MPB30

31 2 4
                                    

(CHRISTAL's P.O.V)
Nakaupo lang ako sa upuan dito sa terrace. Nag cha-chat.

MESSENGER
PAMILYANG ALLERGIC SA BISUGO🐡🐟

SHUBBY:TAAAAAAAL!!!

KEALA:CHRISTAL?!

PREYCEL:TAABAAA!!!

seen 6:40 am

SHUBBY:AY WOW! Peymus! HUY! BABAE! Pumasok ka! Bakit wala ka pa dito sa school?!!!

CWISTAL:Ayoko pumasok!

Sino ba naman ang gugustuhin pumasok? Pagkatapos ng nangyari kahapon?! Kung kayo nasa kalagayan ko? Gaganahan pa ba kayo? Hindi rin diba? Ang sakit kaya nun.

KAELA:AT BAKIT? ANONG MERON?!

CWISTAL:MASAKIT PUSON KO! AYOKO PUMASOK!

PREYCEL:MASAKIT DAW PUSON NIYA! BAKA PUSO!

CWISTAL:🌵🌵🌵

seen by everyone.

Tangina mo kapag ako nang seen bawal! Pagsila ng seen okay lang! Mga hayop talaga to eh. Bahala nga kayo.
Naglogout na ako. Tapos ay humiga nalang dito sa upuan. Mahaba naman ito kaya kasya ako .

HINDI KITA GUSTO...

HINDI KITA GUSTO...

HINDI KITA GUSTO...

Pinikit ko ang mata ko at sumubok na matulog. Napuyat kasi ako kakaiyak eh. HAHAHAHAHAHAHA. Ang tanga ko no? Bakit kasi Si Deevan pa?! Eh ang dami namang iba diyan. Ang unfair, ang tagal kong naghintay. Ako na nga yung sumusuyo sakanya. Ako na BABAE. Kahit na nagmumukha akong kawawa at tanga, wala akong pake! Basta maipakita ko lang kung gaano ko siya kamahal. Pero balewala para sakanya lahat yun. Hindi man lang niya nagawang gustuhin ako kahit isang minuto lang? Hindi man lang niya ako nagustuhan. Eh yung mga tingin? Yung mga sulyap ano yun?! Yung mga ngiti niya kapag inaasar kami? Ano yun? Siguro nga assuming lang talaga ako.
Isang babaeng naghahabol sa lalaking suplado, maarte, chossy, misteryoso. Isang lalake na pabebe. Daig pa ang babae kung magpabebe. Tangina!!! Talaga! Kung sana nagagawa lang ng tao na utusan ang puso ng iba na mahalin sila... Siguro masaya na kami ni Deevan ngayon, siguro lang naman.

***************************

Nagising ako ng magvibrate ang phone ko.

1message.

Sino naman kaya itong nagtext saakin?
Binuksan ko ang message para basahin ito.

From:09***********

Sorry, alam ko na ang nangyri.
Pupunta kami diyan ha?

Huh? Sino to?! Anong nangyari? Bakit number lang to.

To:09************

Okay? Sino to?

Send.

=BZZZ=

From:09***********
Loka si trixie to! Sabi ko kasi isave mo number ko eh! Pupunta kami nila shubby diyan! Handa ka foods 😂😘

My Pabebe Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon