Chapter 2

50 7 0
                                        





Nakita ko si Jeje girl na umiiyak sa sulok. muntanga lang to oh!

"Hoy! Bakit nasa sulok ka? Balak mo bang maging pader?" Sabi ko

"B-bakit ka nandito?" Sabi nya

"Alam mo dahil sa kapogian ko nabasag yang salamin mo. kaya kung gusto mo kong patuligin mamayang gabi. sama ka sakin!" Sabi ko

Tinignan nya lang ako ng parang nag tataka. hay mga babae nga naman sila na nga niyaya ng katulad kong pogi choosy pa!

Di yata ko papatulugin nito mamaya dahil sa konsensya! Clown kasi eh!!

"W-wag na." Sabi nya at umalis na sa sa sulok

"Sayang wala nang pader." bulong ko sa sarili ko

Hay choosy talaga eh. bala sya bukas ko na lang sya pipilitin hahaha

*kinabukasan

"Karlo!!!" Nagising ako ng wala sa oras dahil sa sigaw ng ate ko tss

"Ano?! Ate sabado ngayon!!!! Patulog!" Sabi ko at pumikit ulit

"Di ka babangon dyan?!" Sabi nya

"Isa!!" Hay jusko naman oo!!

"Bakit ba?!" sabi ko

"Sinisigawan mo ba ko?! Ha?! Ate mo ko uy!!" Sabi nya sabay batok sakin

"Bakit ba kasi?! Ang aga aga eh!!" Sabi ko

"May pumunta ditong babaeng nakasalamin. basag na salamin." sabi nya

"O ano ngayon?" Sabi nya

"Pinapabigay to oh! Ano yan homework mo?! Diba sabi ko wag ka mag papagawa ng homework?!" Sabi nya

"Ahh si jeje girl." sabi ko

"Jeje girl? Di naman sya naka varsity jacket ah? Di rin sya naka t shirt ng wolf 88? Agh! Mga jejemon ginawang couple shirt yung wolf 88!!!! Asar!!!" Sagaw nya at nag tatatalon nananman dahil sa mga kpop thingy na yan

Di ko naman naiintindihan sinasabi

Kinuha ko na yung notebook ko sa ate ko at umakyat sa kwarto. tinignan ko yung mga sagot at wow!! Ang hahaba! Siguro tama naman lahat to hahaha

Nays

Matutulog na sana ulit ako kasi may tumawag sakin. unknown number lang kaya sinagot ko na lang pogi naman ako eh

"Hello?" Sabi ko

"K-karlo!" sabi nung nasa kabilang linya boses babae

"Sino to?" Sabi ko

"Uhm. Si Cheska." sabi nya

"Ha? Sino yun? Di kita kilala." sabi ko

"Ah ako yung gumagawa ng homework mo." sabi nya. jeje girl?

"We? Jeje girl?" Sabi ko

"Ah oo. pero pramis di ako jeje. binigay ng ate mo number mo sakin sabi nya tawagan daw kita tsaka wag na daw kitang igawa ng mga homeworks mo." sabi nya

"ATE NAMAN!!!!! SI JEJE GIRL NA LANG PAGASA KO!!" Sigaw ko sa ate ko habang nanonood sya ng mga kpop na sumasayaw

"Wahhh!!! Baekhyun!! Pogi pogi!!!" Sabi nya naman

"Hayst!!" Sabi ko

"Oy jeje girl! Gagawa mo parin ako ng homework ah!! Wag kang maniniwala sa ate ko!" Sabi ko sa phone

"Ah hehe s-sige. bababa ko na." sabinya

"Wait lang!!!" Sigaw ko

"B-bakit?" Sabi nya

"Sabi ng ate ko kanina basag daw yung salamin mo kanina nung nag punta ka dito." sabi ko naman sa kanya

"Ah. he he oo eh." sabi nya sakin

"Sinuot mo pa rin kahit basag?!" Sabi ko

"W-wala naman akong ibang salamin eh. kaya ayun na lang ulit susuutin ko." sabi nya

"Hayst!! Dahil pogi ako, sumama ka sakin bukas ah!" Sabi ko

"Ha?! B-bakit? Saan pupunta?" Sabi nya na parang pangit yung kasama nya. sus hiya pa sya oh!

"Dahil ako may kasalanan kaya basag yang salamin mo." sabi ko

Di naman sya sumagot!!!!! Hala nahimatay?!

"Oy! Basta! Bala ka basta pag di ka pumunta dito nako!! Gagawin kitang pader!!!" Sabi ko

"Ah e-ewan ko eh. b-bahala na lang." sabi nya

"Ha?! Anong bahala?! Basta pumunta ka!!!!!!" Sabi ko at binaba na yung phone.

Hay pogi ko talaga kahit kailan! Ang daming na i-intimidate sakin. sana wag naman araw araw ka pogian ko.

The Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon