Chapter 16

24 1 0
                                        


"Pre next week na pala birthday mo ah!" Narinig kong sabi ni Andrew kasama yung girlfriend nya at sabay akbay sakin

"Babes naman baka mahalata ng mga classmates natin na tayo!" Sabi ko kay Andrew at bigla nya kong tinulak.

"Tangina neto!" Sabi nya at bigla naman akong hinampas ng girlfriend nya

Tawa lang kami ng taw ni Andrew pero biglang may lumapit naman saking clown.

"Uhm hi Karlo! Hihi!" Sabi nya sakin kaya tinaasan ko lang sya ng kilay.

"Kasi ano.. May party kasi mamaya sa bahay namin. Sama ka ah? I'll dm you the address. If you want, you can bring your friends too." Sabi nya sabay tingin kay Andrew at sa girlfriend nya at nag smile.

Pag kaalis nya, bigla naman akong siniko ni Andrew.

"Pre chicks no?" Pabulong nya sakin.

"Nakakatmad pumunta ayoko." Sabi ko naman at napasimangot si Andrew

"Bilis na! Eto naman minsan lang eh!" Sabi nya

Baka pagkaguluhan lang ako ng mga babae dun. Ang pogi pogi ko pa naman!

Tsaka iiwan lang naman ako ni dun Andrew dahil kasama nya girlfriend nya. Ayoko naman kasama yung ibang mga clown! Eiw

"Kayo na lang. Iiwan nyo rin naman ako dun sa mga babae eh." Sabi ko naman at umirap si Andrew sakin

"So? Then bring your girlfriend!" Sabi naman ng girlfriend ni Andrew.

"Sus. Buti sana kung meron--- AY! Si jeje girl!" Sabi ko bigla at nang laki naman yung mata nila parehas. Dafak

"G-girlfriend mo?!" Sabi ni Andrew

"Gago hindi! Sya nalang isasama ko!" Sabi at sabay ko naman nakita si jeje girl na dumaan

Bigla ko naman syang hinila papunta samin at nag smile.

"Uy! Bakit!" Sabi nya sakin

"Sasama ka samin mamaya ah?" Sabi ko naman at napataas yung kilay nya

"Eh! Baka iligaw nyo lang ako." Sabi nya at aalis na sana kaso hinila ko ulit sya.

"Hindi! Party lang naman pupuntahan natin eh." Sabi ko at nag smile ulit

"Ako? Mag paparty? Ayoko! Hindi naman ako invited." Sabi nya

"Kaya nga iniinvite kita eh!" Sabi ko at umiling iling lang sya

"At wala akong susuotin. Gusto mo uniform isuot ko?" Sabi nya at tumawa naman

"Ohhhh! I can help you!" Sabi bigla ng girlfriend ni Andrew.

"Oh yan pala eh K ikaw na bahala!" Sabi ko at umuwi na

----

Pag ka sundo sakin ni Andrew, dumiretso na kaming dalawa para sunduin naman si jeje girl at girlfriend nya

"Ewan ko lang ah? Baka gawin namang clown nung girlfriend mo si jeje girl." Sabi ko at tumawa naman si Andrew habang nag d-drive.

"Hindi ah! Natural beauty lang bebe ko!!" Sabi naman nya at pinakyu ako

Pag dating namin sa bahay ni Feve, hindi pa sila ready kaya nasa living room lang kami ni Andrew

Napansin ko namang bihis na bihis si Andrew at naka polo pa talaga pero ako naka t shirt lang

"Okay leggo!!" Bigla naman akong nagulat sa sigaw ni Feve

The Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon