CHAPTER TEN (Five Days With Him - Part Four: Bobby's Invitation

67 2 0
                                    

PAGKATAPOS ng mahaba-haba pang kuwentuhan namin ay nag-decide na ang mga kaibigan ni Xander na humiwalay sa amin nina Bobby at Xander.
Kahit ‘di kami masyadong close nina Betty at Alexandria ay nagbeso-beso pa rin kami. Dahil sa kaugalian na rin ng mga katulad naming nasa alta-siyudad.

“So, see you na lang sa pasukan Armina,” ang magiliw na sabi ni Alex habang kumakaway pa sa amin. Mahigpit naman siyang hila-hila ni Nicholas, ang joker ng grupo.

Parang aso at pusa lang sila. Pero infairness ang cute kaya nilang tingnan. Kaniya-kaniya na kaming pasok sa kotse nang marahang hinawakan ni Xander ang braso ko.

“Sumabay ka na sa aking umuwi, Armina. Tutal pagkahatid ko kay Vanessa ay diretso na akong uuwi,” titig na titig niyang sabi. Habang si Vanessa naman ay nakatingin lang sa ibang direksiyon. Hindi ko tuloy mabasa ang reaksiyon sa kaniyang mukha.

Lumipad ang tingin ko sa katabi kong si Bobby na tila naghihintay rin ng aking kasagutan.

“Ah, kasi Xander, inimbitahan pala ako ni  Bobby na sa kanila na maghapunan. Kakamustahin ko na rin si Lolo Carlos.”

Gumuhit ang mahabang patlang sa aming apat nang basagin ng katahimikan ang tinig ni Bobby.

“Eh, kung gusto ni Vanessa dumalaw na rin siya kay Lolo. Tutal matagal-tagal na ring ‘di nakikita ni Lolo itong si Nessa. Kung papayag lang naman siya at ayos lang sa ‘yo, Xander. Para one way na lang ang uuwian n’yo mamaya ni Armina,” pang-iimbita ni Bob na.

“Okay lang naman sa akin. Tutal naka-leave na ako ngayong araw, Xander.”

“Sige, kung ganoon,” maiksi namang pahayag ni Xander. Mababakas sa boses niya ang kalamigan.

Ewan pero magmula nang pumasok kami sa sinehan ay tila iritable na si Xander at parang ayaw na ayaw niya si Bobby. Nagkaniya-kaniya na kaming pasok sa dala-dalang kotse nina Xander at Bob pagkatapos. Habang nasa biyahe ay pasimple akong tinatapunan ni Bobby ng tingin. Tila tuwang-tuwa ito.

“I’m just wondering lang, Bob. Ask ko lang, huh? Nahahalata mo naman siguro.”

“Ang alin, Armina?”

“Kayo ni Xander. . . tila may kung anong ‘di nakikitang pader ang nakaharang sa gitna ninyo. Halatang-halata na ‘di kayo komportable at. . .”
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Bobby. “Because that Xander Luis has a secret feeling for you, Armina. He is very jealous when I am with you. Hindi ko siya masisisi. Ganoon din kasi ang nararamdaman ko sa tuwing alam kong magkasama kayo. Lalo na’t nasa iisa kayong bubong,” sabi niya na bakas sa boses ang nagtitimping gigil.
Ako naman na nakikinig lang ay napamulagat sa kaniyang tinuran.

“Are you joking, Bobby? He’s my. . . stepbrother!” mahina kong sabi ngunit ang diin sa aking huling salitang binigkas ay nabuhay.

Dahan-dahang ipinarada nito ang kotseng sinasakyan namin dahil nasa harap na kami ng malaking mansyon ng Lolo ni Bobby na siyang mamanahin niya pagdating ng tamang panahon. Malakas siyang bumusina upang ipagbigay alam sa security guard na buksan ang malaking gate.

Hindi ko alam pero parang nahihiya ako kay Bob ngayon. Tila binabasa niya kasi ang buo kong pagkatao. Titig na titig siya na tila pinapakiramdaman ang bawat kilos at pintig ng puso ko. Kinakabahan ako dahil baka malaman ng kung sino man ang nararamdaman ko kay Xander.
Mabilis niyang inalis sa akin ang tingin nang kusang bumukas ang pagkalaki-laking gate. Agad na pinaandar nito ang sasakyan at marahan niyang tinapunan ng tingin ang sumusunod na kotse ni Xander Luis.

Nang makarating kami sa malaking garahe ng mansiyon ay muli na naman itong umimik. Halos nga napatalon ako sa kaba dahil sa sobrang gulat. Hindi talaga ayos sa akin ang kape . . . masyado na akong nerbyosa!
Nagsalita nga si Bob at tila nabanaag ko sa kaniyang mukha at boses ang kalamigan. Nag-iba ito mula sa pagkakakilala kong mapagbiro at palaasar na si Bobby.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon