MPB31

20 3 2
                                    

(CHRISTAL's P.O.V)

"Christal, may itatanong ako."-Trixie.

Nabasag ang katahimikan sa loob ng magsalita si trixie. Kasalukuyan kaming nagbabantay kay Deevan ngayon.

"Ano yun?"tanong ko sakanya.

"Diba close kayo ng pinsan ko before?? Diba? Anong nangyari?"-nagtatakang tanong ni trixie saakin.

Oo nga tama siya. Close kami ni Deevan dati. Sobraaa. Kaya lang wala eh, umiwas siya. Iniwasan niya ako.

"Dahil sa nalaman niyang maygusto ako sakanya. Ginawa niyang rason yun para layuan ako."-Nakasimangot kong sabi habang pinagmamasdan siya.

"Eh bakit mo ba kasi sinabi?!"-Naiinis na usal ni trixie.

"Hindi ko sinabi! Si preycel kasi! Inasar ako!"-sabi ko.

Napailing nalang siya."sayang naman."

tumingin ako sakanya at tumango.
"Sobrang sayang."

Kung noon, naasar ko pa siya, napagtitripan . Nakakausap,
Nakakatawanan. Ngayon dinadaanan nalang niya ako. Na parang hindi niya ako nakilala. Para lang akong hangin sakanya. Lagi na niya akong sinusupladuhan, hindi man lang niya ako nginitian simula ng mangyari yung asaran. Sayang. Sayang.
Lumabas na si trixie sa room kayo tiningnan ko munang isata niya ang pinto at tsaka ibinaling ang atensyon kay deevan..

"Deevan, malapit na magbakasyon. Tatlong araw nalang hindi na kita makikita."

kaya sana pagmulat ng mata mo. Kung sakaling maabutan mo pa ako. Kausapin mo na ako please.

"Gusto ko lang maging close tayo ulit. Bago ako umalis at lumayo." Napayuko ako sa mga sinasabi ko.
Kung pwede lang na hindi ako sumama gagawin ko...
"Kaso Opportunity din yun eh. Yung makapagaral ako sa ibang bansa? Syempre masarap sa feeling kapag nakapagtapos ka sa ibang bansa diba?" Pinilit kong ngumiti. Kahit wala naman akong dapat na ikatuwa.
"Mabilis lang naman yun eh. Siguro mga 8years lang. Diba mabilis lang? Deevan Gusto ko pagbalik ko. Okay na. Gusto ko Hindi ka na iiwas saakin. Gusto ko ngingitian mo na ako ulit gaya ng Dati."
Hinawakan ko yung kamay ni Deevan.
"Sa 8years na hindi kita makikita. Kung magmahal ka na.Edi wow! HAHAHA ok lang. Basta ba, ako yun XD pero promise ko. Babalik ako after eight years, 8 fucking years! Para sayo. Hahanapin kita deevan. Hahanapin kita! kung kinakailangan ako na manligaw gagawin ko. Hehehez."

Natememe ka tsong! Ako na ang manliligaw.  Whoo! Iba talaga kapag pabebe yung lalake! Babae tuloy nangliligaw Hehehez. Hirap.

Tumayo na ako at tiningnan siya.

"Ok lang siguro magnakaw ng halik sa pisnge no? Ngayon ko lang naman gagawin eh. At huling beses ko rin na magagawa."

Dahan dahan akong yumuko para mahalikan siya sa pisnge. OMG.
kahit wala kang malay. Kinikilig parin ako sayo! Tangina ka! HAHAHAHAHAHA. Mahal nga kasi kita eh.

"Paano ba yan Deevan, matagal tagal tayong hindi magkikita! Matagal-tagal! Na walang mangungulit sayo. Matagal tagal na hindi kita masusulyapan. Matagal tagal kitang buburahin sa isip ko pero hindi sa puso ko. Kailangan ko munang magaral ng mabuti. Kapag okay na! Babalikan kita. Kahit na wala naman akong babalikan sayo kasi hindi naman tayo. Babalikan kita. Ako na mismo, susuyo sayo! Lintek kang pabebe ka!"-Ako.

My Pabebe Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon