Chap 1 Graduation day, unexpected tradegy

659 11 2
                                    

Chap 1 Graduation day, unexpected tradegy


Kris POV


Ako nga pala si Kristine Dela Cruz, Kris for short masyado kasing pa girl kung
Kristine o kaya Tintin ang itatawag sa akin. Pero wait don't judge me alam ko na
ang nasaisip niyo, uunahan ko na kayo di ako tomboy, oo ngat medyo maton akong kumilos
at di ako nagsusuot ng sleeveless, maiikling short, high heels....at iba pa na makikita niyo sa pangkaraniwan na mga babae. Ang trip ko kasi sa buhay ay manuod ng wrestling, MMA, basketball, maglaro ng video games at marami pang ibang trip ng mga lalaki pero 100% sure ako na girlalu ako.

May crush nga ako eh ah di pala love na ata? Kasi Simula na makilala ko siya nag-iba ang takbo ng mundo ko feeling ko special ako. Pero sa tingin ko wala naman yung gusto sa akin, friends lang talaga siguro kami. Wait bago ko pa makwento ang buhay kong pang MMK pupunta na ako sa school kasi graduation time na. Natatawa nga ako tuwing naaalala ko na ako ang valedictorian ng batch namin parang ang laking joke...unexpected talaga.


Graduation day araw na pinakahihintay ko sa ngayon....... Malamang madaming PBB teens mamaya reready ko na sarili ko. Ay naku sabi ko sa sarili ko di ako gagaya sa kanila, di ako iiyak promise.

OMJ as in Oh My JB, ang pogi niya talaga para siyang anghel sa lupa.... grabe papalapit na siya.....wait tumigil ka nga Kris kelan ka pa lumandi? Di kayo talo niyan.

"Uy Kristine ok ka lang ba? Tulalang tulala ka at parang sinapian ka, bakit nakangiti ka sa kawalan? Uy ok ka lng ba.Hello my kausap ba ako?" Tapos bigla niya akong inakbayan

Tapos nun Nagulat ako sa sinabi ko "Mahal ko"

Di ko alam kung anong sasabihin ko nakakahiya. namumula na siguro ako.

Tapos inasar niya ako na "Sabi na nga ba may lihim kang pagtingin sa akin eh."

Nakakahiya talaga gusto ko ng matunaw. Isip Kris anong sasabihin mo para di ka mapahiya.

Ah alam ko na :)

"Ha anong may lihim na pagtingin ka diyan? Kapal mo ha." sabay sipa sa tuhod niya.

"Aray naman! Ba't di mo pa kasi aminin. Ayeeee crush niya ako ay hindi pala kasi sabi mo mahal ko."

Kris wag ka magpauto ok. Wag kang bibigay, Kalma lang.

"OO nga sinabi ko yun kasi nagpapractice ako ng speech ko para mamaya, yung narinig mo ay mali, ang ibig sabihin ko dun sa mga minamahal kung kamag-aral ok gets mo"

Bigla akong tumalikod na kunwari ay naiinis pero sa totoo nahihiya ako muntik na ako mabuko.... ang landi ko kasi eh :(
Humarap ako sa pagkakatalikod ko at sinabi ko sa kanya "halika na magsisimula na yung program"

Humarap siya sa akin ng nakangiti at bigla akong natunaw..... tapos yun nilagay ako sa freezer para mabuo ulit........ hehehe siyempre joke lang yun feeling ko lang yun.

Graduation Time

Naglakad kami sa gitna ng red carpet na may mga CAT sa gilid tapos may hawak silang ispada. Wait di ko sigurado kung ispada tawag dun eh pero parang ganun na nga. Tapos ako naman nag-iimagine na dinadala ako sa altar ni JB at sinabi ko bigla na "I DO"...........pero joke lang siyempre ayokong mapahiya.

Tinawag na ang mga pangalan ng mga gagraduate tapos umakyat na sila sa stage at kinuha ang kanilang diploma. Pagkatapos nun ay inaward na ang mga medal 1st honor 2nd honor, loyalty award, best in Math, science atpb. At ang huling tinawag ay ang pangalan ko kasi magsasalita ako sa stage kasi ako ang valedictorian ng school ngayong taon.Umakyat na ako ng stage at nagsalita.

"Mga Mahal kong guro, kakalase, magulang, Sa mga taong naging parte ng buhay ko sa loob ng maraming taon.............. (note: .... means words are going on)

Nagulat ako ng tawagin ang pangalan ko ulit, akala ko may nakalimutan akong gawin o sabihin yun pala dahil sa ako ang valedictorian ng school ngayon ay binigyan nila ako ng scholarshipsa isang sikat at mamahaling ng paaralan sa Pilipinas...... grabe gusto kung umiyak sa tuwa. Kaso lang hindi full, half lang pero ok lang yun magtatrabaho na lang ako. Maghahanap na lang ako ng mga pagkakakitaan kasi minsan lang ako makakapasok sa paaralang mamahalin kaya sasamantalahin ko na. Pero sana may mangyaring maganda ngayon at sana maging full scholar ako pls Lord kahit anong mangyari tatanggapin ko basta makapasok lang ako sa school na yun kasi alam ko po na may mas makakakuha akong magandang trabaho kung dun ako makakapagtapos ng pag-aaral, edi mas matutulungan ko na sila nanay at sila kuya :)

Tapos na ang Graduation

Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon