December 19, 1970, Saturday.HERE I AM now in the living room listening to the cassette tape of my Dad. Pinapatugtog ba naman niya ang old time favorite niyang "Still" by Rico Puno. Ewan ko, ba't gustong-gusto niya ito. Sabagay magaling naman talaga ang local artist na ito.
Nakakatawa nga siya kapag kumakanta sa enteblado. Todo birit kasi!
Sumunod na isinalang ni Dad ang kanta ni Elvis Presley entitled "It's now or never". This is my one of my favorite, too. Guwapo nga kasi. Bukas na pala ang kasal nina Dad at Tita Ysabelita.
Ooops! 'Di na ko nasanay. It's been a month mula nang tinuruan ko si Xander sa reviewer niya. Mula noon ay 'di na niya ako inaaasar masyado. Ewan pero namimiss ko ang pang-aasar ng todo ng magiging stepbrother ko.
Sa tuwing magkikita kami sa school ay kakaway lang siya at babati ng konti.
IYON LANG.
Haist. Nakakamiss ang dating Xander Luis na mapang-asar!
Lately nagiging mailap na siya. Last day, nakita ko siya kasama sina Betty. I saw him laughing with those two girls. Ewan pero nakakainis lang. Life is so boring.
Then the telephone ring.Siyempre ako ang malapit kaya sinagot ko na. It's a long distance call from a close friend of mine. His name is Bobby.
"Hello."
"Hi, Armina, how are you?"
"I'm fine, just a little bored. Ikaw?"
"Always fine. Why so bored? Gusto mo labas tayo tonight?"
"W-what? Bakit, asan ka ba ngayon? 'Di ba nasa America ka?" I suddenly blurted out.
Natawa siya nang kaunti sa sinabi ko. The sound of his laugh is so awesome.
"C'mon, Armina, It's Christmas break kaya kami umuwi ni Lolo."
"Ah, see. . ."
"So, meron kang time this evening? I'll fetch you na lang, neh."
"Okay, sa dating pinupuntahan na lang, neh, Bob. Tiyak ko marami kang ikukuwento sa akin. Six years ka rin sa America 'no!"
"Yeah, maraming-marami. Marami rin akong pasalubong sa favorite kong girl in the whole world," malambing niyang sabi.
Many seconds had past bago ako nakapagsalita. 'Di pa rin siya nagbabago pati ang boses niyang baritono."Still there, Armina?" he murmured in the other line.
I pouted.
I heard him giggle. Nang-aasar talaga!
"Hey, stop laughing! Hindi ka nakakatawa," I said.
Then, nag-stop nga siya. "Sorry, Armina, 'di ka na kasi nasanay. But seriously. . ." Napansin ko ang biglang pagseryoso niya. Hay nako, iba na talaga kapag matagal kang namalagi sa ibang bansa. Lalo siyang naging diretsa.
"Please, cut it off, Bob," agad kong sabi para magtigil na siya.
"Okay, just what you say, dear."
Geez! Halos nagtaasan mga buhok ko sa katawan, sa endearment niya. Hindi na talaga ako nasanay!"Bobby!"
"Okay, okay, tama na. So, susunduin na lang kita riyan sa place ninyo at around 6:30 P.M.?"
"Sige." maikli kong sabi.
"Okay bye Armina."
Ibababa ko na sana ang telepono pero nagpahabol pa talaga siya ng biro. A silly one! "Wear some sexy dress, huh," he giggled then binababa na ng moron ang telepono.
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
RomanceAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...