Oh no!
Hindi maganda yung tingin ni Japhet kay ken.
Ako: Ahm ano, ken. Si ano nga pala si, Japhet.
Nilahad ni ken yung kamay niya kay japhet.
Yung para bang nagaalok ng shakehands ganon.
Pero tiningnan lang ni japhet yun at tinanggihan. Bagkus ay ibinaling niya ang tingin niya saakin.Japhet: Dumaan lang ako para kausapin ka. Kaya lang mukhang may inaaliw ka pang bisita.
Ako: Ah---
Japhet: Sige aalis na rin ako.
Hindi na ako nagsalita. Nakakainis siya! Ang kapal naman ng mukha niya! Pinahiya pa ako kay ken. Tss.
Ako: Ahh pagpasensyahan mo na yun ken. Upo ka muna.
Ken: No its okay. Uuwi narin ako. Hinatid lang kita, to make sure na makakauwi ka ng ligtas.
yieee! Concern siya saakin myghaaad. Kinikilig ako. Hihihihi!
Ako: Salamat, sige na uwi ka na. Ingat ka.
Tumango nalang siya at lumabas na ng bahay! Nagwave muna ako. At tsaka na siya tuluyang umalis. Papasok na sana ako at isasarado ko na ang pinto ng..
"Sino yun."
Nilingon ko yung nagsalita.
Ako: Anong pake mo?
Japhet: Pumunta ako dito para makipagayos sayo. Tapos makikita ko nakikipagdate ka? Akala ko pa naman...
Ako: Akala mo Ano?! Pwede ba. Wag mo akong simulan ngayon. Maganda ang araw ko kaya wag mong sirain. Bumalik ka nalang bukas.
Papasok na sana ako... Pero hinawakan niya yung braso ko at hinila papalapit sakanya, at hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Yinakap niya ako. Pero bakit ganito? Wala akong tuwa o kilig na nararamdaman?
Japhet: Alam kong may nagawa akong mali noon. Sorry, please bigyan mo ako ng isa pang chance. Isa pa.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o iiyak o maiinis eh.
Kumalas na ako sa pagkakayakap at blangkong tumingin sakanya.Ako: Okay na tayo. Siguro mas maganda munang 'kaibigan' lang.
Nakita kong nalungkot si japhet pero pinilit niyang bigyan ako ng ngiti.
Sorry ayoko munang magmadali.Ako:Mas makakaganda kong wag mo muna akong kausapin. Hayaan mo muna ako.
Umatras si japhet at tumalikod na. Kaya tumalikod narin ako at papasok na sana ng magsalita pa siya.
Japhet: Wag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman ko sa sinabi ni Japhet.
Pero okay narin yun, Atleast hindi na ako mahihirapan na palayuin siya.
Ayoko namang paasahin si japhet, kasi pakiramdam ko... Naglalaho na eh. Parang...
Hindi na ako sigurado sa feelings ko para kay japhet.______
(JAPHET's P.O.V)
Ewan ko kung bakit nasabi ko yun.
At mas lalong ewan ko kung bakit
Ganun? Akala ko magiging mabilis na saamin ang magsimula ng bago.
Kaya lang parang pati yung pagmamahal ni shubby para saakin unti-unti naring nagbabago.Jirah: Bakit naman daw?
Andito ako ngayon sa bahay nila Jirah tumambay. At sinabi ko rin yung tungkol kay shubby.Ako: tangina mababaliw na nga ako kakaisip eh. Itatanong mo naman saakin!
Jirah: Eh sinong tatanungin ko? Si Boy abunda?
Japhet: Try mo baka alam niya!
Jirah: Alam mo! Kung hindi ka kasi nagbigay ng motibo sa lishen na yun edi sana walang nagbago sainyo ni shubby ngayon!
Japhet: Oo na nga diba! Pinagsisisihan ko na nga yun diba?!
Jirah: Huli na para magsisi ka. Nagawa mo na!
Napabuga nalang ako sa hangin at humiga sa kama ni Jirah.
Tahimik akong nagiisip at nakatingin lang sa kisame.
Paano ko maayos ito? Paano ko masasalba yung relasyon namin ni shubby? Paano? Kung sana hindi ko nalang nakilala si lishen sana hindi ko nalang siya kinausap, sana wala nalang lishen na pumasok sa buhay ko. Sana okay parin kami ni shubby ngayon.Jirah: walang magagawa yang pagsisisi mo.
Tumingin ako kay Jirah na busy sa Cellphone niya. Sigurado puro babae ang katext nito ~.~
Jirah: Ayaw mo kasi akong gayahin eh. Walang commitment! Saya-saya lang.
Ako: Palibhasa playboy ka! Wag mo ako itulad sayo.
Jirah: Hays, hindi ako playboy! Habulin lang talaga ako.
Napailing nalang ako kay Jirah. Bakit ko ba pinoproblema pangbababae niya! Eh ako tong malala ang problema.
Ahh basta kailangan ko paring bantayan si shubby.
Kung ayaw niya ako makita edi
patago nalang. Basta sisiguraduhin ko na walang makakaporma sakanya!
Lalo na yung ken nayun! Bwisit.Ayokong mawala si Shubby saakin ulit. Hindi ako papayag, akin lang siya.
**************************************************************************
Be careful how far you push me away, I may end up liking it there.
UPDATED ♥️
STAY TUNED. 😊
TAL MERCADER💋
BINABASA MO ANG
My Pabebe Boy.
RandomWag mo akong itulak palayo, baka kapag nagkataon masanay ako at magustuhan ko na yun.