CHAPTER TWENTY NINE (Hopeful Days)

54 1 0
                                    


1975.

SA TAONG iyon ay nagbuntis nga si Armina. Tuwang-tuwa ako. Dumating nga ang araw na ipinanganak na niya ang unang supling namin. Sanggol na babae ang isinilang ng pinakamamahal ko. Pinangalan namin siyang Mirasol. Lumipas ang labing anim na taon.

Year 1991.

Akala ko dahil sa nagkaroon na kami ng anak ni Armina ay matutunan na niya akong mahalin. Ngunit nagkamali ako.

UMUWI ako nang gabing iyon sa mansiyon namin.
Kabubukas ko pa lang ng pintuan ay naririnig ko na ang pag-aaway ng Mama at Papa.
Bata pa lang ay ganito na ang kinagisnan kong buhay. Nakakasawa na rin. Narinig ko ang malakas na sampal ng ama ko kay Mama. Naaawa ako kay mama ngunit mas nakalalamang ang inis. Dahil puwede namang iwanan na lang namin ang Papa. Napailing-iling na lang ako nang marinig ko ang pag-iyak ni Mama at ang patuloy na pagmumura ni Papa. Nagpatuloy ako sa pagpanhik sa mahabang hagdan nang marinig ko ang malakas na sigaw ng Papa ko.
"Saan ka na naman nanggaling na bata ka? Labing anim na taon ka pa lang pero kung saan-saan ka na nagpupunta?"

Matapang kong sinalubong ang mga titig ng aking Papa. "Kailan pa kayo nakialam sa akin?"

Nagsalubong ang mga kilay niya, tila 'di nito nagustuhan ang pagsagot ko.
"Anong sabi mong bata ka!"

Mariin kong ikinuyom ang mga kamay ko.
"Puwede ba, Papa? Huwag mo na nga akong isali sa away ninyo ni Mama. Malaki na ako! Huwag na huwag mo na akong pinakikialaman!"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Napaupo pa nga ako dahil sa lakas ng pagkakasampal ng ama ko sa akin. Namumuhi akong napatingin dito. Kusang lumabas sa mga labi ko ang mga salitang iyon na ikinayuko ng Papa.

"Diyan ka naman magaling 'di ba, Papa? Ang manakit. Huwag mo akong pinupuna dahil mas masahol ka pa sa akin! Wala kang kuwentang ama. Wala kang puso!"

Ang akmang paglapit ni Mama ay ang pagtayo ko naman. Mabilis akong tumalikod at tumakbo palabas ng mansiyon.

"Mirasol, anak!"
Rinig ko pa ang pagtawag ni Mama sa pangalan ko.

NAKARINIG ako ng katok sa pintuan. Hindi ko batid kong sino man ang kumakatok sa pintuan ko ngayong dis-oras ng gabi. Ang napagbuksan ko ng pintuan ay ang aking nobya. Mahigpit niya akong niyakap. Naamoy ko sa kaniya ang pinaghalong alak at mamahaling pabango.

Mamasa-masa pa ang mga mata niya na tila kagagaling lang sa pag-iyak. Tiyak kong ang dahilan ay ang palagiang pag-aaway ng Mama at Papa nito. Pero minabuti ko pa rin magtanong.

"Anong nangyari?"
"Si Papa, s-sinaktan niya ako."

Tila kumulo ang dugo ko pagkarinig sa sinabi ni Mirasol.
"Pati ba naman ikaw, eh, sinasaktan na niya. Bakit kasi ayaw niyo pang iwanan ng Mama mo ang Papa mo?"

"Gusto ko na ngang umalis pero si Mama nagmamatigas pa rin."
Saka niya ako tinitigan na tila nagkaroon ng ideya.

"Itanan mo na lang kaya ako?"
Bigla ay napaangat ang tingin ko sa mukha ng aking nobya.

Magtatatlong taon na ang relasyon namin ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na itanan ito. Hindi dahil sa hindi ko ito mahal. Mahal na mahal ko nga siya, na sa sobrang pagmamahal ko rito ay gusto kong ibigay rito ang lahat ng kaligayahang nararapat dito. Makapangyarihan ang pamilya nito kaya tiyak na mahahanap din kami ng mga ito. At ang mas mabigat na dahilan para 'di ako pumayag ay napakabata pa namin. Maggra-graduate pa lang ito ng highschool, samantalang ako ay magtatapos na rin ng kolehiyo ngayong taon.
Anak lamang ako ng isang magbubukid ngunit nag-iisa na lamang ako sa buhay dahil napatay ang mga magulang ko noong mga panahon ng batas militar sa panunungkulan ng Presidente Marcos.

Wala pa akong mapapatunayan sa Ama ni Mirasol kung sakaling kastiguhin ako ng ama niya. Balita kasi sa buong siyudad ang pagiging malupit nito.

"Natahimik ka na riyan?"

"Wala, may iniisip lang ako, mahal. Hayaan mo, kapag nakatapos ako at nakahanap na ako ng trabaho at kapag nakaipon ako ay kukuhanin ko ang permiso sa mga magulang mo para maging legal na tayo."
Napangiti na lang siya sa sinabi ko. Mahigpit siyang yumakap sa akin hanggang sa bumaba ang mga labi ko sa mga labi niya. Pagkasabik ang namayani sa amin na humantong sa isang mainit na pagniniig.

✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon