"Oy gago! Gising na! 12 na!" Narinig kong may gumigising sakin pero di ko lang pinansin dahil antok pa ko."Hoy Karlo!! Lagot ka sa teacher natin pag hindi ka pa daw nagising sya daw gigising sayo!" Narinig ko ulit at may kasama pa na kalog kalog sa balikat
"KARLO! HINDI KA PA BA GIGISING? ANO KA VIP?! GUMISING KA NA KUNG AYAW MONG SUNIGIN KO LAHAT NG GAMIT MO! TAYOOO!" Napabangon ako sa lakas ng bunganga nung teacher namin. Tss haaay!!
Wala akong nagawa kaya napa tayo na lang ako ng wala sa oras. Paglabas ko ng tent nakatingin sila lahat sakin at yung iba muka pang kinikilig sa ka pogian ko
"OMG ang pogi ni papa Karlo pag bagong gising!" Sabi nung isa
"KYAAAH! TINIGNAN NYA KO! IM SO PRETTY DAW!" Sabi naman nung isa
"HALA Messy pa yung buhok nya oh! Ang hot!!" Sabi naman nung isa pa.
"PUCHA ALAM KONG POGI AKO WAG NYO NA SABIHIN!" Sigaw ko kaya lalo silang naging bulateng nagingisay.
Hindi na lang ako tumingin sa kanila dahil naiirita ako kaya dumiretso na lang ako sa banyo para maligo.
ANG LAMIG NG TUBIG!
Hindi ko na enjoy yung pag ligo ko dahil ang lamig lamig at tsaka ako na lang yung hinihintay kaya lumabas na agad ako.
"Okay! Second day nyo na ngayon at bukas naman last day nyo na. Gagawin natin ngayon eh parang group activity. May mga games and stuff na kung ano ano." Sabi nung teacher namin. Hay dapat natulog na lang ako eh!
"So unang gagawin nyo ay kailangan nyo kolektahin ang mga blocks at kailangan nyo mabuo ang secret word na nakasulat. Ang first 3 teams na manalo, may chocolate at pwede na matulog kung saan nyo gusto." Sabi ng teacher namin kaya feeling ko tuloy gusto ko na manalo.
Hindi dahil sa chocolate ah!! Kasi kagabi ang hirap hirap matulog sa tent dahil sa lamig at tska baka may mga daga daga pa o ahas na pumasok sa loob. Tss. Tapos ang ingay pa ng mga puno.
Tinanong ko kasi sa teacher kung pwede na lang ako matulog sa bus mas comfortable pa kesa sa tent. Sabi naman nya di daw pwede. Tss
"Yung ka group nyo kahapon yun ulit ka group nyo ngayon okay?" Tapos napansin ko excited din iba kong classmates.
"And by the way class, hahanapin nyo yung mga kanya kanyang blocks nyo dun." Sabi nya at tinuro nya yung parang swimming pool na putik.
Mayroong 8 na mud pit na nandoon. Tamang tama sa 8 na groups namin. Pumwesto na agad ako sa tapat ng mud pit namin at nag tanggal ako ng hoodie na suot ko at nakasuot na lang ako ng t shirt at jersey shorts.
"9 block ang kailangan nyong hanapin okay?" Sabi ng teacher ko.
"Ready? Get set, GO!!!" Sigaw nya at tumalon na agad ako sa mud pit
Napansin kong tumalon na din yung iba kong classmates pero sa group namin ako lang ang tumalon.
"OY PUCHA! TULUNGAN NYO NAMAN AKO!" Sabi kela Andrew pero umiling lang sya
"Pre. Ako bahala sa puzzle." Sabi ni Andrew at nakisingit naman yung shota nya. "Yup! Andrew is right! Puzzle!" Sabi nya
Pinakyu ko lang silang dalawa at nag simula na mag hanap. Habang nag hahanap ako, napansin ko naman na nag punta na rin dito si jeje girl kay nginitian ko sya. Sya naman mukang nag sisi sa ginawa nyang pag punta dito
Pano ba naman kasi, napaka lagkit at napaka hirap mag lakad. Tapos hanggang bewang ko pa kaya mahirap talaga hanapin yung mga blocks kaya kina kapa ko na lang ng paa ko.
"May nakita ako! Letter "A"! Hahaha" sabi ko at binigay ko kaagad kay Andrew yung block.
Sunod sunod na yung mga blocks na nakita namin ni jeje girl. Hanggang sa makumpleto na namin lahat.
May isang team na tapos na mag solve ng puzzle kaya mas lalo naming binilisan.
Ang mga letters na nakita namin ay:
"A" "O" "O" "C" "L" "H" "T" "E" "C"
Yan yung word. Nakaka bobo lang
"YAay!! Tapos na kami!!" Napatingin ako sa group na sumigaw nun. Tss isa na lang!!
"A-alam ko na yata.." Napatingin ako kay jeje girl. "ANO?" Sabi ko
"Chocolate." Sabi nya ng seryoso at narinig ko namang tumawa yung shota ni Andrew
"Nako girl! Seriously? Ha ha ha nope!" Sabi nung shota ni Andrew
Pero kahil imposible, nag try parin ako ng chocolate.
"Ms!! Tapos na kami!" Sigaw ko at lumapit yung teacher namin.
"Good job Karlo. You guys got the right word
Taena? CHOCOLATE?!
Dahil papagabi na rin, kumain na kami ng dinner namin. Tska ko naalala yung telephone na nakita ko.
"Pre astig!! Gumagana pa ba? Sabi ni Andrew sakin
"Malay ko ba. Baka hindi na." Sabi ko naman
"Eiw naman. It's so old na. Why did you kuha kuha it?" Sabi naman nung shota ni Andrew kaya nairita ko at di ko na lang sinagot.
"May ganyan lola ko. Kaso sira na. Baka di narin yan gumagana." Sabi ni jeje girl.
Pag kakain ko naman ng dinner, dumiretso na ko sa bus dala mga gamit ko. Kasama yung telephone.
Medyo inaantok na rin ako kaya pumikit na lang ako. Natutulog na sana ko kaso bigla akong nagising kasi may tumawag.
Chineck ko yung phone ko pero hindi naman dun galing yung tawag. Nanglaki yung mata ko sa nakita ko.
Galing sa telephone yun.
May napulot akong telephone.
May bigalang tumawag.
Sasagutin ko ba?
Nag aalin langan pa ko kung sasagutin ko ba yung tawag o hindi. Pero dahil pogi ako, sinagot ko parin.
"H-hello?" Sabi ko pero walang sumasagot.
"S-sino ito?" Sabi naman nung boses sa kabila. Mukang babae.
"Ikaw pano ka nakatawag dito? Shit! Baka may paranormal activity na nang yayari!" Sabi ko naman
"Anong lenggwahe ba ang iyong sinasabi? Pasensya na ah? Tagalog lamang ang nalalaman kong lenggwahe." Sabi naman nung babae sa kabilang line kaya natawa ko.
"Ano ka ba? Nasa panahon ni kopong kopong?! Bat ang lamin mo mag tagalog? Hahaha tangina lang." Sabi ko.
"Terresa! Pinapatawag ka ng iyong ina. Mukhang galit na galit." Sabi sa kabilang line pero alam ko hindi na yun yung babaeng kausap ko kanina.
Bigla nyang binaba yung tawag kaya nag taka ako
"Wtf was that?" Sabi ko sa sarili ko.
Pero sa totoo lang, kinilabutan ako.

BINABASA MO ANG
The Phone Call
Ficção AdolescenteA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...