"KARLO GISING NAAA! 7:30 NA OH!!" Napabaliwas ako ng bangon nung narinig kong 7:30 na!!Bigla akong tumakbo papunta sa banyo para maligo. Natapos naman ako agad siguro mga 10 minutes lang ako sa banyo.
Pagkalabas ko nag bihis agad ako, habang nag sasapatos ako, tinignan ko muna yung phone ko kung anong oras na ba..
5:57 am
"ANAK NG PATING! ATE NAMAN OH! Wala pa ngang 6 maka 7:30 ka naman!!" Sigaw ko mula sa kwato ko and i just heard her laugh. Tss.
7:00 pa kasi time namin. Tsk nakakainis!!
Dahil walang magawa sa bahay, pumasok na lang ako kahit maaga pa. Nag para agad ako ng jeep.
"Buti wala pang masyading tao." Bulong ko sa sarili ko
May dalawang babae na nadito sa loob kaya bale tatlo lang kaming nakasakay sa jeep. Yung isang babae alam kong classmate ko kasi laging umuupo yan sa likod ko tuwing may klase.
"Ah. Eh.. K-karlo!! Ang aga mo ngayon ah?" Sabi nung classmate ko na mukang clown.
"Masama bang pumasok ng maaga? Wag mo nga kong kausapin." Sabi ko sa kanya pero mukang kinilig pa sya.
Baliw
"Ah hihihi excited ka siguro sa field trip no? Hihihi tabi tayo ahh!" Sabi nya
Nak ng pucha!! Yung field trip nga pala!!!
Sus kung maka react naman ako parang napaka importante nun sakin.
Hindi ko nga alam kung san pupunta eh. Tss. Mang hihingi na lang ako ng pagkain.
Pagkadating ko sa school bilang na bilang lang yung tao dito. Tss ate kasi eh!! 6:15 pa lang nandito na ko!!
Nag punta na lang ako sa room. Buti na lang wala pang tao.. Nag laro lang ako ng color switch.
"AHH! SHET! MAKAKA HIGH SCORE NA EH!! ISA NA LANG EHH!!" Sigaw ko kasi nagulat ako nung may biglang pumasok sa room
Babaeng nakatungo. Ano? Multo lang?!
"Oy! Maka bukas naman to ng pinto oh!! Natalo tuloy ako!" Sigaw ko pero narinig kong parang umiiyak yung babae
"Oy? Jeje girl? Ikaw ba yan?" Sabi ko tsaka lumapit ako sa kanya.
Ang galing ko! Si jeje girl nga!
"Alam mo kahit kailan iyakin ka. Bakit na naman?" Sabi tsaka tumabi ako sa upuan nya.
"K-karlo ang aga mo." Yun lang sinabi nya sakin. Dafuq
"Dalawa na nag sasabi sakin nyan ah! Nakaka offend kayo ah! Porket laging late, di na pwede pumasok ng maaga?" Sabi ko sakanya pero di sya sumagot
Na seenzoned ako. First time in my life!! SEEN!
"Aw seenzoned. Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko
"K-kasi y-yung mga babae.. Nagagalit sakin.. Nakita daw tayong mag kasama kahapon." Sabi nya
"So?" Yun lang nasabi ko kasi para syang baliw. Anong nakakaiyak dun? Tss
Biglang nag bell na kaya nag pasukan na yung mga classmates ko. Nakita ko naman yung ibang babae na ang sama sama ng tingin kay jeje girl.
Yung mga napapanood ko sa movie pag binubully daw umaalis ng school. Tss. Pag si jeje girl umalis ng school wala na kong taga gawa ng homework!!!
"Nako Karlo!!! Chix mo? Naks naman ang gago binata na!!" Sabi ni Andrew kaibigan ko. Tapos sabay syang umupo sa tabi ko kasama yung bangong chix nya
"Gago wag moko igaya sayo." Sabi ko kaya tumawa lang sya
Biglang pumasok yung teacher namin
"Okay class!! In five minutes bababa na tayo para pumunta sa bus nyo!! Tandaan wag lalayo okay?!! Pag kayo nawala di ko kayo hahanapin!" Sabi nya
"May tanong pa ba kayo?" Sabi nung teacher namin.
So dahil may tanong ako nag taas ako ng kamay
"Ayy!! Karlo ako na lang tanungin mo!" Wtf
"Uhh san po ba tayo pupunta?" Tanong ko sa teacher. Nang laki naman yung mata nya
"KARLO!! Nakikinig ka ba sakin? Halos isang linggo na nating pinag uusapan yang field trip na yan ah?!" Sabi nya. Ang boring kasi nya kaya di ako nakikinig eh.
"Bro.. Realtalk. San tayo pupunta?" Tanong ko kay Andrew.
"Tss. Sa bundok tngna. Anong klaseng field trip yon!" Sabi nya
Bumaba na yung mga classmate ko para pumunta sa bus haaaay. Buhay ang pogi ko talaga

BINABASA MO ANG
The Phone Call
Teen FictionA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...