6 palang daw, aalis na dapat sabi ni Andrew kasi daw traffic.4 pm uwian namin, bihis na agad ako. Nakaligo na ko at lahat eh
Excited ako na ewan ko ba. Nakakairita
Habang naka tunganga ako, nakita ko yung telephone. Kaya lumapit ako dun
Nagulat ako naman ako kasi biglang nag ring jusko.
"H-hello?" Sabi ko
"Karlo. Ikaw ba ay galit parin saakin?" Narinig kong sabi ng boses sa kabilang line
"Eh kasi bakit ka naman-- hay bahala na." Sabi ko
Hindi naman sya sumagot kaya nag isip ako ng magandang topic
"Sana manalo si Duterte na president no?" Sabi ko para mawala naman yung awkward silence
"Duterte? Sino iyon?" Sabi nya
"Oh wag mo sabihing boto ka kay Mar! Jusko Miriam pwede pa eh." Sabi ko ulit
Ano sya? Mar Roxas? Jusko
"Karlo? Sino ba yung mga tao na iyan?" Sabi nya ulit kaya napakunot yung noo ko
"Sus kunyari ka pa. Well, sabagay di naman tayo botante so shut up na lang tayo. Hahaha." Sabi ko at tumawa pero tahimik lang sya
Nahiya tuloy ako sa joke ko ang korni yata.
"Botante? Bakit ikaw ay boboto? Hindi bat may presidente naman tayo." Sabi nya sino? Si PNoy?
"Sus Botohan na nga eh." Sabi ko at tumawa sya
"Bakit wala akong nababalitaan na tayo mag bobotohan? Papalitan na ba si Quezon? Maganda naman ang pamamahala niya hindi ba?" Sabi nya kaya natawa ko
Tangna. Sino si Quezon? Manuel Quezon?
"Manuel Quezon? Patay na yun maygad nandun ka parin? Hahaha." Sabi ko pero tahimik parin sya
"Oo sya nga. Manuel Quezon. Anong patay? Hindi sya patay karlo. Ano ba ang iyong sinasabi?" Sabi nya at biglang kumidlat ng napaka lakas at biglang nawala yung tawag.
"Tss kidlat nanaman oh." Sabi ko at binaba ko na yung tawag.
Tinignan ko naman yung wall clock. 5:30 na wala pa rin dito si jeje girl
Bumaba naman ako ng hagdan dahil narinig ko may kausap ate ko sa baba. Baka may bisita syang boyfriend nya
"Ate! Nagugutom ako!" Sabi ko habang nasa hagdan.
"Ate!! Uy! Mamaya na yan luto mo ko pagkain guto-- jeje girl?!" Naputol sinasabi ko nung makita ko si jeje girl sa baba kausap ni ate.
Si ate naka suot ng ng 5sos na shirt tapos may nakasulat pa sa noo nya na "LUKE" tapo yung kamay nya puro bracelet na 5sos. Napaka kulay nya ang sakit sa mata
Si jeje girl naman naka 5sos shirt din pero hindi naman sya masyadong makulay katulad ni ate.
"Kala ko ba Kpop fan ka?" Sabi ko kay ate
"Ano ba karlo. Fan ako ng Kpop, 5sos, The Vamps, hmm ano pa ba? Ariana Grande, One Direction, Jusin bieber--" di ko na pinatapos yung sasabihin nya dahil hula ko, sasabihin nya lahat ng sikat na artist sa mundo.
Umalis na kami ni jeje girl kasi sinundo na kami ni Andrew.
"Gago kayo ginagawa nyo kong driver." Sabi ni Andrew.
Habang nag d-drive si Andrew, nag dadaldalan yung sila jeje girl at yung shota nya tungkol sa 5sos. Buti naka rating naman kami agad kahit siksikan.
Nag simula na yung concert kaya napaka ingay ng mga tao dito sa loob.
Si jeje girl naman parang hihimatayin na. Nakikisabay pa sila sa kanta
Dala ko yung camera ko kaya picture lang ako ng picture sa kila Andrew at jeje girl. Puro candid shot
"Gago wala akong alam na kanta nila!!!!" Narinig kong sabi ni Andrew sakin kaya tumawa ko
"Ako isa lang alam ko tapos kabisado ko pa lyrics gago!!" Sabi ko at tumawa din sya
"Ano yun?!!!!" Sabi nya
"AYAAAN! AYANNNN SISIMULAN NA NILA!!!! GAGO!!" Sabi ko at pinalo ko pa si andrew sa balikat
"POTA ALAM KO DIN PALA YAAAAN!" Sabi nya kaya kami naman nag ingay ni Andrew
Sumasabay kami ni Andrew sa kanta habang tatalon talon pa kami. Tinatawanan pa ko ni jeje girl kaya sabi ko maki talon talon na lang sya samin. Kaya ginawa naman nya
Nung nag chorus na, mas lalo pa namin nilakasan ni Andrew yung kanta
"YOU LOOK SO PERFECT STANDING THERE IN MY AMERICAN APPAREL UNDERWEAR AND I KNOW NOW, THAT IM SOOO DOWN YOUR LIPSTICK STAIN IS A WORK OF ART I GOT YOUR NAME TATTOOED IN AN ARROW HEART AND I KNOW NOW, THAT IM SO DOWN!!!!" Malakas kong kinanta habang nakatingin kay jeje girl with matching hand gestures pa.
Nakita ko naman na nag blush sya sa ginawa ko. Ang pogi pogi ko kasi eh.
Pero, nakakahiya parin sabihin muka akong baliw na gaganon ganon tss.
Simula nung nangyayari kanina, tahimik na kami parehas ni jeje girl.
Nung natapos na yung concert, syempre mabait na pogi ako, hinatid ko si jeje girl sa bahay nila kahit nag lalakad lang.
"Uhm Karlo thank you ulit ha?" Sabi ni jeje girl habang nag lalakad kami
"Sus ano ba okay lang! Pasado naman lagi ako eh. Hahaha!" Sabi ko at tumawa kaya tumawa rin sya.
Nag usap usap lang kaming dalawa ni jeje girl hanggang makaraing kami sa bahay nila.
"Karlo! Maawa ka! Lauan mo na yung apo ko!! Hindi mo alam ang mangyayari pag nag patuloy pa rin ito!" Nagulat ako kasi bigla akong sinigawan nung lola ni Jeje girl.
"Lola! Kaibigan ko po sya! Okay lang po yun!" Sabi ni jeje girl at pinakalma yung lola nya
"Umalis ka na sa bahay namin." Sabi ulit nung lola
Nag babay na ko kay jeje girl at sa lola nya kahit nakatingin sakin na parang takot na parang malungkot ba o ano.
Bago ko makalabas, may biglang sinabi yung lola nya.
"Itapon mo na ang telepono."
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Novela JuvenilA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...