MPB37

22 2 2
                                    

(CHRISTAL's)

Ngayon ay naglalakad na kami ni luis pauwi. Galing kami sa Bupyeong underground shopping center Maganda dito. First time ko kaya syempre manghang mangha ako. Lalo na sa mga tao. Ang puputi eh. Nahihiya nga ako eh! HAHAHAHAHAHA. At tsaka yan lang ang malapit sa place namin. At largest na shopping mall dito sa Incheon. Hihihi.

Luis: Kapal mo talaga magaya eh no? Wala ka namang pangbili!

Hahahahah. Kanina pa inis na inis saakin si Luis... Paano nakalimutan ko yung wallet sa Bahay. Eh, bumili ako ng sarili kong POCKET WIFI yung ako lang ang gagamit. Nakakahiya naman kasi sakanya eh. At bumili rin ako ng mga damit. Gaganda kasi eh HAHAHAHA. Siya lahat nagbayad syempre. Makapal muka ko eh. Pero dahil kuripot siya. Utang daw yun.

Ako: Pagdating nga sa bahay diba babayaran kita?! Hindi ka ba nakakaintindi.

Inirapan lang ako... Tss, napaka sungit talaga kahit kailan.

Luis: saglit lang! Hintayin mo ako dito may bibilihin lang ako. Wag kang aalis ha!

Tumango tango ako. At umupo ako sa bench . Haay ang ganda talaga dito. Ang lamig pa... Puputi pa ako hihihi.

"annyeonghaseyo, nan dangsin yeop-e anj-eul su"

Tumingin ako sa matandang babae na kumausap saakin. Buti talaga nagaaral ako ng Korean languages. Kaya naman naintindihan ko si Grannie! Hahaha.

Ako: hwagsilhan

Sabi ko ng may kasamang ngiti. Umupo na siya sa tabi ko. Mukang pagod na pagod si lola. Kawawa naman asaan kaya yung---

"Yeong-in!"

Napatingin ako sa matandang lalaki na papalapit saamin or should i say sakanya. Eh may hinihintay naman pala eh.

Lolo: Yeong-in, daegi joesonghabnida!

Lola: Gwaenchanh-a! Jib-e gaja!
geudeul-eun uli leul gidaligoissda

Tumayo na si lola at inakbayan siya ni lolo. Naglakad na sila papaalis. Ang sweet naman. Haaays :( nakakainggit sila. Buti pa sila, grow old with you ang peg. Ako Forever Tanga with you huehuehue. Deevan, hi! Mzta ka na? Ako eto okay lang! Nagpapakatanga parin sayo :/

Luis: tara na! Baka mamaya maiyak kapa sa matandang mag-asawa na yun.

Nahinto ako sa pagiimagine ng dumating si luis. May hawak hawak na tatlong paper bags. Bumili na siya ng makakain namin.

*BAHAY*

Sinet up ko kaagad yung pocket wifi . Nilagyan ko na ng password yung mahirap. Para walang makihati! Ayoko kasi ng may kaagaw sa connection eh. Mahina.

Ako: Yan! May SARILI na akong pocket wifi! HINDI NA AKO MAKIKIHATI!

Talagang pinaringgan ko si Mr. masungit At epal. Siguro naman! Hindi na niya ako sisitahin diba? Wala na siyang kaagaw! Sa net niya!

Luis: huy! Bayaran mo ako! Parinig ka pa diyan! Bayad mo!

Napairap nalang ako kahit na hindi naman niya nakikita. Talaga si Luis kahit kailan eh! Pumunta ako sa kwarto at kumuha ng pera pambayad sakanya.

My Pabebe Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon