(SHUBBY's P.O.V)
Gulat na gulat talaga ako nang paglabas ko tapos nakita ko si lishen na nakatayo sa labas ng gate akala ko budol-budol eh. xD
Nung namukhaan ko tapos nakita ko na tumalikod na siya... Tinanong ko, kung bakit siya naandito.
Kahit medyo nagaalangan ako kasi baka mamaya kung ano na naman gawin nito. Baka mamaya sunugin niya na sarili niya ~.~ HAHAHAHA.
Pero nagulat ako ng nginitian niya ako.
Woah!
Seryoso? Hindi ngiting demonyo ha.
Kinausap ko siya, and mas nagulat ako ng sabihin niya ang salitang...
Isa sa mga Kinakatakutan ng mga Evil.
Sorry.
Weeh? Nagsorry siya? Tapos nakikipagkaibigan pa? HALA! HAHAHAHAHA.
Ano kayang lason ang nakain nun? Bakit biglang nagkaganon.
Ay oo nga pala aalis na siya tapos gusto niya wala na siyang iisipin kapag nasa ibang bansa na siya.
O edi ameyzeng. 😂
Ken: Ayos ka lang ba? Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Bakit ka nangingiti magisa?
Bumalik ako sa mundo ng magsalita si ken. Hala kasama ko nga pala 'to.
Naku baka iniisip nito may toyo ako hmm.
Ako: Wala may naalala lang. Tuloy mo kwento mo.
Nagulat ako ng kumunot ang noo niya.
Ken: Anong kwento? Hindi ako nagkekwento.
Medyo nadismaya yung reaksyon ng mukha niya. Hala bakit! Wey?
Ken: Hindi ako nagkekwento shubby. Nagtatanong ako.
Hala. Litsi kasi ng lishen na yun!nakakagulat kasi kabaitan eh. Ayan tuloy! Di ako nakapagconcentrate kay ken :(
medyo nagalit yung aura ng mukha niya. Kaya na-sad ako. Pinipilit ko talaga isipin kung may naalala akong tanong niya.. Pero wala talaga.
Ken: Halika na nga, umuwi na tayo. Baka pagod ka na kaya hindi ka na nakakapagisip ng maayos.
Naglakad na siya pero hindi man lang niya ako tiningnan as in. Ano ba kasi yung tinanong niya at nainis siya ng ganyan?! Hay naku! Naglakad nalang ako at sumunod sakanya.
Ng makarating kami sa bahay, pagkababa ko nagbabye lang siya pero umalis na kaagad. Madaldal siya bago siya umalis! What happened today? :<
Kuya: Huy! Wala ka bang balak pumasok? Tatayo ka lang diyan?!
Tiningnan ko si kuya at inirapan.
Epal talaga._______
(KEN's P.O.V)
Bakit kailangan niya pa magpanggap na hindi niya narinig yung tanong ko?
Maiintindihan ko naman kahit anong isagot o sabihin niya eh. Bakit kailangan niya pang magpanggap na wala siyang naintindihan? Tss. Ang linaw-linaw ng pagkakasabi ko eh.Sasabihin niya lang kung Oo ba o Hindi eh.
Hirap na hirap siya. Nagawa niya pang umarte na hindi niya narinig. Nakakainis.
************************************************************************
SHORT UD.UPDATED 😘
TAL MERCADER. 💋
BINABASA MO ANG
My Pabebe Boy.
RandomWag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.