MPB44

17 2 2
                                    

(JAPHET's P.O.V)

Hindi porket sinabi ni shubby na layuan ko siya eh talagang gagawin ko yun. Gusto ko masigurado kung...
Okay lang ba siya?, kumakain ba siya sa tamang oras? malungkot ba siya?masaya ba siya? O may iba na bang nagpapasaya sakanya.

Nagbibihis na ako kasi magiging spy na naman ako.

Oo, sinusubaybayan ko lahat ng ginagawa o pinupuntahan ni shubby.
Naiinis na nga ako sa ken na yan eh!

Halata namang pinopormahan niya si shubby ~.~

Jirah: Alam mo Para ka lang tanga sa ginagawa mo.

Hindi ko lang siya pinansin. Sinimulan ko nalang i-butones yung polo na suot ko.

Jirah: Realtalk pre, ang tanga mo.

Tumingin naman ako sakanya ng may inis.

Ako: Ano na naman ba? Tanga na naman ako bakit?

Naiinis ako eh, ilang beses niya ng sinabi yan. Kesyo tanga daw ako kasi ayaw na nga daw saakin, pinipilit ko pa. Mga ganun, kesyo hindi ko na daw mababalik yung dati. Di naman halatang bitter 'tong kupal na 'to.

Ako: Mababalik pa. Hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat alam ko mahal parin niya ako.

Lumapit si jirah saakin tapos tiningnan lang ako habang nagaayos.

Jirah: Base sa kwento mo, mukhang hindi.

Napakunot naman ang noo ko.

Ako: Anong ibig mong sabihin?

Napahawak naman sa noo si jirah.
At nakita ko na bumuka ang bibig niya at parang sinabi TANGA KA NGA.

Kaya binatukan ko. Tinitigan lang ako ng masama.

Jirah: Pre hindi mo ba nakikita? Kinakalimutan ka na ng tao! Tanga ka ba?!

Napabuntong hininga ako.

Nakikita ko yun, takot lang akong... Aminin sa sarili ko na... Wala ng pagasa.

May pinanghahawakan pa ako. Kailangan mabalik saakin si shubby.

Jirah: Pre gumagawa na siya ng paraan para mabura ka na ng tuluyan sa puso niya.

Inakbayan ako ni jiran. Akbay tropa.

Jirah: At darating ang araw magiging isang alaala ka nalang sakanya.

Nalungkot ako.
Dahil yun ang kinakatakutan ko.

Jirah: Kaya gawin mo ang lahat para hindi ka lang basta alaala sakanya. Kung hindi maganda... Magandang paalala kung gaano siya naging masaya nung mga panahong kayo pa.

Tama si jirah.

Kung magiiwan man ako ng marka kay shubby, yung marka na magpapaalala sakanya na minahal ko siya ng totoo at napasaya ko siya sa maikling panahon.

Pero ayoko.

Ayokong maging alaala sakanya. Ayoko na magkaroon na siya ng iba. Ayokong iba na ang magpapasaya sakanya, magpapakilig. Ayoko.

Hindi ko siguro kaya.

_________

(KEN's P.O.V)

Naghahanda na ako ngayon kasi aalis na naman kami ni shubby eh.

Napapadalas na ba? Syempre.
At tsaka balak ko narin kasi siyang ligawan.

Yun yung tinatanong ko eh. Kung pwede ko ba siyang ligawan.

My Pabebe Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon