng kaaya-ayang sensasyong bumabalot sa bawat-isa sa amin. Patuloy siya sa mabilis na pagbayo.
Hanggang sa narating na nga namin ang sukdulan. Parehas kaming hinihingal at isinigaw ang pangalan ng bawat isa nang mga sandaling iyon. Tuluyang nakamit namin ang langit sa piling ng bawat isa.

"I love you, Armina."

"I love you too, Xander Luis."

Hanggang sa unti-unti siyang napapikit at nakatulog. Unti-unting binalot ng lungkot ang aking isip.

"Makakalimutan mo rin ito kinabukasan, Xander."
Muli ang pagbalong ng masaganang luha sa aking mga mata. Manaka-naka ay dinadama ko ang bracelet na regalo niya sa akin.

Ang mga tagpong nangyari sa amin kanina ay mananatili sa puso ko kailanman. Ang bracelete ang magiging simbolo ng wagas naming pagmamahalan. Tatawagin ko itong "An Everlasting Love Bracelet" na sumisimbolo sa wagas na pag-iibigan namin. Sana balang-araw ay magtagpo kaming muli ni Luis na suot ko pa rin ang bracelet.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon