PART 52

21 0 0
                                    

*CHRISTAL'S P. O. V*

'We're here na po mama. Dont worry I'll take good care of my girl!   Ma!  Di na ako bata!  Sige na.  Nakalapag na yung eroplano we need to go.  Oo na ma!  Ang kulit !'

Pinagmasdan ko lang ang tanawin sa labas sa pamamagitan ng pagsilip sa bintana. After two years im back.  Noon umalis akong malungkot ngayon babalik parin akong malungkot... 

'We just arrived to manila. Are you okay? '

Nilingon ko si Luis at nginitian just to let him know na okay lang ako.  He smile back at binigyan ako ng halik sa noo. 

'Dont be sad.  I know kung nasaan man si shubby ngayon she dont want us to feel sad sa pagkawala niya.'

Mahirap... masyadong mahirap na tanggapin.

Wala pang ilang oras ay nakarating na kami sa bahay nila shubby kung saan siya ngayon naka burol. 

Ng papalapit na ng papalapit ang mga yapak ko sa bahay nila ... Nararamdaman ko na unti-unting nanlalambot ang mga tuhod ko...  At kahit Anong oras ay maaari akong bumigay. 

Ng nakarating na kami...  Di ko na napigilang umiyak. Hinawakan ni Luis ng mahigpit ang kamay ko. 

Napalinga ako sa mga taong nakaupo nakita ko sila kaela.  Agad akong lumapit doon. 

'Kaela. '

Napatitig pa siya saakin sa gulat na naandito ako na di kalaunan ay napalitan ng saya at lungkot sabay salubong ng yakap. 

Naramadaman ko kung gaano ko namiss ang pilipinas at ang mga kaibigan ko... 

'Namiss ka namin.. '

Tumango tango ako na parang bata habang patuloy sa pagiyak. 

'Ako rin. '

Naramdaman ko na may yumakap pa saamin...  At unti-unti Kong nakita ang barkada na iniwan ko noon. 

At mas lalo lang akong naiyak...  Dahil sobrang miss na miss ko sila. 

Matapos ang drama at iyakan kanina heto at pinagmamasdan
namin ang matiwasay at maamo na mukha ni shubby. 

'Naalala ko pa dati nung tinititigan ako ni shubby dahil sa crush na crush niya ako.' Sambit ni japhet.

Natawa ako ng bahagya.

'Ewan ko ba kung bakit baliw na baliw sayo si shubby!  Na kahit anong gawin mong kaabnormalan ay okay lang sakanya. '

'Hindi ko rin alam...' Aniya.

Napatingin naman kami Kay kaela na bigla nalang natawa. 

'Naalala ko tuloy noong nagseselos at nagdududa siya sa inyo ni lishen kaya sinundan namin kayo at pinagtripan si lishen.'       

'Sobrang mahal ka ni shubby kung alam mo lang japhet.  Sobra. ' singit ni preycel.

Nakita kong nalungkot ang ekspresyon ng mukha ni japhet .

'Oo...  Pero dahil sa kagaguhan ko hinayaan ko yun.  Dahil sa naging kampante ako na di niya ako iiwan. Heto at pinagdudusahan ko na lahat ngayon. '

Malungkot at punong-puno ng pagsisisi na sabi ni japhet. 

Huminga ako ng malalim at umupo na sa tabi ni Luis. 

'Are you hungry? Do you want me to buy a food?  Do you need anything? '

Umiling ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.. 

'You're all I need. ' sabi ko

Naramdaman kong napangiti siya sinabi ko.

'Andiyan na pala kayo! '  nakangiting bati ni kaela sa mga dumadating.

Kaya agad kong nilingon upang makita kung sino iyon.

Si trixie at si... Deevan.

Kaagad na hinawakan ni luis ang  kamay ko. 

Alam niya ang tungkol Kay Deevan at isa ito sa dahilan kung bakit natatakot siyang bumalik ako sa pilipinas... 

Natatakot siyang baka bumalik lahat ng pagmamahal ko para sa taong iyon.  At iwan ko siya.

At yun din ang kinakatakot ko.

Pero ngayon na nakita ko siya...  At hawak ng lalaki na nagpapasaya saakin ngayon ang kamay ko.

Lumingon ako pabalik Kay Luis at bumalik sa pagkakasandal sa balikat niya. 

Masasabi kong mas mahal ko na ang lalaki na katabi ko ngayon at nalimot ko na ang lalaki na pinapangarap kong makasama at makatabi noon.

'Akala ko bibitawan mo ang kamay ko. ' rinig kong sabi niya. 
Ngumiti ako at pumikit. 

'Bakit ko naman bibitawan ang kamay ng lalaking nagbigay ng saya sa buhay ko?'

'Kasi second choice mo lang ako at alam---'

Hindi ko pinatapos ang sasabihin niya. 

' A second choice na ngayon ay first priority ko na.'

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. At saka sinabing.

'Mahal na mahal kita. At hindi kita ipagpalit kaya wag kang praning ha! '

Natawa siya at pinisil ang pisnge ko. 

'That's why i fell for you eh!  Kasi you always made me paranoid! '

'Paranoid ka talaga!  Kung ano ano iniisip eh! '

Tumawa nalang siya at yinakap ko. 

'Now my doubts are gone. And you are mine!  You hear that?  your mine.'

Tumango ako

'Im all yours.'

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

TALMERCADER ❤

ALL RIGHTS RESERVED 2016

My Pabebe Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon