(Shubby's P.O.V)
Naalimpungatan ako kaya tumayo ako sa hinihigaan ko at kinuha ang cellphone ko. Bumungad saakin ang 31 missed calls ni Japhet at 1message. Agad ko naman itong binuksan para basahin.
From:Japhet😘❤️😍💋
Mahal alam kong galit ka pa. Pero sana basahin mo tong message ko.
Mahal inaamin ko crush ko si lishen pero hanggang doon lang. Sinabi ko
Na sakanya na ikaw ang mahal ko at hindi ko magagawang ipagpalit ang isang tulad mo. Alam mo yun, oo loko-loko ako, tarantado. Pero hinding hindi ko magagawang lokohin ang tulad mo. Yung mga sinabi ni Lishen? Hindi totoo yun! Na gusto ko siya at hindi ikaw? Sus... Naniniwala ka sa hayop na lintang yun?! Eh wala nga sa kalingkingan mo yun eh! Kaya please, wag ka naman maniwala sakanya ng ganun-Ganun lang!!!
Mahal kita. Ikaw lang, wala ng iba pa.Sooo crush niya si Lishen? Edi parang maygusto na rin siya doon!!!!
"Oh! Atleast umamin siya?"
Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko si Christal lang pala.
"So sa tingin mo okay na yun! Para patawarin ko siya? Kasi Nagpakatotoo siya? Ganun ba?!"-Sabi ko.
"O easy easy! Ang saakin lang, maswerte ka parin kasi Hindi na siya nagdeny! Which means wala siyang pake sa babae na yun! Kasi hindi niya pa tinago! Nagegets mo ba yung gusto kong iparating?"-Christal.
Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako.
"Hindi niya tinago kasi wala naman siya talagang tinatago. Hindi siya nagsinungaling kasi wala naman siyang dapat ipagsinungaling... Mahal ka ni Japhet, halata naman yun eh! Jusmiyo! Parang Crush lang! Kung magwala ka naman akala mo nakabuntis si Japhet eh!"matawa-tawa niyang sabi. Kaya inirapan ko.
"Pero hinalikan niya si Lishen! Ano yun?!! Katuwa-tuwa bang makita yun ha?!"-Bulyaw ko.
"Hindi... Pero malay mo! Si lishen lang may gawa nun!!"-Christal.
Tsss... Bakit ba kampi ng kampi to kay Japhet?!!
"Ahhh basta! Galit ako kay Japhet! Kapag galit ako! Galit ako!!"-Sigaw ko.
napabuntong-hininga nalang siya at lumabas ng kwarto. Sa totoo lang hindi ko to kwarto kaya lalabas narin ako! HAHAHAHAHAH. Kay kaela kasi tong bahay! Kanina pa ako nakikitulog dito ang kapal na ng mukha ko.
=KINABUKASAN=
Naglalakad na ako papasok sa Room namin pero may tumutulak sa paa ko na huminto at umuwi nalang. Kung umuwi nalang kaya ako?!
"Hep..hep..hep. Saan ka pupunta?"-Jirah.
Jusmiyo! Nakakagulat naman ang ilong nento!
"Tatae! Sama ka?"-Sarkastiko kong sabi.
"Ha-ha-ha! Tawa na ako! Para di ka maluge!"-Jirah.
-_____-"
"Ano ba trip mo sa buhay? Maliban sa patangusin ang ilong mong laging nakadapa?"-Pangiinsulto ko.
"Wala! Pake mo ba sa ilong ko?! Ha! Inggit ka? Papango ka rin ng ilong!"-Jirah.
Tiningnan ko nalang siya....
BINABASA MO ANG
My Pabebe Boy.
RandomWag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.