CHAPTER TWO (I really hate him!)

182 7 4
                                    

"WHAT A RIDE!" reklamo ko habang nakabusangot na nakatingin sa bintana.
Habang nasa biyahe kami ni Mama ay panay pa rin ang dada niya, as in. Ang ingay! Sumasabay ang bunganga ng maganda kong ina sa kotseng kinasasakyan namin.
Nang hindi na ako makatiis ay sumigaw ako para tumigil na siya.
Napamulagat lang siya. Habang ako ay nanatili pa ring nakasimangot. 'Di na yata mababago ang ekspresyon sa mukha ko.

"Mama, relax, malapit na tayo," I said. Ngumiti lang siya at hindi na umimik, at last.

NASA ITALIAN RESTAURANT na kami kung saan magmi-meet ang pamilya namin at pamilya ng mapapangasawa niya. As if naman I care? Pero kailangan kong umaktong ayos lang sa akin ang mangyayaring event kahit deep inside of me, I want to ruin it. Kasabay niyon ang pagtawa ko nang parang demonyo sa isip ko.
Napatingin ako sa gawi ni Mama. Nauna na pala siya nang ilang pulgada.

"Son, What's wrong?"

"Nothing, mother," I said.
Pero kong puwede ko lang sanang sabihin na, "Mama, lahat ay mali." E 'di sana ipinagsigawan ko na. Pero hindi ko puwedeng pasamain ang loob ng Mama ko.

Hindi naman ako vain. Noong buhay pa ang Papa, nakikita kong sinasaktan niya si Mama kahit sa maliit na bagay lang. Kaya ayos na rin sa akin kung mag-aasawa ulit si Mama. Basta ba hindi na masokista ang pakakasalan niya.

Kaya kikilalanin kong mabuti ang magiging step-father ko. At kapag hindi siya okay kay Mama, sorry na lang siya. Gagawa ako ng paraan para mawala siya sa buhay ni Mama.

Sumabay na akong lumakad sa mala-modelo kong ina. Astig talaga ng Mama ko. Puwede ko siyang pagpanggapin na GF ko. Wahaha!

EWAN KO BA? Kanina ko pa nakikitang ngumingiti si Xander. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano, kasi kakaiba talaga ang ngiti niya.

"Xander Luis, don't do anything na puwedeng ikasira ng lahat!" babala ko sa kaniya.

"Yes, Mama, I won't," he said.

"That's good, be ready. Malapit na tayo sa table natin."

Then suddenly, mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ito. Kaya napa-stop ako sa paglakad.

"Ano na naman, Xander?!" nagtitimpi kong sabi sa kaniya.
There's a blank expression in his handsome face. Suddenly he spoke softly. "Mama, I won't do anything to spoil this evening. . . I promise."

"That's good to hear, Xander," sabi ko. Kaya nagpatuloy na kaming naglakad.

"But mama. . ." he said.

I stopped for a while, then I see my honey munch sitting next to his daughter from afar.

"But what?" I exclaimed.

Tinignan ako ng maigi ng anak ko. Sa malamig na tono.

"If ever he did something wrong to you, Mama, like my Papa did to you. . . I swear, I will ruin his life. . . forever!"

Napalunok ako. Siyempre, ang sweet naman ng anak ko. Pero hindi naman mangyayari iyon. Malayo ang ugali ni Armando sa nasira kong asawa. Napangiti na lang ako at kumapit sa braso ng guwapo kong anak.

"Hindi iyan mangyayari, darling. Mabuting tao ang Tito Armando mo at ang magiging stepsister mo."

SA PAGKAKABANGGIT ni Mama ng stepsister, my eyes flew at the table which was occupied by a middle-aged man and a pretty lady at my age. Nakangiti kaming sinalubong at binati ni Tito Armando.

"Finally, I'm glad to meet you now, Xander. Wow! Your mother was right. Guwapo ka ngang talaga."

Napangiti lang ako. Then suddenly, isa-isa nang inilapag ng mga waiter ang mga pagkain na in-order ni Tito Armando.
Habang kumakain kami ay mataman kong pinasadahan ng tingin ang dalagang katapat ko. Sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkatitigan kami. Teka! Parang familiar ang face nito, ah. Saan ko ba 'to nakita?
Napansin ko na bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin at parang namutla.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon