CHAPTER FIFTEEN(New Year's Day - FamBam)

63 2 0
                                    


January 01, 1970

BAGONG TAON na pala. Ang bilis ng araw. Magdadalawang buwan na kaming kasal ni Armando at napakasaya ko talaga dahil muling nabuo ang pinapangarap kong pamilya. Napakabait talaga ng Diyos dahil binigyan niya ako ulit ng chance na makasal sa lalaking magbibigay talaga sa akin ng kaligayahan. Unlike my first husband, we've never been so emotionally intact. Indeed, nagsama lang kami na parang housemate lang sa bahay ni Kuya. Kaya nang magkasakit siya ay nakaramdam ako ng kasiyahan lalo na nang sabihin ng mga Doctor na malala na ang sakit niya sa puso.

Nang mamatay siya, kahit ni pahapyaw na paghingi ng sorry ay wala akong nakuha sa kaniya. I married a callous and selfish man. Napatigil ako sa paglalakbay ng isip ko nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng firecrackers sa paligid. Mahigpit akong hinila ni Xander malapit sa center fountain ng lawn. Lahat ng ilaw sa buong mansiyon ay nakasindi.

"Ano ba, Xander? Dahan-dahan lang baka madapa ako at gumulong ako rito sa damuhan."
"C'mon, Mom, we are going to jump!"
Kasabay ng pagtalon-talon ni Xander sa damuhan ay nagtatalon din si Armina. Halos pataasan ang dalawa. Lalo akong natawa nang pati si honey munch ay nakisali sa ginagawa nina Luis.

"Come on, mom, you have to jump. Put off your heels so you can jump as high as we did!"

"Oo, honey blood, nakaka-enjoy! Malay mo tumangkad pa tayo," tuwang-tuwa pang dagdag ng aking esposo.

Napailing-iling ako at mabilis na inalis ang heels kong suot. Rinig na rinig ko ang mas pinalakas pang mga paputok sa paligid. Ngunit wala nang makakapantay sa ingay ng masasayang halakhak ng pamilya ko. This is life, my happiness. I'm happy to see my children and husband laughing. I am complete now. Patuloy lang kami sa pagtalon. Pati si puti na alagang aso nina Luis ay nakitalon din. Dahil sa pagod sa pagtalon ay napasalampak kami sa malawak na lawn.

Pinagmamasdan namin ang magaganda at iba't ibang makukulay na fireworks na binili pa ng aking asawa sa Netherlands. The fireworks took my breath away.

Nang makabawi kami ay agad na nagyaya sina Armina na kumain na. Ewan ko ba pero malakas ang pakiramdam kong nag-iiwasan ang anak kong si Xander Luis at Armina.

"THE BOTH of you, magkaaway ba kayo?" biglang tanong ng mommy ni Xander.

"No, Mom," ang maiksing sagot ni Xander.
Bahagya lang akong tinapunan ng tingin ni Mama.

"Hindi naman po. Bakit n'yo naman po nasabi 'yan, mama?" Pinilit kong ngumiti.

"Because the two of you didn't talk that much these past few days. Nag-away ba kayo?"
Parang ayaw maniwala ni Mama sa amin. Napabuntong-hininga ako.

"No, mama, pagod lang kasi ako. Alam n'yo na, sa practice namin para sa promenaide," pagdadahilan ko.

"Yes, mom, tama si Armina. Ba't ba ang dami mong napapansin?" sang-ayon pa ni Luis. Ngunit ramdam ko rin ang tensyon niya.
Matagal bago nagsalita si Mama Ysabelita.

"Okay, at malapit na pala ang promenade ninyo. Last year n'yo na 'to. Gusto n'yo bang dalhin ko kayo sa favorite kong designer? Para na rin makapili kayo ng babagay na outfit sa inyo at masukatan na rin kayo. Mag-shopping tayo next weekend, Armina. We will buy you some jewelry and high heels in princess cut that surely fits you, dear," excited na sabi ni Mama at agad na idiniscuss kay Dad ang plano namin.

Napapangiti na lang ako. Napakabait at maalalahanin talaga ni Mama Ysabellita. Kung buhay pa kaya ang Mom ko ganito rin kaya siya sa akin? Biglang akong nalungkot. Namatay kasi sa panganganak sa akin ang biological mother ko.

"Mom, lang kami ni Armina kay Puti. Bibigyan lang namin siya ng food."

Tumango si Mama Ysabellita then agad na bumalik ito sa pakikipag-usap kay Dad. Mabilis na hinagilap at hinawakan ni Xander ang kanan kong palad. Tila may gumapang na kuryente sa mga kamay ko nang mga sandaling iyon. Nagpatangay lang ako kay Xander hanggang sa nasa dog house na nga kami sa may garden. Binigyan ni Luis ang alaga naming aso ng cookies.
Iwinagawagayway pa nito ang buntot na tila tuwang-tuwa kaming makita ulit. Hinaplos-haplos pa siya ni Xander. Habang ako ay tahimik lang na pinapanuod sila.

Napaiwas ako ng tingin nang biglang magtagpo ang mga mata namin ni Xander. Napakabilis ng tibok ng puso ko at kinakabahan ako dahil baka sa isang iglap ay tumigil na lang iyon.
Sa totoo lang, since the night Xander Luis kiss me, hindi na bumalik sa dati ang takbo ng puso ko. Para akong aatakihin anytime. Lalo na't magkasama kami sa iisang bubong.
Naalala ko pa nang gabing iyon, ipinagtapat ko kay Bobby na si Xander talaga ang gusto ko. Natakot ako dahil sa biglang pagbalasik ng mukha ni Bobby ngunit hindi rin nagtagal ay bumalik sa pagiging mahinahon ito. Naalala ko pa ang huli niyang sinabi.

"Kaya ko pa naman maghintay. Armina.".

HINDI KO ALAM kung bakit nahihilig sa pagdadaydreaming ang mga tao ngayon. Si Armina, tulala lang. Gaano kaya kalalim ang iniisip niya? Kasing lalim kaya ng nararamdaman ko sa kaniya? Hahaha. Ayon, oh! Humuhugot ako. Tama 'di ba? Hugot ang tawag n'yo roon ngayon sa henerasyon ninyo?
Patuloy lang ako sa pagtitig sa maamo niyang mukha. Nang maglandas nga ang mga mata namin ay agad niyang binawi ang tingin niya. Inilabas ko mula sa bulsa ang inihanda kong regalo para sa kaniya.

"Ano 'to, Xander?" Mukhang pilit na itinatago ni Armina ang maganda niyang ngiti ngunit halata naman ang kakaibang kislap sa mga mata niya.
"Buksan mo kasi! That's my new year's gift for you, Armina," sabi sa kaniya, medyo namamaos pa ang boses ko.

Agad na binuksan nito ang pahabang kahon.

"Wow! Necklace and. . . ang ganda naman ng design, Luis."

"Do you know what symbolized the half moon and star? And the infinity heart shape?" malalim kong sabi.

Tahimik lang siyang napatingin sa 'kin. Kinuha ko ang kuwintas na hawak-hawak niya. "Ang ibig sabihin ng buwan ay tanglaw. Ang star naman ay nagbibigay ningning. Itong infinity sign na heart. . ." Nagkasalubong ang mga mata namin. Tila hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

"That infinity heart is a symbol of my everlasting love for you. It will never end, my dear sister."
Napayuko si Armina at namula. Mahabang sandali bago siya nakapagsalita. "Ang ganda naman ng bawat kahulugan ng symbols sa necklace, Xander. I-I appreciate it, really."
Napangiti lang ako. "Wala iyon, Armina."

"Ay, oo nga pala! May gift din ako sa iyo," ani Armina habang nilalabas sa bulsa nito ang regalo sa akin.

Agad kong binuksan ito. It's a black neck tie.
"Thanks, isusuot ko 'to sa promenade," I murmured.

"Welcome, thanks din sa binigay mo. Nakita mo lang ba iyon sa boutique?"

"No, ipinagawa ko talaga iyan. Espesyal ka kasi, Armina," seryoso kong sabi at muling nagkatitigan kami.

Binawi niya ang tingin niya at may inilabas mula sa bulsa. It's a dog collar.

"And this collar is for Puti."
Muli ay tuwang-tuwang pumaikot ang aso kay Armina pagkalagay nito sa leeg ng biniling collar. Kulay black iyon. Nakihimas na rin ako. Ito na yata ang pinakamasayang New year na nangyari sa buhay ko. 'Di ba may kasabihan na kung sino man ang kasama mong manood ng fireworks sa New Year ay ang destiny mo? Pero sa kaso ng estado namin? Malabo. Patuloy pa rin ang fireworks display.

"Happy New Year, Xander Luis."
Napangiti na lang ako habang buhat-buhat si puti.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon