NAPAKASAYA ko dahil naging akin ang pinakakamahal kong si Armina. Walang pagsidlan ang aking tuwa nang maging ganap na nga kaming mag-asawa. Sa unang gabi namin ay inasam kong maangkin na siya nang tuluyan. Iyon naman talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit ko siya pinakasalan. Ngunit nakiusap siya sa akin na huwag muna sa gabing iyon. Siyempre, iginalang ko siya. Ganito siguro talaga dahil mahal ko siya.
Ngunit halos magdadalawang taon na kaming mag-asawa nang iniungot kong muli rito ang bagay na iyon. Tulad ng dati niyang sinasabi ay hindi pa siya handa. Napatid ang pagtitimpi ko."Kailan ka magiging handa, Armina? Mag-asawa na tayo. Obligasyon mong ibigay sa akin ito."
Umiyak lang siya tulad ng dati.
"Puwede ba, Armina, nagsasawa na ako sa kagaganyan mo. Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo lahat ng gusto ko. Dahil asawa mo na ako."Sa gabing iyon ay umalis ako at hindi na muna ako nagbalak umuwi ng mansiyon. Magdamag akong uminom at nagpakasasa sa kandungan ni Luisa.
Katatapos lang namin sa isang mainit na pagniniig nang magsimula niyang i-open ang paksa sa asawa kong si Armina.
Tinapunan ko siya ng tingin.
"Puwede ba, Luisa? Huwag mong pinakikialaman ang pagsasama naming mag-asawa. Labas ka na doon!"Tila nagpanting naman ang mga tainga niya.
"So, iniichapuwera mo na ako ngayon, Bobby? Sige ka. Kapag hindi ako nakapagtimpi, sasabihin kong may rela. . ."Hindi ko na siya pinatapos. Mabilis kong dinakma ang leeg niya at mahigpit siyang hinawakan.
"Subukan mo lang, Luisa! Kung hindi, tuluyan kitang buburahin sa landas ko. Wala akong ipinangako sa 'yo na anuman. Kaya huwag kang mag-assume dahil ikaw mismo ang nagduldol sa sarili mo sa akin. I don't owe you anything!"
Malakas ko siyang ibinalandra sa sulok. Mabilis niyang pinagsusuot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig. Nanginginig siya at bakas sa mga mata niya ang takot. Matalim akong nakatingin rito habang paalis siya sa aking kuwarto. Nanatili lang akong nakatitig sa itaas ng kisame. Nahahapo kong ipinikit ang aking mga mata.
"How dare him! Hindi niya maaring tapusin na lang sa ganito ang lahat sa amin. Mabilis akong nag-isip. Isang plano ang biglang pumasok sa isip ko.
"Tingnan natin kung sino ang magiging miserable sa ating dalawa, Bobby."PAPUNTA ako ngayon sa pinag-usapan naming coffee shop ng bestfriend kong si Luisa. Hindi sana ako makakapunta dahil pinagbawalan na ako ni Bobby na makipagkita sa mga kaibigan ko. Ngunit ayon kay Luisa ay may mahalaga raw siyang sasabihin. Isa pa, babalik na siya sa America para doon na nga mag-stay for good. Ibig sabihin niyon ay hindi ko na ito makikita.
Papasok na ako sa entrada ng shop nang agad kong nakita kung saan siya nakaupo. Matipid niya lang akong nginitian na tila may pang-uuyam pa sa mga mata niya. Nakita ko rin ang maitim na pasa sa may kanang pisngi niya at leeg.
"Saan mo iyan nakuha?" ang agad kong tanong.
"Puwede ba, huwag natin pag-usapan ang tungkol sa akin. Narito ka, Armina, para malaman mo ang katotohanan tungkol sa asawa mo."
Buhat doon ay napatutok bigla ang pansin ko sa mga pinagsasabi niya."Mabuti naman at may pakialam ka pala sa asawa mo, Armina. Alam mo bang si Bobby ang may gawa ng mga pasang ito sa akin?"
Gulat at pagkalito ang namayani sa akin.
"Puwede ba, Luisa? Diretsahin mo na ako. Wala nang paligoy-ligoy pa."Ngumisi ito sa akin. "Ang asawa mo at ako ay may lihim na relasyon, Armina. Bago pa kayo magpakasal ay matagal na kaming may relasyon."
Tila bombang sumabog sa harap ko ang mga sinabi niya.
"B-bakit, Luisa? Matalik tayong magkaibigan! Bakit mo nakayang gawin ito sa akin?" ang naiiyak kong sabi."Sorry, Armina, walang kai-kaibigan kapag taong mahal na natin ang pinag-uusapan. Alam mo naman kung gaano ko kagusto si Bobby. Na pati pakikipagkaibigan natin ay hinayaan kong masira na nang tuluyan!"
Napailing-iling na lang ako habang nakatitig kay Luisa. Muli ay nagsalita siya. May bahid na nga ng pagkasuklam sa akin ang mga kataga niya.
"Kung ako sa 'yo, Armina, ay makipaghiwalay ka na kay Bobby dahil hindi mo naman naibibigay ang obligasyon mo bilang asawa. Alam mo naman na siguro kung ano ang ibig kong tukuyin."
Pinamulahan ako dahil sa mga sinabi niya. Totoo ngang may lihim na relasyon ang mga ito. Pinapaikot lamang nila ako sa kanilang mga palad!
"I pity you a lot, Armina."
Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay."Mas naaawa ako sa iyo, Luisa, dahil tingin ko sa 'yo ay mas mababa pa sa burak!"
Mangha siyang napatinging sa akin at akma na sana niya akong sasampalin. Pinigilan ko siya. Ako na mismo ang nagtuloy. Isang sampal ang pinadapo ko sa mukha niya na halos ikatumba pa niya. Ang mga taong nasa loob ng Coffee Shop ay nag-umpisang magusisa. Ayaw ko sanang makatawag ng pansin gunit sinagad ni Luisa sa hangganan ang aking pasensiya! Hindi ako sanay sa mga ganitong eskandalo. Tiyak lalaganap na naman sa alta-siyudad namin ang nangyaring eskandalo sa amin dito sa coffee shop ni Luisa.
Mabilis na tumayo si Luisa at inayos ang sarili. Taas noo pa niya akong tinitigan. Isang halakhak ang pinakawalan niya."Bago ako umalis, Armina, ay may dapat ka pang malaman. . ."
Hindi ko alam kung para saan ang kabang bumalot sa akin."Buntis ako, Armina, at si Bobby ang ama! Ano ka ngayon? Sabagay, paano mo mabibigyan ng anak ang asawa mo, eh, hindi ka naman nakikipagsiping dahil si Xander pa rin ang laman ng puso mo!"
Namumula na ako sa galit dahil sa mga sinabi niya. Mabilis niyang kinuha ang bag sa upuan at iniwan na lang akong tulala sa mga nangyari. Mabilis narin akong lumabas ng Coffee shop. Habol ang mga usiserang mga mata sa paligid. Mabilis akong sumakay sa kotse. Doon ko hinayaang pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit-sakit lang dahil matagal na pala akong tinatraydor ng isa sa matalik kong kaibigan. Paano ko pa haharapin ang bawat araw kung sa bawat paggising ko'y puro kasinungalingan, panlilinlang at pagdurusa sa lalaking pinakasalan ko ang aking namumulatan!
BINABASA MO ANG
✔️Ang Simula Ng Kahapon (AELBI)COMPLETED
RomanceAN EVERLASTING LOVE (Ang Simula Ng Kahapon) Genre: Romance Author: Babz07aziole Nanggaling sa magkaibang angkan sina Xander Luis Montenegro at Armina Deo Gracia. Hindi nila kilala ang isa't-isa kahit iisa lamang ang kanilang eskuwelahang pinapasukan...