Chapter 6

48 7 4
                                    



Bago ako bumaba, nag banyo muna ko para mag salamin. Baka kasi makalimutan kong pogi ako eh.

Pagka dating ko sa loob ng bus ako na lang pala hinihintay. Vip shet

"Omg!! Karlo look oh! Wala na you upuan! Here! Tabi tayo hihihi!" Sabi nung isang clown.

"Karlo! Dito!" Sabi naman nung isa

Pogi ko.

Nakita ko si Andrew kaya lumapit ako sa kanya.

"Oy bro! Tabi tayo!" Sabi ko pero tinignan naman nya ko ng masama

Tumayo sya at inakbayan ako. Yuck

"Bro alam kong may gusto ka sakin, pero pagbigyan mo naman akong tumbabi sa chix ko!!" Sabi nya kaya binatukan ko sya

"Gago ka talaga! Sige na dyan ka na. Lagi naman akong second choice eh." Sabi ko.

Ganyan talaga kami ni Andrew. Baka sabihin nyo tino totoo na namin eh. Tss.Mag kaibigan na kami simula elementary kami.

Nakita ko naman si jeje girl na naka upo magisa kaya lumapit na lang ako at umupo sa tabi nya. Bigla naman syang napatayo kaya natawa ko

Baliw

"K-karlo!! Gusto mo bang umalis ako?" Sabi nya. Aalis na sana sya pero pinigilan ko sya

"Ano? Yan ka nanaman! Gusto mo ba tumabi sakin yung mga clown na yun? Hay!" Sabi ko sa kanya kaya napa upo na lang sya

"Teka.. Diba malamig at mahangin sa Mt. Pulag? T-shirt ka lang ba?" Tanong bigla ni jeje girl sakin.

"Ha? Mt. Pulag?! Sa Mt. Pulag ba tayo?!" Napatayo na lang ako. Anak ng pucha naman. Naka punta na ko dun eh! Siguro mga 5 degrees yung lamig tapos ang hangin hangin pa. Tss

"Ah o-oo.. Tapos 3 days tayo dun.." Sabi nya na mas lalong nag pagulat sakin.

Bigla kong tinawagan si ate

"ATE!! MAY FIELD TRIP PALA KAMI NGAYON SA MT. PULAG!!! JUSKO TATLONG ARAW WALA AKONG DAMIT! PADALA NAMAN SA SCHOOL OH! GAMITIN MO YUNG KOTSE KO INIWAN KO DYAN SUSI." Sabi ko. Arg!! Kaya pala ang daming exited dun matutulog!

Dapat di na lang ako pumasok ngayon eh! Tss

"Alam kong pupunta kayong mt pulag." Sabi ni ate. Anu daw?

"Alam mo?" Yun lang nasabi ko sa kanya

"HAHAHA OO! Tsaka yung damit mo nasa bag mo na! Inayos ko kanina pati jacket mo. Oa neto. Sapakin kita eh." Sabi nya tapos tumawa tawa lang

Napaupo naman ako sa narinig ko. Sus. Kaya pala mabigat yung bag ko kanina papasok. Chineck ko naman agad yung bag ko.

"Hayy buti na lang may ate ako." Bulong ko sa sarili ko.

----

Isang oras pa lang yung byahe tulog na agad yung mga classmates ko pati teacher ko. Tutal 7 hours pa yung byahe namin.

Bagot na bagot na sa buhay ko kaya nag drawing na lang ako sa notebook ko. Oo magaling ako mag drawing no kala nyo

Nag d-drawing ako ng muka ni Kathryn Bernardo. Crush ko kasi sya.

(Nakuha ko lang sa google lol)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Nakuha ko lang sa google lol)

Papatapos na ko nung biglang nagising si jeje girl. Nahiya tuloy ako drawing ko si Kathryn ka lalaki kong tao.

"W-wow!" Sabi nya nung makita nya yung drawing ko. Nginitian ko na lang sya at tinapos yun. Nilagyan ko lang sa baba ng drawing yung pangalan ko.

Karlo =)

"Oh. Sayo na lang." Sabi ko tska binigay kay jeje girl yung drawing ko.

"S-sigurado ka ba? Okay lang?" Sabi nya na parang nahihiya hiya pa

Baliw

"Oo nga tatapon ko lang din naman yan eh.." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya

"Thank you!" Sabi nya

"Ngayon ako naman ang matutulog!!" Sabi ko sa kanya at nag earphones ako at pinikit yung mata ko.

Sana mapaniginipan ko kung gaano ko ka pogi.

The Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon