A love story of two different people with two different timeline
Date started: May 2015
Date ended: ---
I've been trying to write this story for forever now but I'm still working on it because I'm in university. I'm trying my best to update guys! He...
Di ako makatulog!! Alas tres na ng madaling araw ako na lang gising samin. Si Andrew din ang lakas lakas ng hilik! Ang sarap pasukan ng bulak sa loob.
Kaso nga lang wala akong bulak.
Nag text ako kay jeje girl.. Kasi.. Ano.. Ewan! Basta wala ko magawa!
"Oy jeje girl!" Sabi ko sa text ko sa kanya..
Mga 10 minutes pa wala pa ring reply sakin.. Tss. Tulog na talaga lahat sila.
At dahil bored na bored ako sa buhay ko, lumabas ako ng tent ko at nag lakad lakad.
Di ko din alam kung saan ako pupunta pero basta dito lang ako dinadala ng paa ko.
Haaay baka ineengkanto na ko. Pogi ko kasi eh. Nag lakad lakad lang ako hanggang sa,
"NAK NG PUTCHA!" Napasigaw ako dahil bigla akong natalisod sa bato. Ano ba yan pati bato gusto na rin ako?
Dahil sa inis ko, binuhat ko yung medyo malaking bato at tinapon ko yun sa malayo at sabay sumigaw ng "LUMUTIN KA SANA! Tss sakit sakit nag kasugat pa tuloy maganda kong paa.."
Tumungo ako para tignan yung sugat ko pero bigla ko na lang nakita.. Na may butas sa lapag!!
Siguro tinatakpan sya nung makaking bato kanina! Kinuha ko kaagad yung phone ko para mag flashlight at nagulat ako may box dun na parang size na din ng box ng sapatos.
Syempre kinuha ko yun at baka treasure na laman.. Bago ko buksan yung box, bumalik muna ko sa camping site namin
Nung naka balik na ko wala pa ring gising kaya bahala sila! Bubuksan ko na to!
Excited pa man din ako sa makikita ko sa loob. Kala ko naman treasure o kaya buto ng mga dinosaur! Pero yung laman lang naman ay isang
Telephone.
Yup telephone. Yung siguro ginagamit pa ng mga ninuno natin. Lol okay oa na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tinitigan ko lang yung telephone. Na amaze ako kasi kahit ang luma luma na ng itsura, ang astig pa rin.. Pero mukang hindi na gumagana.
"Astig.." Bulong ko sa sarili ko at bigla kong kinuha yung phone ko para tawagan mom ko.
Ringggg ringggg!
Nakailang ring din ako baga sagutin ni mom yung tawag ko.
"Josh?! Bakit ka napatawag? May masama bang nang yari?!?" Nagulat ako nung biglang sigaw ni mom pero mukang kakagising lang din.
"Mom!! Guess what? Nakakita ako ng antique na telephone!" Sabi ko sa kanya at narinig ko naman syang nag 'hay'
"O tapon mo baka may may ari pa nyan! Baka may kaluluwa sa loob!" Sabi ni mom na ikinatawa ko ng malakas.