(SHUBBY's P.O.V)
Umagang-umaga binulabog ako kaagad ni kuya... -__-"
Kuya:Huy! Payatot! Gumising ka na! May bisita ka nga! Kingina mo ! Papalayasin ko na yun!
Napabulanta ako sa kama ko...
Tapos binato ng unan si kuya. Panira ng umaga mukha eh!Ako: Sino ba kasi naandiyan? Ang aga-aga eh!!
Kuya: Si ano daw ??? Si... Ayy ewan! Nakalimuan ko! Bumaba ka nalang doon!
Tss ~.~ kahit kailan talaga si kuya .
Ako: Sino yun?
Tiningnan ako ni kuya ng masama...
Kuya: Dapat ikaw nakakakilala! Bisita mo hindi mo kilala? Luh, payatot! May amnesia ka ba?
Napasinghal nalang ako sa sinabi ni kuya. Di ko alam kung kapatid ko ba ito o ampon lang eh. May tama sa ulo eh :/
Naghilamos na ako at nagtootbrush.
Kinuha ko yung suklay at habang nababa ako ay nagsusuklay ako."Goodmorning shubby."
Halos malaglag ako sa hagdan ng makita ko kung sino yung bumati saakin.
Si--- Ken? What the pak! As in si ken? naandito ngayon sa bahay ko! Lumapit ako sakanya at tinitigan siya... sabay kurap ng dalawang beses.Ako: K-ken? Ikaw ba talaga yan?!
Ngumiti naman siya saakin... Tapos pinalo yung noo ko...
Ken: Di pa ba sapat na titigan mo ako?
Ako: Ayy sorry, hahaha. Eh kasi naman,nakakagulat eh.
Pina-upo ko siya at Kumuha ng maiinom niya..
Ako: So bakit ka napadalaw sa bahay?
Uminom muna siya tapos tsaka ako sinagot.
Ken: May pinuntahan kasi ako. Yung bahay ng tito ko, eh naalala ko na malapit ka lang so ayun dinalaw kita. Para makita na rin kita sa personal :)
Ayy myghad. Nakakahiya naman, di man lang ako nakapagayos or nakapagpulbos. O kaya naman pabango! Baka mamaya ang baho ko T^T nakakahiya •_•
Ken: Sa tito ko muna ako titira. Mga 2weeks siguro. So may 2weeks pa ako para makilala ka ng lubusan.
Tumango-tango ako habang nakangiti, kinikilig ako HAHAHAHA. Ewan ko! Pogi eh. Harhar! Sa Group chat ko lang to nakilala eh. Tapos naging close kami dun And then ayun tinanong niya kung taga saan daw ako para naman daw ma-meet niya ako in person.
Hindi ko namang akalain na pupuntahan niya pa ako dito sa bahay Hehehehez >,<
Ako: Oo naman, hahaha! So, yun lang ba ang ipinunta mo dito?
Syempre ayaw ko muna siyang umuwi. Pero kasi--- yung kuya ko eh, nakikichismis na naman nakakahiya naman kay ken. Baka isipin niya pamilya kami ng mga baliw. ~.~
Ken: Ahm, pwede mo ba ako samahan? Gala lang tayo. Sa mall.
Ako? Ahm... Sige na nga! Kaysa naman dito lang kami sa bahay. Hindi ako makapagsalita ng maayos.
BINABASA MO ANG
My Pabebe Boy.
RandomWag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.