Chapter 10

37 7 2
                                    



"Karlo! Tulala ka nanaman dyan!" Sabi ni Andrew sakin tsaka ako siniko.

"Kanina ka pa kasi siko ng siko." Sabi ko sakanya at siniko ko pa sya ng malakas kaya napa 'aw' sya

"Sus. E bakit ka ba kasi tulala dyan? Na busted ka ba?" Sabi nya sakin

"Bakit ako ba kinukulit mo? Asan na yung shota mo?" Sabi ko sa kanya kaya natahimik sya.

"Pre.. First Weeksary daw namin ngayon eh. Sabi ko ano ba yung weeksary kaya nagalit sakin." Sabi nya at nag kamot ng ulo.

"Ano ba pangalan nun? Diba half Chinese yun?" Sabi ko sa kanya at tumango sya

"Ah oo. Name nya is Feve Ang weird no? Mas weird pa full name nya. Feve bi. Hahahaha." Sabi nya at tumawa ng malakas. Feve bi? Parang pabebe lang. Bagay sa kanya.

"Teka teka! Bakit sakin napunta yung usapan? Bakit ka ba kasi sabog dyan?" Sabi nya ulit sakin

Kaya napaisip ako. Yung babae kagabi? Sino kaya sya? Pano kaya sya nakatawag sa telephone?

Last day na namin ngayon dito. Kaya binigyan lang kami ng teacher namin ng free time. Habang kami ni Andrew nandito sa loob ng bus kumakain ng snacks.

Habang kinukulit ako ni Andrew mag kwento, biglang dumating yung shota nya.

"Huhuhu baby ko!! Sorry naaaa! Hindi na ko magiging mad sayooo!" Sabi nya at niyakap si Andrew.

"Baby! Sorry di ko alam yung Weeksary thing na yan ah." Sabi naman ni Andrew

"Okii lang kasi naisip ko na baka ako pa lang yung first na girlfriend mo na umabot ng 1 week! Kaya you don't know what Weeksary is!" Sabi nya kaya napatawa ko kaya tinignan naman ako ng masama ng shota ni Andrew.

"Maka titig ka baby ah. Nag seselos na baby mo." Sabi ni Andrew at nag pa cute.

Umalis na sila sa loob ng bus kasi daw may "chismoso" ewan ko kung sino sinasabi nila. Wala na namang ibang tao sa bus eh. Lol

Ako na lang naiwan mag isa sa loob kaya kumain lang ulit ako ng kumain.

Habang kumakain ako, muntik ko ng mahulog yung kinakain ko dahil sa gulat kasi may biglang tumawag sa telephone.

Bigla nanaman akong kinabahan. Ano? Sasagutin ko ba?

Dahan dahan kong kinuha yung telephone para sagutin yung tawag.

"H-hello?" Sabi ko

"Ikaw ba ang taong kausap ko nung gabi?" Sabi nung tao sa kabilang line

"Siguro. Parang ikaw din yung kausap ko kagabi eh." Sabi ko

"Naku pag pasensyahan mo ako! Ang ina ko kasi ay bigla akong tinawag." Sabi nya. Yan nanaman yung malalalim na tagalog nya.

"Hahaha wait lang! Ano nga ulit name mo?" Sabi ko sakanya

"Paumanhin?" Sabi nya sakin

Putcha na nonose bleed na ko sa ginagawa netong babaeng to eh.

"Name mo. Pangalan." Sabi ko

"Ahh!! Ang aking pangalan ay Terresa. Pasensya na at hindi ako marunong mag Ingles. hindi pa kasi ako nakapag aral eh." Sabi nya sakin at biglang lumungkot yung boses nya.

"Ah? Ilang taon taon ka na ba?" Sabi ko lang

"Ako ay labimpitong taong gulang na." Sabi nya sakin

"Oh mag kasing edad lang pala tayo eh! Hahaha pano ka ulit naka tawag dito sa telephone? Astig!!" Sabi ko

"Sandali, taga dito ka ba sa pulag?" Tanong nya sakin

"Ah hindi may fieldtrip lang kami ngayon. Taga manila ako" sabi ko at ngumiti na para namang nakikita nya.

