Chapter 13: Start of Something New

267 2 0
                                        

Chapter 13: Start of Something New

Kris POV:

Nagising ako na naksandal sa kanya at siya naman ay nakaakbay sa akin. Di ko namalayan na nakatulog ako sa tabi niya habang umiiyak kagabi. Gwapo talaga siya mukhang anghel pag natutulog... wait tinititigan ko ba siya? no!!!!! Kris, wag kang padadala sa mga ngiti niyang ganyan, wag kang gagaya sa mga nauto niyan fake lang ang lahat................ wait baka gising na naman to kaya makaalis na nga. Tapos bigla na lang nag ehem si si Nanay at nagsalita ng "Nak ok titig natin magandang view ha baka matunaw yan?" Kaya naman napa tayo ako at sinabi ko kay Nathan "Huy gising na" Sabay batok sa kanya. Kaya naman nagulat siya sisigaw na sana siya kaso nakita niya nanay ko nahiya ata kaya tumahimik at nagsabi na lang ng "Bi ang bastos mo ha di mo ba alam na natutulog bf mo, andyan pa naman si nanay nakakahiya" with pasweet voice and nakakatunaw na smile. Sa gulat ko sa sinabi niya tinakpan ko bibig niya at sinabi ko sa nanay ko na "nay hindi ko to bf wag ka maniwala please" Ito namang si nanay gumatong po at sinabing "Nak sige na hindi mo na kasintahan yang si pogi, pero grabe kang makatitig kanina halos matunaw na si pogi nung natutulog siya". Sa sobrang hiya ko nagsalita ako ng "magsama kayong dalawa, sige alis na ko." Pero biglang dumating si Doc at sinabing "Good morning po uhm Missis pag may nararamdaman po kayo magsabi po kayo agad kasi mapapaaga talaga kayo niyan sa pagtitipid niyo at mas mapapamahal pa kayo lalo niyan. Missis may bara din po puso mo pwede pang madala ng gamot sa ngayon pero it is better to have an operation". Sabi naman ni nanay "doc alam niyo naman na mahirap lang kami kaya next time na lang. Doc pwede na po ako umuwi malakas na ako." Nagsalita naman si doc ng "Missis naiintindihan ko po kayo pero under observation po kayo pasensya na po talaga" at ng lumabas si doc parang naramdaman ko na nalulungkot si nanay at sinabi ko na "Nay dont worry may awa ang Diyos makakahanap din tayo ng pera pang opera mo. sasabihin ko rin kay doc na operahan na kayo sigurado ako na makakalikom ako ng pera. Para habang maaga naaagapan pa". Magsasalita na sana si Nanay pero sabi ko na "wala ng pero pero basta magpapaopera ka, sige nay alis muna ako para kumuha ng damit mo, parating na rin naman si kuya eh hintayin mo na ha" tapos yun humalik na ako kay nanay eh ito namang si Nathan nang asar na naman at nagsaita ng "mano po nay hayaan mo po mamaya babalik po ako, ano po ba gusto mo bibilhin ko?" sabay salita naman ako ng "You're not invited ok tss"nagsalita na naman siya ng"bakit birthday ba to diba nga may sakit nanay mo baliw ka ba?" tapos nang asar na naman si nanay ng "ayiiiieeee LQ na yan sige humayo kayo at magpakarami." kaya yun umalis na ako. Nang pauwi na kami ni Nathan kasi nga ihahatid daw niya ako at nag alok siya ng pera para daw pampaopera ng nanay ko. Pero di ako pumayag sabi ko kasi baka may kapalit pa siyang hinihingi na hindi ko magugustuhan tapos yun nag away na naman kami kasi nga daw ang pride ko daw. Kaya yun kahit na nasa daan kami bumaba ako pero grabe talaga di man niya ako sinundan sa bagay di naman talaga kami. Pero parang nasaktan ko ata siya sa sinabi ko kanina na "Ayoko tumanggap ng kahit anong tulong sa isang katulad mo. Alam ko ang ligaw ng bituka ng katulad mo, tutulong kunwari pero may hinihinging kapalit". Parang ang sama ko ata.Kaya yun tumawag ako sa kanya pero di sumasagot 10 calls pero hindi pa rin sumasagot nasaktan ata talaga siya paano kung gusto lang talaga niya tumulong?

Pagbalik ko ng ospital....................

Nagulat ako nandun si Nathan at sinabing "ang tagal mo ahh ginabi ka na. Sabayan mo na kami nila utol (ibig sabihin close na sila nila kuya ano na naman ang plano nito?)"

"Ok na ooperahan na nanay mo pinahiram ko kayo ng pera kung ayaw mo tanggapin hindi ko naman pinipilit sayo sa mga kapatid mo ako nag alok at wait mamaya na nga natin pag-usapan yan kain na." Mukhang masaya silang lahat, anong gayuma ang pinakain nitong mokong na'to

Lumipas ang oras umuwi na sila kuya pero ewan ko ba kung anong trip ng lalaking to at di pa rin umalis. Nakatulog na nga siya sa sofa eh.Kaya yun kinumutan ko siya. Eh kahit naman away kami ng away laki ng pasasalamat ko sa mokong na to at di niya kami pinabayaan. Na kahit itong kwarto na to siya muna daw ang magbabayad pero natatakot ako sa magiging kapalit. sa katunayan nag-usap na kami kanina at sabi niya na "Sige kung wala kang tiwala sa akin edi hulughulugan mo na lang at dahil alam ko na hindi mo kayang bayaran ang bill ng hospital may naisip ako pag kailangan kita pupunta ka sa akin at susundin mo lahat ng gusto ko." pero nag react agad ako ng "alam ko na kaya ka tumutulong kasi may kapalit diba!" Tapos nagslita siya ng "Dont worry di nga kita type I just want to help because I remember someone in the persona of your mom that I misses so much at yun ang lola ko parehas din sila na may bara ang puso at parehas silang mapagkalinga pero walang nagawa ang pera namin namatay pa rin siya. kaya sinumpa ko sa sarili ko na tutulungan ko ang sino man humingi ng tulong basta involve sa ospital na kahit sino man ang nangngailangan. Ganito para mabayaran mo ko tulungan mo na lang ako pagkailangan ko na ng tulong mo ok. Pero wag mo pa rin kalimutan ang deal natin sa school ok." Ayun habang tinitingnan ko siya habang tulog naisip ko na may softtside din naman pala ang taong inaakala ko na sobrang sama.

Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon