Chapter 2: Unexpected donor, unexpected promise
Happy Graduation day turns to sad nadala si kris sa ospital at nacomatose siya for 25 min hehehe joke lang syempre pautot ko lng un.
Tanong ko lang may na cocomatose ba ng 25 min hahahaha. Ang totoo abangan niyo na lang ang mangyayari :) Wala lng gusto lng umepal ni story teller hehehehehe :)
Nasaksak si Kris ng ice pick sa likuran ng iharang niya ang katawan niya sa magandang babae.Syempre napuruhan si Kris at madaming dugo ang nawala sa kanya. Kaya yun kailangan niya ng donor ng dugo, kailangan na kailangan na masalinan na agad ng dugo si Kris.
Eh mahirap pa naman kumuha ng type ng dugo niya kasi type AB ang blood type niya.Eh wala namang available sa hospital na type AB sa ngayon tapos naghihintay pa ng tawag sa red cross kung may available na type AB. Nagtanong naman yung babaeng niligtas ni Kris sa nanay ni Kris kung type AB siya pero type O naman siya at ang namayapang ama ni Kris ang may type ng dugo na AB at ang mga kapatid naman ni Kris ay type O din.
"Mrs.Dela Cruz pasensiya na po kayo at napahamak ang anak niyo dahil sa akin" Habang umiiyak ang niligtas na babae ni Kris.
Lumapit ang nanay ni Kris at niyakap yung babaeng niligtas ng kanyang anak "May-awa ang Diyos."
"Wag po kayo mag-alala hahanap po ako ng donor ng anak niyo, alam kong maliligtas siya at wag din po kayo mag-alala di ko pababayaan ang anak mo. Ipagdadasal ko siya. Alam ko di siya pababayaan ng Diyos kasi tumulong siya sa nangangailangan." Habang umiiyak ang babaeng niligtas ni Kris
"Salamat sa tulong mo. Huwag kang mag-alala di kita sinisisi sa nangyari kasi alam kong ginusto yun ng anak ko. Bata pa lang yun ayaw niyang may nasasaktan na walang kalaban laban.
Tumawag si Mrs. Abellana sa anak niyang si Nathan dahil nakiusap siya na magpascreening kung pwede siyang makapagdonate ng dugo kasi ang alam ni Mrs Abellana na type AB ang ex-husband niya kaya naisip niya na baka type AB ang anak niya.
Calling Nathan............
"Hello Nathan anak, can you please go to Vellegas Hospital there's an accident happened."
"Ano na naman ma! Ha na aksidente ka! Eh bakit nakakausap kita. buhay ka pa? Joke." sabi ni Nathan.
"Alam mo anak wala akong time makipagbastusan sayo tsaka na yan pls kahit ngayon lang magpascreen ka kung anong type ng dugo mo kasi kailangan ng dugo ng nagligtas sa buhay ko type AB siya eh wala naman ang ate mo na sa states eh yun sigurado akong type AB yun. Kaya naman pls tulungan mo ako ngayon, ngayon lang ako humihingi sayo ng favor, kritikal ang lagay niya, ayoko naman mamatay na lang siya ng ganun-ganun na lang. Alam kong madami pang pangarap ang batang yun. Pls anak gawin mo naman to kahit hindi na lang para sa akin kahit para sa kanya na lang please."
"Ano ba yan ma nangungunsensya ka pa, oo na pupunta na ko diyan, badtrip naman!"
"Salamat anak pagpapalain ka ng Panginoon."
"Okay wag mo na akong utuin baka magbago pa isip ko."
Call ended........
POV of Nathan
Ano ba yan bad trip, pero bakit ganun ang naramdaman ko ng nalaman kung nasa kritikal stage yung babaeng tumulong kay mama. Ay naku tumigil ka nga Nathan nakunsensya ka lang sa nanay mo ok kaya iba ang naramdaman mo.
Sa ospital........
"Sir you're type AB according to the result of the test, are you donating your blood to ms. Dela Cruz? She needs that blood type because she's in critical stage."
"Hoy nurse pa English english ka pa diyan nasa Pilipinas ka naman ha tumigil ka nga dalhin mo na lang ako sa kukuha ng dugo sa akin ok para matapos na to."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]
Teen Fictionunexpected lahat ng nangyayari sa mundo, paano kaya kung ang pinakaiinisan mong tao na sa tingin mo siya na ang pinakasamang tao sa mundo ay siya pala ang nagligtas ng buhay mo at di mo rin ineexpect na siya rin ang nawawala mung kababata na kung sa...
![Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]](https://img.wattpad.com/cover/7570888-64-k290954.jpg)