After that incident, uuwi na lang ako. Bahala na yung drawing ko.
Nakakahiya lang! Bakit ko ba sinabi yun? Nakakahiya kay jeje girl!
"So hindi mo na tatapusin yung sayo?" Sabi nya
Tinignan ko sya mga 10 seconds. Bigla na lang akong nahiya kasi tinaas nya yung kilay nya
"Ah sige tapusin ko na." Sabi ko at umupo na ulit sa table
Sinimulan ko na yung drawing ko habang sya naka upo sa tabi ko habang kumakain.
"Karlo tanong ko lang, bakit naman may drawing ka ng muka ko sa book mo?" Sabi nya
"Ah yun ba? Ewan ko din kasi eh. Baka wala lang akong ma drawing hehe." Sabi ko at tumango lang sya at ngumiti sakin.
Nung malapit na ko matapos, biglang may nag salita
"C-cheska.." Napatingin ako sa paligid.
"Narinig mo yun?" Sabi ko kay jeje girl at tinigna nya lang ako
"Ano? Wala naman akong naririnig eh." Sabi nya at kumain ulit
"C-cheska.." This time, napatingin sya sakin.
"Hala may multo!" Sabi ko at tinignan nya lang ako ng parang 'seriously' look
"Baliw ka. Lola ko pala yun." Sabi nya at nag punta dun sa may kwarto sa gilid.
"Sama ko baka may multo dito." Sabi ko at sinundan sya.
Pag ka pasok namin sa kwarto, andun yung lola nya na nakahiga.
"Bakit po lola?" Sabi ni jeje girl at umupo sa tabi nung lola nya
"Ay lola! Kaibigan ko po pala." Sabi ni jeje girl kaya tumingin naman sakin lola nya
"K-karlo.." Nagulat ako dahil kilala ako ng lola ni jeje girl.
Ganto ba nya ko ka crush kaya kinukwento nya ko sa lola nya?
Wow
Pogi ko talaga.
"Oh lola? Kilala mo po si Karlo? Hahaha pano po?" Sabi naman ni jeje girl
Sus kunyari pa syang hindi nya ko kinukwento.. Pshhh..
"Karlo.. Itigil mo na hanggang maaga pa. Masisira ka lang.. Kayo.." Sabi ni lola ni jeje girl
"Ano daw?" Bulong ko kay jeje girl at nag smile lang sya
Bigla naman nya kong hinila palabas ng kwarto
"Wala yun. Lagi lang syang ganun eh. Matanda na kasi sorry ah hehe.." Sabi nya at nag kamot ng ulo habang naka smile
"Pero seriously? Pano nya nalaman pangalan ko?" Sabi ko naman
"Hala oo nga eh! Ewan ko din ba hindi naman kuta kinukwento sakanila nila mama.. Ang weird." Sabi nya
Pagkatapos namin mag usap ng mga bagay bagay, umuwi na din ako. Baka kasi may gagawin pa si jeje girl nakakahiya naman. Tsaka mag gagabi na din ayoko ma rape. Lol
BINABASA MO ANG
The Phone Call
TienerfictieA love story of two different people with two different timeline Date started: May 2015 Date ended: --- I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...
