Chapter 4: Pasukan na naman.....Gud luck sa amin
"Gising na anak first day mo sa klase ngayon. Di ka ba excited ka rin? Grabe anak nasa pinaka mamahaling school ka nag-aaral ngayon ang saya talag :D. Pinalantsa ko na yung uniform mo tapos yung gamit mo inayos ko na rin, pinaghanda na rin kita ng baon mo. Ayos na rin yung CR nandun na ang mga gagamitin mo."
"Inaantok pa ako."
Wait nanaginip ba ako at tama ba ang naririnig ko? Si mama ba'tong nanggigising sa akin bat ang sweet ng boses parang nasisiraan na ata ng bait? Baka namn sasa kabilang buhay na ako? Imulat ko na lang kaya mga mata ko para malaman ko kung totoo nga to?
Pagmulat ko ng mata ko ganito nakita ko. :D
Sobrbrang saya niya pero ganito reaction ko #_#
Parang nabarang ata itong si nanay.
"Wag ka ngang ganyan nay parang di ikaw itong kausap ko nakakatakot."
"Anak gising na."
Grabe naman ang babaw naman niya. Pero hahayaan ko na nga lang siya total naman yan ang trip niya. Sabi nga walang basagan ng trip.
"Ito na maliligo na ako ok."
Ganito reaction ni Mama ^_^ kumikislap ang mata niya sa tuwa.
After 30 min paalis na ako at pupunta na ako sa school. Nagulat ako kasi paglabas ko ng bahay lahat ng taong madaanan ako ay nakangiti sa akin at nagsasabing "congrats" with big smile pa nga eh tapos sabay sabi sa katabi nila
"Alam mo nag-aaral yan sa pinaka magandang university dito sa Pilipinas at alam mo ba na scholar yan at full scholar pa ha."
"Ang swerte ni mare diba."
"Anong school ba yun?"
"Yung Abellana University."
"Wow diba mayayaman at matatalino ang pumapasok doon?"
"Oo :)"
Nagugulat nga ako dahil ang daming nagpapapicture sa akin parang artista naman ako.Naisip ko nga ang babaw naman nila yun lang magpapapicture na agad sila. Alam ko na kung sinong may pakana nito. Hay naku. Pero hayaan ko na lang, yun ang trip nila eh.
"Sige po mamaya na lang po ulit kayong magpapicture kasi po baka mawala ang scholarship ko kapag malelate ako lagi." sabay :)
Grabe naman ang OA nila ha pero sabagay halos lahat naman ng tao gusto makapasok sa school na yun eh kaya naiintindihan ko sila.
Nasa tapat na ako ng school malapit lang naman yung school sa bahay eh, basta aagahan mo pwede mo ng lakarin, buti na lang maaga akong ginising ni nanay kahit may mga sumalubong sa akin na tao hindi pa rin ako nalate. Kaso sobrang hininingal ako eh takbuhin mo ba naman hanggang dito. Pero nawala lahat ng pagod ko ng makita ko ang school na pinapangarap ko.
"Thank you Lord di mo kami pinabayaan :)"
Hinahanap ko kung saan yung room ko for my first subject ang laki kasi sobra ng school na to ng may biglang tumawag sa akin ng
"POTPOT..........."
Wait di kaya si?
Ay malabo talaga. Kris tama na ang ilusyon mo ok. Wala si JB dito.
"POTPOT............"
Baka nga ako talaga yun.
Eh ako lang naman si potpot.... by the way nickname yun sa akin ng aking pinakamamahal ko na si JB este ni bf as in bestfriend.
Wait baka naman masyado ko lang siyang iniisip.
Alam kong hindi siya to ang dami naman kayang may pangalang at palayaw na potpot sa mundo impossible talaga. Ayokong lumingon baka mapahiya ako.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]
Teen Fictionunexpected lahat ng nangyayari sa mundo, paano kaya kung ang pinakaiinisan mong tao na sa tingin mo siya na ang pinakasamang tao sa mundo ay siya pala ang nagligtas ng buhay mo at di mo rin ineexpect na siya rin ang nawawala mung kababata na kung sa...