Hanggang ngayon, nag tataka parin ako sa sinabi ng lola ni Jeje girl.Pano nya nalaman na may telephone ako? Ang weird lang
Habang nag mumuni muni ako, mag biglang tumawag. Yung telephone.
Kinabahan tuloy ako bigla. Sasagutin ko ba?
"Hello? Karlo?" Sabi nung boses sa kabilang line
Hindi ako nakasagot.
"Karlo? Andyan ka parin ba?" Sabi ulit ni Terresa
"Ah oo." Sabi ko
"Tungkol kahapon, ano nga ba ang sinasabi mo?" Sabi nya di ko lang pinansin yun
"Theresa, may tanong ako sayo." Sabi ko naman
"Ano iyon?" Sabi nya
"Kailan birthday mo?" Sabi ko ng diresto sa kanya. At narinig ko naman syang tumawa sa kabilang line.
Ano to kinilig sa kapogian ko?
"Ang aking kaarawan? Haha! Hulyo 16. Bakit mo naitanong?" Sabi nya na parang nagtataka naman.
"Ahh anong year?" Sabi ko ulit
Bakit ko tinatanong? Well she's weird. A few days ago nung nag usap kami, sabi nya ang current date is april 1. Okay I know it's right but the year. Sabi nya 1941? Dafak? Then ngayon kay Manuel Quezon naman? Naguguluhan na yung utak ko baka sumabog ng wala sa oras!
"Ang aking kaarawan ay Hulyo 16, 1924. Ikaw?" Sabi nya ulit
See? Wtf?! Anong 1924? Ano 75 years age gap namin? Bullshit!
"Karlo? Andyan ka ba?" Sabi naman nya ng hindi ako nakasagot.
"Ako birthday ko June 4, 19-- beep beep beep--" Nung narinig ko ulit yung beep na yun muntik ko nang maiuntog yung telephone sa muka ko kaso naalala ko sayang naman kapogian ko kung masusugatan or mabubukulan lang diba? Tss
Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ganun sinasabi nya? 1924? At the moment hindi ko alam kung pinag t-tripan ba nya ko pero bakit feeling ko, hindi naman sya nag sisinungaling.
"Lam mo Karlo? Muka kang baliw." Nagulat ako nung makita ko si ate na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.
"Ate bakit nanaman?" Sabi ko sa kanya.
"Ang weird mo. Imagination mo lang ba na may kausap ka? I mean. Look at that telephone. Miracle na lang kung gumana pa yan." Sabi nya at napairap naman ako
"Anong imagination? E diba ikaw na nga mismo nag sabi sakin na may tumawag dyan at hinanahanap ako?" Sabi ko naman at mukang ngayon lang nya naalala yung nangyari.
"Ay oo nga no?" Sabi nya "Pero sino ba yun? Girlfriend mo?" Sabi nya ulit
"Hindi. Pero ang weird lang nya." Sabi ko naman
"Sabihan mo na kong nababaliw ah, pero sa tingin ko, taga past sya ate." Sabi ko naman at seryoso lang ang muka ni ate. Naniniwala sya?
"Panong taga past?" Sabi naman ni ate sakin.
"Kasi una pagsasalita nya. Napaka lalim. Next yung name nya Theresa. Dafak? Sino mag papangalan sa anak nya ng Theresa? I mean it's 2016! Sunod naman sabi nya yung year daw 1941. Tapos birthyear nya 1924 naman! And ang mas weird hindi nya kilala si duterte! Alam nyang current president si Manuel Quezon! DAFAK?!" Sabi ko sa kanya
"Okay Karlo. Chill. I feel like you're telling the truth kasi you're not that smart to make those things up." Sabi nya na parang nag iisip. Ano ba yan? Compliment?
"Wow ha. Thank you but I'm offended." Sabi ko at binatukan naman nya ko bigla.
Bigla naman nyang kinuha yung phone nya at nakisilip na lang ako dahil nakita ko parang nag re-research sya.
"Okay.. So kung 1941 na yung year sa kanila, tama naman yung sinabi nya na si Manuel Quezon yung president nila ngayon. And kung titignan 1941 minus 1924 is 17! Meaning mag kasing age lang kayo." Sabi nya at natigilan sya bigla.
"Okay. Taena. Im confused." Sabi naman ni ate.
"Nakita mo na ba tong girl na to sa personal?" Sabi ulit ni ate sakin
Umiling lang ako pero bigla kong naalala yung picture na napulot ko dati sa mt pulag. Sabi ni Theresa sya daw yun
"Pero may picture ako." Sabi ko naman at binigay sa kanya yung picture.
Tinitigan lang ni ate yung picture na parang nag tataka.
"Feeling ko nakita ko na yung mukang to. She looks so familiar." Sabi naman nya.
"If you look closely may kamuk talaga sya eh. I just don't remember who. Probably one of the kpop girls I've seen." Sabi ulit ni ate
"My mind is so freakin blown right now." Sabi ko naman at tumawa sya.
"I think there's a possibility na totoo yung sinasabi nya. Nakabasa na ko ng article na sabi daw ng mga scientists, totoo daw yung multiverse." Sabi naman ni ate
"Ano yun?" Sabi ko
"It's like a parallel universe. Ewan! Hindi ko din alam. Pero it's possible Karlo. A girl from past is talking to you." Sabi naman ni ate at bigla naman akong kinilabutan sa sinabi nya.
So a girl from past. Is this for real or am I being pranked? It's just so weird na sana prank nga lang to dahil kinikilabutan ako pag naiisip ko pa lang.
Pero I feel like this is for real. That there is really a girl from the past talking to me.
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Fiksi RemajaA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...