Chapter 32:Good News or Bad News

207 3 0
                                    

Chapter 32:Good News or Bad News

Ilang linggo na rin nung matapos ang Christmas at New Year break namin ayun pasukan mode na naman. Kailangan seryosohin to kasi unting kandirit na lang at gagraduate na ako :)

Simula nung may mangyari sa amin ni Nathan medyo parang may nag-iba hindi naman siya negative pero nakakapanibago. What I mean is mas maging sweet siya sa akinpero di naman niya pinapahalata  na para sa akin hindi kapanipaniwala. Oo nag-aaway pa rin kami pero mas madalang na. Kanina nga lang ito yung scenario namin.

Papasok na ako sa school, nagulat na lang ako na nandun na siya sa labas ng bahay namin.

"Nathan ba't nandito ka?"

"Uy nandyan ka pala"

"Malamang taga dito ako"

"Bakit nabili mo na ba yung kalsada at hindi ako pwedeng dumaan dito?"

"Hindi naman kaso wrong way ka ata?"

"Ahh naisipan ko kasing mag jogging bago pumasok ng school eh lam mo na sayang yung abs ko"

"wow ha ikaw magsusumiksik dito sa lugar namin eh ang baho dito at mahihirap nakatira dito. Magpasundo ka na sa driver mo."

"Ayoko nga. Minsan gusto kong suminghot ng amoy ng mahirap."

"wow ang yabang mo talaga"

"Uy papasok ka na pala?"

"Malamang papasok na ako nakauniform nga diba."

"Sorry naman hehehehe siguro sinusundan mo ko noh. Pwede mo naman akong sabihan nasusunduin kita madali naman akong kausap."

Wow ang yabang hayz !

"Bahala ka nga!" umalis na ako

Tapos sinasabayan niya akong maglakad

"Ba't ka ba sumusunod!"

"Malamang papasok ako!"

wahh pahiya ako unti dun -_-

Tapos tumabi n a siya sa akin habang naglalakd kami

Ewan ko dun nakakaasar dagit ng dagit sa kamay ko. Ako naman sa asar sa kanya linalayo ko ang kamay ko.

"Anong oras na ba" sabi niya

"Ewa......" di ko pa natatapos ang sinasabi ko

kinuha niya yung kamay ko at sinabing

"Oras na pala para magpakasal na tayo" sabay ngiti siya sa akin

0.0 nagulat naman ako pero kinilig ako hehehehe

"Kinilig ka noh nakuha ko lang yun sa binabasa ng ate ko kaso yung lne dun Oras na para mahalin mo ko hehehehehe"

Kinilig na sana ako kaso nabwisit na naman ako

"Alisin mo na nga yang kamay mo"

"Hala naku ayaw matanggal. Siguro nga ikaw ang kapalaran ko kasi sabi sa horoscope magandang babae daw ang makakatuluyan ko at ang sabi dun di na kami maghihiwalay kahit kailan. Eh sakto ayaw matanggal ng mga kamay natin"

Nagblush ata ako kasi kahit naiinis ako sa kanya di ko pa rin mapigilang kiligin sa tuwing kasama ko siya. Kahit ayaw niyang ipakita na nilalambing niya ako ginagawa naman niya yun sa kakornihan na paraan :)

"wow ha ayaw mo pang aminin na gusto mo kong makaholding hands ako eh. Paano ba di matatanggal ang kamay mo sa kamay ko eh ang higpit ng hawak mo."

"Hala hindi ahh kapal naman nito."

Tatanggalin ko na sana kaso inakbayan niya ako at mas hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko

Unexpected Love to my Mortal Enemy [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon