Chapter 24: Love is in the air
Ang sakit malaman na hindi sayo seryoso ang taong sinubukan mong mahalin. Totoo nga pala na pag hindi tama ang sinumulan ng relasyon niyo ganun din ang magiging resulta sa dulo. Ang maling pagsisimula ay hindi kailan man magbubunga ng magandang pagtatapos. Ako naman si tanga umasa na mamahalin rin niya ako. Oo ngat sa umpisa di ko naman siya minahal pero ginawa ko lahat para mahalin siya at nagsisisi na ako kasi mahal ko na nga talaga siya.
Ba't sa tuwing nagmamahal ako nasasaktan na lang ako lagi. Kung hindi friend zone, panakit butas naman ano ba talaga ako at lagi na lang ako nasasaktan ng ganito.
Actually tinatawagan lagi ako ni Nathan, pinupuntahan niya ako sa klase ko tuwing vacant, pumupunta siya ng bahay ko pero ako talaga ang umiiwas. Siyempre nasasaktan ako, ano ako manhid na babatiin siya na parang walang nangyari. Na parang hindi nasaktan kahit sinasaksak na ako patalikod.
Hindi maakitid utak ko. I'm just stating the fact. Sabi nga nila isang pagkakamali ok lang pero sa pangalawang pagkakamali give another chance pero kung pangatlo na katangahan na yun. Nasa katinuan pa ako kaya hindi ako magpapakatanga.
Naramdaman ko na naman na tumutulo ang luha ko. Kahit pinipigilan ko ng burst out pa rin.
"Sis mahal mo na nga siya noh? Sis kung mahal mo siya paglaban mo malay mo mali lang yung nakita mo."
"Bubbly, hindi naman lang to yung unang beses na makita ko siya na may kasamang iba, maraming beses na. Nung bago bago pa kami ok lang kasi hindi ko pa naman siya mahal nun pero this time masakit na."
Niyakap ko si Bubbly. Niyakap niya rin ako at sinabing
"Sis pagnagmahal ka dapat handa ka sa lahat lahat. Kahit na masaktan ka pa. Sis sumugal ka diyan dapat tapusin mo hanggang dulo ang sinimulan mo. Sabi nga nila love is sacrifice"
Si Bubbly napaka masayahing tao pero nung sinabi niya yun parang maymalaki rin siyang pinagdadaanan.
"sis oo nga love is sacrifice pero too much sacrifice is katangahan."
Tumawa kaming dalawa. Namiss ko to yung open forum kami lagi ni Bubbly. Simula naman kasi nung nagkaroon na kami ng relationships hindi na kami laging nakakapag-usap.
Bigla na lang siyang naging seryoso at nagsalita
"Yah your right may be I need to fix my problem. Siguro nga hindi lahat ng gusto ko makukuha ko."
"sis may problema ba?"
"Joke :) wala lang masyado ka kasing senti eh. Bawal na bang mag joke."
alam ko kahit na tumatawa siya deep inside nasasaktan rin siya.
Iba kasi ang sinasabi ng mga labi sa sinasabi ng mga mata. Na kahit gaano po kasaya ang mga sinasabi mo or yung expressions mo iba pa rin talaga ang message ng mga mata.
Para na lang maiba ang usapan bumanat na lang ako
"Sino ba ang nagdadrama sa atin ikaw ba o ako hehehehehe :)" Ayun napngiti ko ulit siya.
Bigla na lang may tumawag sa akin.
Some things we don't talk about
Rather do without
And just hold the smile
Falling in and out of love
Ashamed and proud of
Together all the while
Coby Calling............
"hello. Uhm ba't ka napatawag."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]
Roman pour Adolescentsunexpected lahat ng nangyayari sa mundo, paano kaya kung ang pinakaiinisan mong tao na sa tingin mo siya na ang pinakasamang tao sa mundo ay siya pala ang nagligtas ng buhay mo at di mo rin ineexpect na siya rin ang nawawala mung kababata na kung sa...