Naka bihis na ko at lahat, wala pa rin si jeje girl! Hay! Asan na ba yun?! Ayokong naghihintay!!Dahil sa sobrang katagalan ni jeje girl, tinawagan ko na lang sya
"Hoy! Asan ka na ba?!" Sabi ko pag kasagot nya ng phone.
"Uhm Karlo andito na ko sa tapat ng bahay nyo." sabi nya kaya binaba ko na kaagad yung phone ko
Bago ko umalis sa bahay tumingin muna ko sa salamin. shet pogi.
"Bakit ngayon ka lang?!" Sigaw ko kay jeje girl pag labas ko
"Kanina pa ko dito eh. mga 15 minutes na." sabi nya na nakatungo
"Eh? Bat di ka kumatok?" Sabi ko
Baliw yata to eh.
"N-nahihiya kasi ako eh." sabi nya
"Ano ba? Nasa lapag ba ko?" Sabi ko tapos pilit na inangat yung ulo nya
Tss. suot nanaman nya yung basag na salamin.
Kinuha ko yung salamin nya at tinapon sa kanal.
"Uy! Bakit mo tinapon?! Wala na kong salamin! Wala din akong pera pangbili eh!!!!" Nagulat ako sa sigaw nya
"Wow sumisigaw ka pala." sabi ko
Nagulat ako nung bigla syang lumapit dun sa kanal. parang gusto pa nyang kunin yung salamin pero di na nya makita kaya napakagat na lang sya ng lips.
Huh! Ano to? Twerk it like miley?
"Halika na! Ibibili kita ng bago!" Sabi ko at pinatayo sya
"Mahirap makakita pag wala kong salamin eh." sabi nya
"Okay lang yan hahawakan na lang kita!" Sabi ko at hinawakan yung kamay nya
Hinila ko na sya papuntang mall at nag punta sa eye clinic dun. sinukatan na sya kung ilan yung grado nya at bumili na kami ng salamin.
Thank you pa sya ng thank you sakin dahil daw ang mahal mahal daw ng binili kong salamin. sus para sa mga homework ko
At may isang bagay akong na realize habang nag lalakad lakad kami sa loob ng mall.
Hawak ko pa rin kamay nya!
Bigla akong napabitaw at tinulak sya ng di naman kalakasan.
"S-sorry kuya!" Sabi nya. kasi may na bunggo syang lalaki nung tinulak ko sya
"Karlo?! Wow! Long time no see!" Sabi nung lalaki. Dafuq bruh?!
"Dafuq? Kilal--- J-james?!" Sabi ko
"Oo! Nakilala mo rin!" Sabi nya
"Taena naman kasi pre!!! Bakit ka naka shades sa loob ng mall di ka naman artista! Ahahaha!" Sabi ko sa kanya
Totoo naman eh parang adik lang naka shades sa loob ng mall
"Teka pre, sasama ka sa fieldtrip sa friday?" Sabi nya
Weh? May fieldtrip?
"May fieldtrip ba? Bat di ko alam?" Sabi ko
"Gago ka kasi di ka nakikinig." Sabi nya
Sasagot pa sana ko kaso may biglang tumawag sa kanya kaya sinagot naman nya agad
"Pre alis na ko ah! Hinahanap na ko ng kasama ko eh. Anyway, girlfriend mo? Cute nya ah! Hahaha!" Sabi nya at umalis na
"Tungunu girlfriend daw?" Sabi ko nalang at naglakad kaso hindi naman nakasunod sakin si Jeje girl
Pag katingin ko kung nasan sya, nakatingin sya kay James habang papalayong nag lalakad samin
"Oy! Ano inlove ka na?!" Sigaw ko sa kanya
"Naku! Sorry! Nabaitan lang ako sa kanya he..he.." Sabi naman nya at sumabay na sa pag lalakad sakin
Napataas yung kilay ko sa sinabi nya. Whaaat?!
"Ako?" Sabi ko
"H-ha?" Sabi nya na parang nag tataka
"Mabait naman din ako diba?" Sabi ko kaya napatawa sya. Tumatawa din pala to?
"Hahaha! Oo naman!" Sabi nya sakin
Nag lakad lakad lang kami ni Jeje girl tapos bigla namang tumunog yung phone nya kaya tinignan nya yung text
"H-hala!! N-naku Josh kailangan ko nang umuwi ah! Maraming maraming salamat talaga dito sa salamin! Babawi ako sa mga homeworks mo! Promise! Aalis na ko!" Sabi nya at nag lakad pero sinundan ko sya
"Oh? Aga pa ah?" Sabi ko habang sinasabayan sya sa pag lakad
Sasagot sana sya kasi naputol kasi may tumatawag na sa kanya kaya sinagot naman nya agad
"P-po?! Sige po!! Uuwi na po a-ako!! Sige po!" Sabi nya at binaba agad yung call
Nakita ko namang parang iiyak na sya hmm..
Tumakbo na sya papuntang exit ng mall pero syempre nakahabol parin ako
"Oy ano ba yun?" Sabi ko
"Yung lola ko!!" Sabi nya at may tumulong luha sa kanya
"Hay!! Hahatid na nga kita!!" Sabi ko at hinila sya sa kotse ko
Oo may kotse ako. Pogi kasi ako eh
![](https://img.wattpad.com/cover/30681795-288-k765580.jpg)
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Teen FictionA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...