"Pre baka gutom lang yun!" Sabi sakin ni Andrew nung kniwento ko yung nangyari."Tss hindi nga!! Satingin mo sya yung picture?" Sabi ko at pinakita ko yung picture na napulot ko.
"Eh? Muka nang luma yan eh. Baka may naka hulog lang. Pero kung sya man yan, chikababes!" Sabi nya
Haaay hindi ko na nga muna iisipin yun! Ang pogi ko para mag isip sa isang babaeng ng indian lang sakin!
Tsaka gutom na ko.
Lunch time na ngayon at kasama ko si Andrew sa canteen. Ewan ko kung nasan yung girlfriend nya. Sakin pa dumikit. Yak
"Teka? San na nga pala yung isa mong chixx? Yung nakasalamin?" Sabi ni Andrew habang kumakain
"Ah? Si jeje girl? Ewan ko din. Baka may iba ng crush. Tss. Di ko na nakikita eh." Sabi ko at tumawa lang sya
"Ano? Selos ka naman? Wag ka na kasing torpe! Lam mo pre, pag yun nawala, masasaktan ka lang din.." Sabi nya at tinapik pa ko sa balikat.
"Tss. Tumahimik ka nga! Wala naman talaga akong gusto dun." Sabi ko
Nag tuloy na kaming kumain hanggang sa may marinig kaming ingay.. Mga tilian ng babae.
Napalingon ako sa may pintuan ng canteen. May lalaking pumasok. Sya yung tinitilaan ng mga babae dito. Tss. Di naman pogi.
"Halaaaa ang gwapo pala ng transferee!!" Sabi nung isang clown na malapit sa table namin.
"Omg oo nga! Pero loyal ako kay Fafa Karlo ko!" Sabi naman nung isa kaya napa ngisi ako.
Ako parin ang pogi.
Kakatapos lang namin kumain ni Andrew at saktong tumunog yung bell kaya balik na kami sa classroom.
Napansin ko din na wala si jeje girl. Siguro absent.
Pagkapasok nung teacher namin, may kasama naman syang lalaki. Yung lalaki kanina sa canteen. Tss
"Okay class, this is your new classmate. He is from Americ--" hindi nya pinatapos yung sinasabi ng teacher namin at nag salita sya.
"New york.. To be exact." Sabi nya ng naka poker face.
"Still part of America." Pag tataray naman ng teacher namin kaya natawa ko ng konti. Haha
"Well, He is from NEW YORK and he moved here in manila for some private reason. Please introduce yourself." Sabi ng teacher ko at umupo sa desk nya.
"Tsk. It's Edward Mendoza. My mom is American and my dad is Filipino." Sabi nya at tumgin naman sa teacher.
"Thanks. Now you may seat. Just find some vacant seat in there. Class we'll start in about a minute. Please get your textbook out. Page 58." Sabi ni teacher
Napansin ko na umupo yung bagong lalaki dun sa upuan ni jeje girl. Tss wala na tuloy syang upuan. Epal kasi si Edward Cullen eh. Lol
Nag class lang kami ng nag class hanggang sa nag uwian na. Haaay finally.
Pagka labas ko ng room namin, nag banyo muna ako.
Meron isang room na madadadaan bago makapunta sa banyo. Hindi na ginagamit yung room na yun kasi ewan ko.
Pag ka daan ko dun sa room na yun, may narinig akong mga babae.
"Ang kapal talaga ng muka mong babae ka!!" Sabi nung isa ewan ko kung sino
"Wag kang lalapit ulit kay Karlo ha! Kala mo hindi ka namin nakita kahapon?!" Sabi naman nung isa
"Kala mo mabait pero may tinatago naman palang landi sa loob." Sabi naman nung isa
BINABASA MO ANG
The Phone Call
أدب المراهقينA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...