(JIRAH's P.O.V)
Minsan talaga awang-awa na ako sa tarantado na japhet na 'to eh.
Kaya lang kasalanan niya din kasi eh.
Kung hindi siya nagpakita ng motibo sa haliparot na lishen na yun edi sana sila parin ni shubby hanggang ngayon.Tapos ngayon ako yung iistorbohin niya. Nyemas!
Ako: pwede ba? Sa susunod nga wag kang magseryoso!
Kaya ayoko ng may commitment.
Ako talaga hindi ako pumapasok sa seryosong relasyon. Kasi alam ko isa saamin masasaktan. At ayokong masaktan! Kawawa naman ako.Japhet: Bakit ang sakit?
Tsk. Yan! Ayokong maramdaman yang nararamdaman ni japhet ngayon.
Ako: Nakakatuwa bang may nagpapasaya ng iba sa taong mahal mo?
Napayuko si japhet at humawak sa batok niya.
Japhet: Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Ako: Alam mo kung ano ang magandang gawin?
Tumingin saakin si japhet. Kitang-kita sa mata niya yung emosyon damang-dama ko yung sakit na nararamdaman niya.
Ako: Kalimutan mo na si shubby.
Napailing siya sa sinabi ko.
Japhet: H-hindi ko kaya...
Ako: Kaya mo japhet! Ayaw mo lang.
Japhet: Hindi ko siya kayang kalimutan na parang walang naging kami! Hindi ko kayang magpanggap na parang hindi ko siya nakilala.
Ako: Hindi mo naman siya literal na kakalimutan gago! Bitter mo naman kung ganon! Kalimutan mo yung feelings mo para sakanya! Hindi siya. Tanga!
Tiningnan naman ako ni japhet ng masama.
Japhet: Salamat sa mura ha. Na-appreciate ko.
tumawa lang ako. Hindi ako sanay maging madrama! Korniks.
Japhet: tama ka kailangan ko na burahin ang feelings ko para sakanya. Kailangan ko ng i-delete lahat ng pictures niya lahat ng messages niya... Yung tipong wala ng magpapaalala saakin ng kahit ano na tungkol sakanya.
Tss. Mali naman ang pagmo-move on nito -_-
Ako: Alam mo japhet! Hindi mo kailangan burahin ang pictures o messages niya.
Japhet: akala ko ba kalimutan na siya.
Ako: Oo nga, pero hindi sa paraang buburahin mo lahat ng alaala niya.
Napakamot naman sa ulo si japhet dahil naguguluhan yata.
Ako: Ang ibig kong sabihin hayaan mo lang na araw-araw nakikita mo yung mga litrato niya. Hayaan mo na araw-araw mababasa mo yung messages niya. Hayaan mong masaktan ka sa alaala niya. Darating ang araw pag nakita mo ang picture o messages niya... Wala ka ng pake. Yung tipong hindi ka na nasasaktan sa t'wing binabasa mo yung old messages niya. Yung tipong wala nalang sayo kapag nakikita mo yung pictures niya. Yung tipong natanggap mo ng isang alaala na lang talaga siya. Doon mo lang masasabi na move on ka na. Kapag nagawa mo ng harapin ang nakaraan ng hindi ka na nasasaktan sa kasalukuyan.'
Nakita ko namang namangha si japhet sa sinabi ko.
Japhet: Jirah? Ikaw ba talaga yan? Parang nasaniban ka ng Good spirit.
Tss. Siya na nga tinutulungan eh tsk.Ako: Pero seryoso pre tama na.
Napailing si japhet at ngayon nakatayo na siya.
Japhet: Pre! Di ko talaga kaya! Ipaglalaban ko siya! Sigurado naman ako parin pipiliin niya.
Tanga talaga ang puta.
Ako: Gago! Ipaglalaban mo tapos ano? Wala rin. Hindi lahat ng ipinaglalaban, nakukuha.
Nakita kong nainis si japhet. Dahil siguro sa tutol ako ng tutol sakanya.
Japhet: Bahala na.
Umupo na ulit si japhet at pinikit nalang ang mata niya.
Ako? Ito naghahanap ng chiks. HAHAHAHAHA. Di ako mabubuhay ng walang babae... Na niloloko XD
=BUZZ=
Tiningnan ko kaagad kung sino ang nagtext.
From: Trix.
Hi po :)BINGO!
*************************************************************************
SHORT UPDATE.
TAL .
BINABASA MO ANG
My Pabebe Boy.
RandomWag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.