"M-maynila?! Gusto kong pumunta dyan simula nung bata pa ako! Teka ano nga pala ang iyong pangalan?" Sabi nya

"Karlo. Karlo pogi forever." Sabi ko at tumawa

Nag kwentuhan pa kami ni Terresa kaya hindi ko na namalayan yung oras. Hapon na pala ngayon. Mga ilang oras din kaming nag kwentuhan at ang dami ko ding nalaman tungkol sa kanya.

At ilang oras din akong na nosebleed kasi ang lalim lalim ng tagalog nya. Provinsyanang probinsyana.

Hiningi ko pa nga number nya para text text na lang kaso wala daw syang cellphone. Mahirap lang daw sila. Pero sus. Mukang ayaw lang naman nya talaga ibigay sakin eh.

Kung alam nya lang kung gano ko kapogi nako!

"Ah aalis na nga pala kami bukas. Babalik na kami sa manila." Sabi ko

"Talaga? A-ah.. K-karlo.. Gusto mo magkita tayo? Tutal baka hindi na tayo mag kita kasi baka hindi na kayo bumalik dito. Kung nais mo lang." Sabi nya na parang nahihiya pa.

"Sige ba!! Ngayon na! Saan?" Sabi ko sa kanya.

"Ahh.. Siguro dun na lang sa pinagpulutan mo ng telepono. Yung sa may malaking butas?" Sabi nya sakin.

Nag babay na kami sa isat isa at syempre nag pa pogi ako kahit pogi na ko kasi nakakahiya naman.

Excited ako na parang ewan habang papunta ko dun sa may butas.

First time ko lang makaramdam ng kaba oh ano.

Pag ka dating ko dito sa may butas, umupo na lang ako at nag hintay. Wala pa kasi sya.

---

"Putcha yan. Inindian lang yata ko." Bulong ko sa sarili ko.

Halos dalawang oras na ko nag hihintay dito sa may meeting spot namin. Pero hindi sya dumating. Tss!

Napatingin ako sa butas kung saan ko nakita yung telephone. Parang may kung ano sa loob kaya sinilip ko.

Isang picture ng babae. Ewan ko ba kung sino yun pero parang may kamuka sya di ko nga lang matandaan.

 Ewan ko ba kung sino yun pero parang may kamuka sya di ko nga lang matandaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mukang luma na yung picture dahil sa pangit ng quality at effect. Itatapon ko na dapat yung picture pero may narinig akong nag lalakad kaya tinago ko kaagad yung picture sa bulsa ko.

"Terr--" napatigil akong ng sasabihin dahil hindi pala si Terresa yung dumating.

"Jeje girl." Sabi ko at ngumiti sya.

"Bakit ka nandito?" Sabi nya sakin.

"Ah.. Wala lang." Sabi ko "ikaw?" Sabi ko ulit

"Dito kasi ako lumaki eh. Namiss ko lang. Dun pa sa dulo dati naming bahay ng nanay ko at lola ko. Dapat pupuntahan ko kaso nakita kita dito." Sabi nya at tumawa.

Mag sasakita pa sana ko kaso dumating si Andrew. Tumatakbo sya.

"Hoy!! Kayong dalawa! Nandito lang pala kayo! Aalis na bus! Tara na!! Di ba kayo excited?" Sabi ni Andrew samin at tumawa

Lumingon lingon pa ko sa paligid tsaka tuluyang umalis.

Ano ba yan.

Hindi ako sinipot. Pogi kong to eh hindi mo ko sisiputin? Tss.

Ewan ko ba kung ano mararamdaman ko ngayon. Excited pa naman ako. Tss

Aalis na kami.

Bye Mt. Pulag.

The Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon