Dec. 20, 1972.PAUWI NA kami galing Manila ng honeymunch ko. Nakaka-stress nang bumiyahe dahil nagkalat na ang kaguluhan sa buong siyudad. Naka-batas militar kasi kami ngayon. Dapat kahapon pa kami nakauwi pero nagpalipas muna kami ng gabi sa exclusive village na tinutuluyan nina Xander Luis. Since mag-graduate ng high school ang anak ko at si Armina ay malaki na ang pinag-mature ng nag-iisa kong anak na si Luis.
I'm so blessed dahil nagkaroon ako ng asawang napakamaginoo. Pati na rin ang nag-iisa niyang anak na babaeng si Armina.
Lalong-lalo na ngayon na may madadagdag na sa pamilya namin. Si Arhea Mae. Yes, six months pregnant na ako. Baby girl siya. Siya ang dahilan kaya kami bumabyahe once a month sa Manila. Kailangan ko kasi makapagpa-check up at makapagpareseta ng mga vitamins at pampakapit. Maselan ang pagbubuntis ko. Hindi tulad ng ipinagbuntis ko si Xander Luis na nakakapunta pa ako sa mga shooting. Unfortunately, now, naglalagi na lang ako sa mansyon.MAIKSI kong tinapunan ng tingin ang esposa kong nasa aking tabi.
"Ano ang nararamdaman mo, honeyblood?"
"I'm perfectly okay, honeymunch! Medyo nakaka-hassle lang kasi ang mga nadadaanan natin sa daan."Napatango-tango ako. Magaan kong hinimas ang maumbok niyang tiyan. Natutuwa ako dahil sa halos magdadalawang taon na paghihintay namin ay sa wakas! Biniyayaan na kami ng anak ng Diyos.
"Gusto mo, bumaba muna tayo at kumain sa isang restaurant, honey blood?"
Napailing lang siya. Patuloy lang ako sa maingat na pagda-drive. Maingat naman talaga akong magmaneho. Mas lalo pa ngayong lumalala ang krisis pang-ekonomiya.
Mainam at tumigil na sa pag-aartista ang esposa ko. Dahil sa mga panahon na ito, sadyang mainit sa mga mata ng Pangulong Ferdinand Marcos ang mga taong nagtratrabaho sa media.
Nakabukas ang cassette stereo ng kotse. Ang You and I ni Frank Myers ang pinapatugtog ng DJ. Team song namin itong mag-asawa.
"Happy Second Wedding Anniversary nga pala, honeymunch."
"Happy Second Wedding Anniversary too, honeyblood. I love you and I always will."
Sa isang iglap at hindi inaasahang pangyayari ay isang sasakyan ang tumutumbok sa sinasakyan namin. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling nakapikit. Nang makabawi ako ay mabilis kong chineck ang aking esposa. Kahit nangangatog ay pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Kinapa ko siya sa aking tabi."Honeyblood, are you alright? Please talk to me and utter some w-words. . ."
Ngunit nanatili siyang walang imik. Mahina ko siyang niyugyog sa balikat. Napaiyak na lang ako. Hindi na siya gumagalaw, tila hindi na nga siya humihinga. Nanatili ako sa ganoong ayos. Napagpasyahan kong lumabas na ng kotse. Baka sakaling makahingi pa ako ng tulong. Pagapang akong lumabas ngunit nangalahati pa lang ang katawan ko ay may nakita na akong pares ng mga binti.
"H-hello, Mr. Deo Gracia. I'm sorry but this will be the last time we'll gonna see each other. So this is Goodbye!"
"M-Mr. Willsmith Graham? But why?"
"Because half the board member of DGC are not in favor with your management. Thanks to Mr. Fontanilla and President Marcos. Makakasama mo na ang pinakamamahal mong esposa."
At itinutok na nito ang hawak na baril sa akin.Napapikit na lang ako.
Gun shots were everywhere! Nang muli akong nagmulat ay nakita ko na ang honey blood kong masayang nakangiti. Mahigpit kaming nagyakap at naglakad na sa maliwanag na lugar kasama ang anghel naming si Arhea Mae. Dinig na dinig ko pa rin ang You and I ni Frank Myers.
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
RomansaAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...