Chapter 21: Move on
"Kris pls spend your day with me, aalis na kasi ako tom."
"Ha eh paano si Bubbly? At ahh ehh may lakad kami ni Nathan."
"Don't worry alam niya yun. So seryoso ka na talaga sa kanya.''
"ahh ehh sige na nga. Eh Kaso may klase pa ako.'' Hinila niya ako bigla at sinabing "Minsan maganda rin gumagawa ng kalokohan." Tapos nginitian niya ako.
Unang pinuntahan namin ay sa arcade center, para kaming mga bata na sabik sa mga arcade games. tapos nung pauwi na kami pumunta muna siya dun sa nagpapalit ng mga tickets. grabe ang dami na niyang na ipon. Naisip ko tuloy kung ilan taon niyang inipon ang mga ticket na yun ang swerte naman ni bess kasi inipon talaga sa kanya ni JB yun. Wow ang laking Mickey Mouse Stuffed toy ang swerte talaga ni bess kay JB masaya talaga ako sa relationship nila.
Nagulat na lang ako at inabot niya sa akin yung stuffed toy. Eh dahil sa ayaw kong magfeeling binitbit ko lang ang stuffed toy at hindi ako umimik. Nagulat na lang ako ng sabihin niya "Hindi mo ba nagustuhan ilang taon ko rin yan inipon."
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa gulat ko pero nakaisip rin ako ng sasabihin. "Magugustuhan to ni Bubbly simple lang naman siya di yun choosy :)"
"Di yan sa kanya sayo yan."
''Ha?"
"Siyempre merong souvenir ang bess ko diba kaya yan para sayo. ba't ayaw mo?"
"Di naman nagulat lang ako kasi kala ko kay Bubbly eh."
"Sus wag ka ngang magfeeling jan siyempre meron ako kay Bubbly. Ayoko ko nga ng inipon ko lang ang ibibigay ko sa kanya gusto ko special gift para sa kanya."
Oo nga naman special gift para sa special girlfriend. Ano ka ba naman Kris wag ka ng magfeeling masasaktan ka na naman eh.
Kris I'm sorry ewan ko kung anong takbo ng isip ko ba't di ko masabi ang nararamdaman ko sayo. inakbayan ko siya at sinabing "Wag mo muna isipin ang iba ako lang muna pwede ba bess." nagulat ata siya at medyo lumayo sa akin pero hinawakan ko ang mga kamay niya. Sa totoo gusto ko ng sabihin ang nararamdaman ko sa kanya kaso natatakot ako baka kasi sa huli malaman ko na hindi mutual ang nararamdaman namin.
Pumunta kami dun sa hide-out namin, isang lugar na mataas tapos makikita mo yung mga bahaybahay sa may baba gets niyo ba yun basta nakakarelax ang lugar na'to. Ayun humiga kaming dalawa sa mat na nilagay ko at nagkwentuhan kami habang kumakain ng mga street food na binili namin at umiinom ng alak. Actually ngayon lang siya pinilit uminom kasi ewan ko ang alam ko kailangan ko ilabas ang nararamdaman ko sa kanya.
Niyaya niya ako magchess. Sabagay namiss ko rin to yung kwentuhan, kainan at paglalaro namin ng chess as a past time. Ayun tagal din namin maglaro kasi siyempre walang gustong magpatalo paano ba naman may TRUTH OR DARE to. Tapos bigla na lang may tumawag kay Kris. Eh naka loud speaker pala kaya naman rinig na rinig ko.
"Hello Babe san ka na kala ko ba makikinig ka sa gig ko."
"Babe ka diyan di ako baboy noh. Ahh baka di ako makarating may tinatapos pa akong project eh."
"San ka ba gusto mo tulungan kita?"
"Wag na noh, Ge na galingan mo na lang jan."
"Babe love you. Wala bang Love you too jan. Sige na pls pang good luck lang pls"
"ay lab u" habang pinisil niya yung ilong niya na parang nasusuka. "Ge na bye na baba ko na to."
End call...............................
"Tira na JB"
(tira)
"Ok ka lang JB. Parang la ka naman gana eh"
BINABASA MO ANG
Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]
Novela Juvenilunexpected lahat ng nangyayari sa mundo, paano kaya kung ang pinakaiinisan mong tao na sa tingin mo siya na ang pinakasamang tao sa mundo ay siya pala ang nagligtas ng buhay mo at di mo rin ineexpect na siya rin ang nawawala mung kababata na kung sa...