CHAPTER TWENTY TWO(Ang Pagluluksa)

50 1 0
                                    

ILANG ARAW na ang nakakalipas mula nang mawala ang mga magulang namin ni Armina. Huling burol na nina Mama, Dad at Baby Arhea Mae. Napakasakit sa aming dalawa ni Armina ang biglaang pagkawala nila.

Hanggang ngayon, buhat nang maaksidente at patayin nga ang Dad Armando ay hindi ko pa rin makausap nang matino si Armina. Ako nga tila lutang. Ngunit nanatili akong mahinahon sa harap ng mga bisitang dumadalaw sa mga huling araw ng aming mga magulang. Mabuti nalang at narito pa rin at hindi kami iniiwan nina Yaya Doreen at Yaya Imelda. Kailangang-kailangan namin ng mga taong mapagkakatiwalaan sa ngayon. Dahil ayon sa nagsiyasat o nagimbestiga sa kaso ng taong pumatay kay Dad ay may kaugnayan ang lahat sa business nina Armina. Isa sa mga board directors ang bumaril sa kanila. Hindi pa rin malinaw ang anggulong pagkakadisgrasya ng sinasakyang kotse ng mga magulang namin. Ngunit malaki ang kutob kong kagagawan din nila ang naturang aksidente. Napakuyom ako sa salamin ng kabaong ng aking Mama. Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko ang katarungang kailangan ng aming mga namayapang mahal sa buhay.

DAHAN-DAHANG kaming lumapit nina Betty, Alex at Nicko sa nakatayong si Xander. Magaan kong inakbayan si Xander. Agad naman niya kaming hinarap.

"Condolence, pare," ani Nicko habang sinilip niya ang kabaong ng Mama ni Luis.

Nagparating din ng pakikiramay sina Bettina at Alexandra. Napapaiyak pa nga sila habang yakap si Xander. Kitang-kita ko sa mga nangingitim niyang mga mata ang pagdadalamhati. Pumayat din ito at tila namumutla pa.

"Kumusta na, Xander? Condolence nga pala. Sina Mama at Papa ay dadalaw rin. Kasunod namin sila."

"Ah, gano'n ba? Salamat."
Dahan-dahan niya kaming iginiya sa mauupuan. Binigyan niya kami ng tig-iisang kape at inilagay na lamang niya sa gitna ng table ang mga cookies.

"Siya nga pala, belated happy birthday, pare," ani Nicko na tinapik-tapik pa ang likod ni Xander.
Napangiti siya kahit konti sa tinuran ni Nicko.

"Thanks, pre. Next time na lang tayo mag-celebrate."
"Kahit 'wag na muna, Xander. Naiintindihan ka namin," sabi naman ni Alex.

"Oo nga, basta malagpasan n'yo ito ng stepsister mo. Dadalawa na lang kayong magdadamayan," sabi naman ni Bettina na humigop naman ng kape.
Napatango-tango lamang ito at tila natuon ang pansin sa stepsister niyang si Armina.
Naroon ang pag-aalala at kasali na rin siguro ang pagmamahal. Ngayon, malaki na ang chance nilang magmahalan. Pero, bakit may pakiramdam akong hindi pa rin magiging madali para sa kanila? Napailing-iling na lang ako at ang pag-o-open ng paksang ito kay Xander ay ipinagpaliban ko na lamang. Nasa pagluluksa pa kasi sila at sa mga ganitong mga panahon ay tiyak na bitterness ang nadarama nila.

NASA SEMENTERYO na kami ngayon nina Xander. Isa-isa kaming nagtapon ng mga puting rosas sa dalawang hukay na paglalagakan ng mga kabaong ng Mama at Dad. Inayos ko ang malaki at itim na antipara na aking suot. Hindi ko mapigilang mapahagulhol at mapayakap kay Xander.

Nang dahan-dahan na ngang ibaba sa hukay ang dalawang kabaong ay tila gusto ko na ring sumama sa mga ito. Nag-iyakan na rin ang mga kasama naming naghatid kina Dad at Mama Ysabellita. Patuloy lang ako sa pagdadalamhati nang marinig ko mula sa mga labi ni Xander ang mga salitang yaon.

"Hush, Armina, nandito lang ako. Hindi kita iiwan."
Napatitig lang ako rito. Tila may mainit na bagay na yumakap sa aking nagdadalamhating puso pagkatapos kong marinig sa bibig ni Xander iyon.

Pumailanlang ang awitin ni Matt Monro na Portrait of my love na isa sa mga paboritong awitin ng Dad ko para sa Mama ni Luis.
Makalipas ang isang oras na pagtitig sa libingan nina Dad at Mama ay inaya ko nang umuwi si Luis.

Mahigpit niyang hinawakan ang mga palad ko. Wari'y pinapaalalahanan akong 'di ako nag-iisa, na nandirito lang ito.
Alam kong may dahilan ang Diyos at kinuha niya sa amin sina Dad, Mama at baby Arhea Mae.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon