NAPANSIN KO ang mariing pagpikit at malakas na pagdaing ng aking Lolo. Bigla ay nilukuban ako ng takot. Ngunit pinalakas ko ang aking loob, mabilis kong tinawag ang pansin ng bantay sa hospital para maitakbo si Lolo sa Emergency Room. Mabilis nilang inilagay sa stretcher si Lolo Luis. Patuloy ang mabilis kong pagsunod habang tinutulak ng mga staff sa hospital na iyon ang stretcher ni Lolo Luis. Alam kong hindi ko ito tunay na lolo at lalong hindi kami magkadugo. Stepbrother ito ng namayapa kong lola na si Armina. Madalas itong magkuwento ng tungkol sa nakaraan nila ng aking lola.Alam kong nagkagustuhan sila. Ngunit sa umpisa pa lang ng kuwento ay hindi na puwede. Na inayunan naman ng tadhana.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa tuwing nagkukuwento ito. Ramdam ko ang kalungkutan nito sa bawat salita habang nagkukuwento siya sa akin sa sana raw balang-araw ay magkatagpong muli ang landas niya at ng Lola Armina.
RAMDAM KO ang pangangapos ng aking hininga. Unti-unti kong inilabas sa aking bulsa ang bracelet na ibinigay ko kay Armina dati. Dahan-dahan kong ipinaloob sa mga palad ni Katherine ang bracelet.
"K-Katherine, itago at pakaingatan mo ang bracelet na ito dahil sinisimbolo nito ang pag-iibigan namin ni Armina. Balang-araw ay pagtatagpuin at bibigyan ninyo ng katapuran ang isang wagas na pag-ibig. Tatawagin mo itong an everlasting love bracelet."
Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Nanatiling nakatatak sa aking isipan ang imahe ng aking minamahal.
ILANG SEGUNDONG namayani sa katauhan ko ang kadiliman. Nang maramdaman ko ang biglang paghugot ko ng hininga ay tila umiikot ang kapaligiran ko. Ramdam ko ang mabilis kong pagsagap ng hangin sa mga sandaling iyon. Tila may nagbigay sa akin ng puwersa para imulat ang mga mata ko. Narinig ko ang malakas na palahaw ng mga magulang ko at ng aking Kuya.
"Doctor Smith, my son is awake!" magkahalong galak at pagkagulat ang nakita ko sa mga mukha ng taong nakapaligid sa akin.
Kitang-kita ko ang relief sa mukha nila.
Patuloy lang ang pagche-check ng Doctor sa vital signs ko. Maski paghinga ko'y umayos na. Tila nabigyan ako ng pangalawang buhay.
Maya-maya ay idineklara na ng Doctor na nasa maayos na akong kalagayan.
Nasa pribado na akong silid nang kausapin ng mga magulang ko si Dr. Smith.
"You know, Mr. And Mrs. Stevenson, the event that happened a while ago was our first time case. We've encountered a miracle a while ago. Biglang tumigil ang tibok ng puso ng anak ninyo at makaraan ang ilang segundo ay biglang huminga ulit ito. Pagkatapos nang nangyaring iyon ay agad kong chineck ang status ng puso niya and I'm glad to tell you that he is already stable. As in bigla naging normal na ang pagtibok ng puso niya. Ang pagiging mahina ng puso ni Ivan ay tuluyan nang naglaho. Your prayers saved him. Kailangan na lang niya ng ilang taon para sa full recovery."
Nag-iiyak sa tuwa ang Mama't Papa ko. Maski ako'y natutuwa rin. Magaan akong tinapik ng Kuya ko. Ngumiti lang siya na sinuklian ko rin ng ngiti. Dahan-dahan akong humiga at napapikit. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, tila may nag-iba na.
Biglang gumuhit sa balintataw ko ang isang malabong imahe . . .
Imahe ng isang babaeng umiiyak na may hawak-hawak na bracelet.
Pilit ko itong inaaninag ngunit nanatiling malabo ang lahat.
Muli kong iminulat ang aking mga mata. Mabilis pa ring tumitibok ang puso ko. Natitiyak kong ang imahe ng babaeng malabo sa isipan ko ang siyang makakasagot sa mga nangyari sa akin. Na may dahilan kung bakit nabigyan ako ng ikalawang buhay. Nararamdaman ko, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ito. Pinapangako ko iyan!WAKAS.
AUTHOR'S NOTE :
Guys, may book two ito entitled "An Everlasting Love : Ang Karugtong Ng Isang Pag-ibig"
Abangan . . .
My other stories are:
Maling Pag-ibig (COMPLETED)
SOKTOREGGIE (COMPLETED)
Time will Come (COMPLETED)
Alaala Ng Kahapon
(COMPLETED)
Ang Misteryong Bumabalot Sa Kupas na Larawan-Mystery/Thriller (COMPLETED)Mahal Kong Ina(One Shot)
My Enemy, My Love(one shot)
Relationship Goal(One Shot)
Secret Love Song(One Shot)
True Confession Of A Wattpad Writer(A Fathers Day Letter)- One Shot.
CONSEQUENCE(one shot)
Hustisya (One Shot)
Until That Day (One Shot)
The Truth Behind ( ONE SHOT)
The Last Christmas(One Shot)
Beyond Reach (One Shot)
Ganti (One Shot)
Hiwaga Sa Bahay Panuluyan (One Shot)
Peculiar Dream (One Shot)
Baluarte(One shot)
Layunin(One shot)
Oras(One Shot)
Kasugpong Ng Oras (One shot)Bunso(Dagli)
Siopao(Tula)Forever Yours, Forever Mine-Aldub / CAN YOU FEEL THE LOVE TONIGHT( ONGOING )
Love Can Save It All (Ongoing/Onhold)
TAYO (Ongoing/Onhold)Bitter Sweet Lover( COMING SOON)
An Everlasting Love- Ang Karugtong Ng Isang Pag-ibig( COMING SOON)
My Girlfriend Is A Wattpad Writer- Short Story ( COMING SOON)
Carrot Man Meets Badjao Girl- Short Story ( COMING SOON )
Love Me Like The First Time-Rom.com ( COMING SOON)Aims to give you more exciting story of mine.
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
RomanceAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...