NAGISING AKO nang umagang iyon na masakit ang ulo dahil lang naman sa paglalasing ko kagabi. Muli ay unti-unting luminaw ang isip ko at naglakbay sa nagdaang gabi ang aking alaala.
F l a s h b a c k . . .
Maraming estudyante na ang umuwi ngunit marami pa rin ang natirang nagsasayaw sa gitna ng auditorium.
Marami pa rin ang umiinom ng punch drink na sini-serve ng mga staff. Pinage na ako ni Armina na uuwi na. As usual kasama na niya si Xander Luis.
After the kissing scene a while ago between Armina and Xander Luis, I drowned myself in alcohol. Hindi pa rin ako makapaniwalang ganoon na nga kalalim ang pagmamahalan nila!
Maski si Vanessa na kasama ko ring nakasaksi ay nag-iiyak sa tabi ko. Naghiwalay kami ng pinsan kong walang namutawing mga salita sa bawat isa sa amin. And I will gladly thank her for that. Dahil pati ako ay kailangan ko na munang makapagisip-isip. But it doesn't mean na hahayaan ko nang maging maligaya ang mga ito! Never!And I will do everything to destroy them.
"Gising ka na pala?"
Mahigpit na iniyakap nito ang mga braso sa hubad kong katawan. Ngumiti ako sa kaniya at pinagkalooban ko lang naman siya ng isang maalab na halik.
"Did you enjoy last night?""Y-yes, I enjoy it. Actually, I love what happened between us, Bobby. I love you and I'm willing to do everything you wanted me to do."
"Really? Kahit na ang traydurin mo ang sarili mong kaibigan na si Armina?"
Natahimik ito. Hinayaan ko lang siya sa ganoong ayos. Patayo na ako sa aking kama nang magsalita siya.
"Yes, I am willing to betray Armina if that is the only thing to make you love me, Bobby."
Yumakap ito sa aking likuran. Hinarap ko siya at sinimulan ko siyang romansahin. I want her to be satisfied. And I'm giving my self sometimes a treat. Surely, this is one of them. I love playing this kind of game.
Si Luisa ang itatago kong alas para tuluyan nang wasakin sina Armina at Xander Luis. Gagawin ko ang lahat para maging akin na nang buong-buo si Armina.
I had also a PLAN C. That maybe is the most callous plan I will be able to do. But absolutely, that's the best answer to make Armina love me back.Whether she like it or not, wala siyang magagawa. In the meantime, hahayaan ko muna silang enjoy-in ang bawat isa. Magpapakalayo-layo muna ako.
'Di ba may kasabihan, kung tahimik ang kalaban ay mas mapanganib ito. Magsaya sila ngayon dahil sa araw na bumalik ako ay tuluyan ko nang makakamit ang matagal ko nang ninanais.
"Two birds will be hit in one stone."
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
RomanceAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...