Chapter 19

11 0 0
                                        


"Theresa." Sabi nila parehas

"A-ano?! Mag kakilala pala kayo eh!!" Sabi ko. At parang nalilito na rin si ate

"Karlo. Lola yata ni Cheska si Theresa.." sabi ni ate sakin at nagulat naman si Theresa

"P-paumanhin? H-hindi ko sya kilala!" Sabi ni Theresa

"May kilala ka bang Anton?" Sabi ni jeje girl at nang laki naman yung mata ni Theresa

"A-anton Dela Cruz?!" Sabi naman ni Theresa

Okay. Nalilito ako. Napaka gulo ng nangyayari. Wtf?

"Oo! Yun ang lolo ko!" Sabi naman ni Jeje girl.

Nagulat naman kaming lahat nung biglang tumakbo si Theresa

"San pupunta yun?" Sabi ko at bigla lang akong tinulak ni ate

"Aray!!! Bakit??!" Sabi ko at bigla lang sya sumigaw sakin

"Habulin mo!!" Sabi nya kaya napatakbo na lang ako.

Ano to? Bakit kailangan pang habulin?

Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating ako sa bus stop. Hule ka!!

"Jusko pagod na pagod na ko. Wag ka ng tumakbo." Sabi ko pag pasok ko sa loob ng bus stop

"Hindi ko alam ang nangyayari. Nasaan ba ako?! Bakit may ganito? Sino ka ba talaga?" Sabi nya habang umiiyak

"Theresa, chill ka lang. pag usapan natin to sa bahay." Sabi ko naman at tumango sya.

*

Nag lalakad kami pa puntang bahay ng makasalubong ko si Edward Cullen.

"Yo." Sabi nya sakin kaya napatigil naman ako at tinitigan lang sya.

"Why did you cover her lips?" Sabi nya ulit.

Bakit ba?! Epal tong lalaking to.

"Eh bakit ba? Pake mo?" Sabi ko at napa ngisi naman sya.

"Huh. I know you and Cheska are not together. So if you don't mind, please stop acting like her boyfriend." Sabi nya at biglang umalis may kasama pang bunggo.

Ok.

Daming bobo sa mundo ngayon. Nakakainis.

*

Nakarating kami sa bahay at nandun parin si jeje girl kausap si ate.

"Okay girl. Explain. Sino ka. Buong story. Simula nung nag usap kayo ni Karlo." Sabi ni ate parang natakot naman si Theresa sa katarayan ng ate ko. Hahahaha

"Y-yung telepono. Yun lang ang aking libangan sa bahay dahil hindi ako pinapalabas ng aking mga magulang." Sabi nya habang naka tungo

Si jeje girl naman nakatingin lang. sabay kalikot sa bag nya.

"so? Ano konek?" Sabi ni at parang hindi naman naintindihan ni Theresa sabi nya kaya nag continue na lang sa pag kwento.

"Pag wala akong magawa, tumatawag ako ng kung ano anong numero. Karamihan ay walang sumasagot kaya labis akong natuwa nung nasagot ni Karlo tawag ko." Sabi nya at nag smile.

Hanggang ngayon di ko parin gets sinasabi nya. Pano sya napunta sa kwarto ko?

"Pero biglang may pasabog at mga baril samin. At.. at dun na hindi nakaligtas ang aking mga magulang." Sabi nya at parang naiiyak ulit

"Hawak ko ang telepono. Sinubukan kong tawagan si Karlo para makahingi ng saklolo ngunit biglang hindi gumana ang telepono. Pag dilat ko. Nandito na ko." Sabi nya samin

Nag katinginan naman kaming tatlo ni ate at jeje girl.

Hindi ko alam sasabihin. Ako yung taong laging ang damin daldal sa buhay pero ngayon di ko alam sasabihin ko

"K-kilala mo ba sya?" Sabi bigla ni jeje girl at nag pakita ng picture ng lalaki.

Sabay abot ni jeje girl ng picture. Isang wedding picture. Halatang luma na

"A-anton?" Sabi nya at tumango naman si jeje girl

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"A-anton?" Sabi nya at tumango naman si jeje girl.

"Yan ang lola at lolo ko. Sinasabi mo ba na ikaw ang lola ko?" Sabi naman ni jeje girl. Nakatingin lang kaming tatlo kay Therese pero walang sagot

"Tara sa taas" sabi ni ate at biglang umakayat kaya sumonod naman kami.

Ano gagawin namin sa kwarto ko?

Nagulat na lang ako nung biglang tanggalin lahat ni ate laman ng closet ko at nilagay sa kama. May telephone nga sa lapag ng closet ko.

"Upo." Sabi nya kay Theresa kaya bigla naman syang sumunod kay ate.

"Anong number tinawagan mo? Para ma tawagan si Karlo?" Sabi nya

"2-0-1-8 lamang." Sabi nya at pinadial naman sakanya yun ni ate.

Sinarado nya ang pinto ng mga 30 seconds

"Satingin mo mag w-work to?" Sabi ko at nag kibit balikat lang si ate

DahAn dahan binuksan ni ate yung pinto.

"Hays.." sabi ni jeje girl

Why? Kasi andun parin si Theresa sa loob.

Nagulat naman kami nung biglang nag ring yung telephone sa kama ko.

Napatingin naman ako sa closet at nanglaki na lang mata ko.

Imposible. Naka tayo si ate sa harap ng closet at imposibleng nakalabas sya dahil sarado ang pinto ng kwarto ko.

Wala na sya..

wala nang laman ang closet.

---

AUTHORS NOTE

GUYS OMG SORRY HAHAHAHAH

ISANG TAON! One year kayo nag hintay para sa update ko!!!!!!

Pero sa totoo lang nakalimutan ko password at super busy din sa school dahil graduating na!!

Sorry! Pero don't worry because updates won't stop. I'll be back to updating every other day so stay tuned peeps!

Labyoo!

The Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon