Chapter 35: Farewell

248 2 0
                                    

Chapter 35

Tinawagan ko si JB. Di ko alam kung tama ang gagawin ko pero kailangan ko ng makakausap. Alam kong mali na sa kanya ako tumakbo sa tuwing may problema ako. Hindi na kami katulad ng dati na pwede kong sabihin ang lahat ng problema ko pero wala pa rin eh tinawagan ko pa rin siya.

Calling JB……….

“Hello JB pwede ba tayo mag-usap?”

“Oo naman may problema ka ba?”

“Medyo malaki eh.”

“san ka ba? Gusto mo ba magkita tayo?”

“ok lang ba.”

“Oo naman. San mo ba gustong magkita?”

“sa Coffee Beanna lang 8 am sa Technohub ang alam ko kasi 24hrs dun eh.”

“sige see you”

Coffee Bean

Naghihintay ako kay JB di naman dahil sa late siya, inagahan ko lang talga kasi lalo lang ako mag-iisip kung magmumukmuk ako sa isang tabi . Sa totoo lang namamaga na ang mga mata ko pero ewan ko di ko pa rin mapigilang umiyak ang sakit kasi.

Taos biglang may nagbato sa akin ng face towel

“An…….”

“Punasan mo nga luha mo mukha kang timang ano bang problema?”

“Ha ahh ehh wala”

“Wala ka diyan eh ba’t namamaga yang mata mo? Utol ko ba? Anong ginawa niya sayo?”

Tapos lumapit siya tapos pinunasan niya na ang mga luha ko

Medyo nagulat ako sa ginawa niya kaya lumayo ako ng konti pero hinila niya ako at niyakap.

(O_O)

“Kris sige na iiyak mo na lahat sa akin. Makikinig ako sayo alam mo ganyan kita kamahal. Alam kong wala ka ng nararamdman sa akin pero nandito pa rin ako bilang bestfriend mo.”

Hay nako yan tuloy naiyak pa ako lalo nakakatouch naman kasi eh.

“Ano bang problema? Nandito lang ako sige na sabihin mo na.”

Tapos yun kwinento ko ang lahat sa kanya. Sa lahat ng kwinento parang nagulat talaga siya at parang di mapakaniwala.

“Kris ba’t di mo sabihin sa kanya? Wala ka bang tiwala na ikaw ang paniniwalaan niya?”

“Hindi saganon pero buhay na ng mga importante sa akin ang nakasalalay. Ayoko kayong maipahamak.”

“Sa tingin mo papayagan kita na gawin mo yang kahibangan mo na yan. Kris isipin mo naman ang sarili mo minsan. Kung gagawin mo yan kagagalitan ka ngg lahat.”

“Wala na akong magagawa dun gusto ko lang na maging ligtas kayong lahat. Kung kami talaga sa huli kami talaga. Uhm JB pwedeng humingi ng favor?”

“Sige basta di mahirap.”

“Pwede ka ang magpanggap na asawa ko. Kahit magpagawa tayo ng pekeng marriage contract sa Recto tapos magpapicture lang tayo.”

“Kris nahihibang ka naba talaga gusto m ba talagang magalit sila sayo?”

“JB kailangan ko tong gawin ok. Matutulungan mo ba ako?”

Hindi siya umimik pero alam ko na kung ano ang ibig sabihin nun kaya naman nagpaalam na ako sa kanya.

Pero ewan ko pagtayo ko parang nagdilim ang paningin ko at ang huling natatandaan na nagpapanic na ang mga tao at narinig ko ang boses ni JB

“Kris ok ka lang………….Kris………….Kris” na halatang kinakabahan siya

Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon