(CHRISTAL's P.O.V)
"Welcome to McDo maam sir, can i get your order?"
"Ano kakainin niyo?"-Lishen
"Pagkain malamang!"-Ako.
Sa McDo na kami kakain para masarap, favorite restaurant kasi namin to eh maliban sa KFC.
"I mean what kind of food are you going to order?"-Lishen.
Medyo may pagkamayabang na sabi ni lishen kasi english.
"Yung 59'rs lang! Im thrifty kasi eh!"-Kaela.
Pati kami ni preycel yung 59'rs nalang din ang inorder para masaya. Si Japhet wala daw ganang kumain pati si Lishen. Suss, ang sabihin niyo nakokonsensiya lang sila at kinakabahan kaya ganyan! Ang lalandi kasi xD
"Sure ba kayong ayaw niyong kumain?"-Preycel.
Syempre magbabait-baitan kuno kami! Para naman wala silang masabi HAHAHAHA.
"Oo, b-busog rin ako."-Lishen.
"Ako rin kumain na ako kanina eh."-Japhet.
"Ahhh okay, bakit busog kayo pareho?? Sabay kayo kumain?"-Ako.
Nagtinginan silang Dalawa,Sa tanong ko. Bakit mahirap ba sagutin ? Ng hindi namin nalalaman na nagsisinungaling sila?
"Ahh a-ano kasi ahm--"-Japhet.
"Okay lang japhet! Wag mo na sagutin baka mahirapan ka lang makahanap ng Palusot eh."-Ako.
"Huy! Ang rude mo naman! Wag kang ganyan, kahit naman may tinatago silang dalawa hindi natin dapat sila inaaway, kahit na MALI yung ginagawa nila. Diba? Lishen?"-Kaela.
Mukhang nagsisimula na ang plan B. Yun kasi yung plano namin! KONSENSYAHIN SILA.
HAHAHAHHA. Ang sama namin no?
Well dont worry, mas masama sila."Sorry guys, mag si-Cr lang ako."-Lishen.
Tumayo na si lishen at nagmadaling pumunta sa Bathroom.
"Ay nagwalkout? Ang bastos naman nun. Kinakausap ko eh."-Kaela.
"Yun ba ipapalit mo kay Shubby japhet? Yun ba?"-Preycel.
"Huh? A-ano bang sinasabi mo?"-Japhet.
"Pinapaalala lang namin, na KAKASIMULA PALANG NANG RELASYON NINYO NI SHUBBY! Kaya wag na wag kang gagawa ng hindi makakapagpasaya sa kaibigan namin dahil makikita mo!"-Preycel.
"Teka guys naiihi ako mukhang kailangan ko rin mag Cr!!"-Kaela.
Binalot na ng katahimikan dito sa Lugar namin. Hinihintay nalang namin na iserve yung food. Si Japhet ayun natahimik sa sinabi ni preycel mukhang natauhan ata.
~~~~~
KAELA's P.O.V
Syempre hindi ako naiihi, susundan ko lang yung santa santita kong pinsan.
Nakakapagtaka kasi eh, hindi siya nagagalit saamin? Sa mga sinasabi namin? Eh tinaguriang pikunin to sa aming mag pipinsan.Papasok palang sana ako ng Cr ng may marinig akong nagsasalita.
'Naiinis na ako sa mga letcheng babaeng yun! Kahit si kaela! Nakakabwisit na!'-Lishen
Told yah! Santa santita nga yan. Sabi na eh, patalikod magsalita ting Hayop na to eh! Di kaya ng harapan. COWARD!
'Bakit ba kasi iniwan niyo kami dito? Hindi tuloy kami nageenjoy ni japhet! Ito na yung moment ko eh. Chance ko na to! Unti nalang magiging akin na siya! Bakit ba kasi Dumating pa yung tatlong impakta na yun?'-Lishen.
BINABASA MO ANG
My Pabebe Boy.
RandomWag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.