MPB27

21 2 0
                                    

=4days past.=

•HIGHSCHOOL BALL•

Nagsimula ng ipakilala ni Maam Allaine at Sir Erick ang mga princess, prince, Queen and Kings. Sa bawat year level... Sa mga Kaklase ko, lalo na kay Christal ito ang pinakamasayang araw para sakanya... Dahil kay Deevan, kapartner niya sa Grand entrance at sa Sayaw pa. Si kaela naman? Ayun si James Din ang Kapartner niya. Si preycel, nako... Mamaya pa yan sasaya! 4thyear kasi Crush niya si Karl! Kaya sa iba siya na pair. Ako??? Hahahaha. Si Vernon kapartner ko! Si Beks, nakakaramay ko at nasasabihan ko rin ng sama ng loob tungkol kay Japhet. Oppss! May nasabi akong bad words...

Yung apat na araw na lumipas,  ang pinaka trahedya at mahirap na nangyari sa buong buhay ko. ~.~ Ang harapin si Japhet nang hindi ko  ipanapakitang pinagsisisihan ko ang desisiyon kong hiwalayan ko siya. At sa apat na araw na yun? Ang laki rin ng ipinagbago niya, Hindi na niya ako pinapansin, o kausapin man lang. Masulyapan nga hindi na niya magawa eh. Sabagay, bakit nga naman ako kakausapin ni Japhet? Eh hindi naman na kami. Wala naman na kami... Nang ganun-ganun na nalang, wala ng kami. Ang sakit parin, hanggang ngayon masakit parin.

"Huy beks! Tayo na susunod! Ngumiti ka naman."-Pang C-cheer up ni vernon.

Tumango ako at Ngumiti nalang, ng marinig ko na ang pangalan ko at pangalan ni vernon. Sa bawat flash ng camera magagandang ngiti ang laging kapalit.... Pero deep inside Gustong-gusto ko ng magbreak down. At ng tuluyan na nga kaming makapasok sa loob ng venue, hinanap ko kaagad sila christal at umupo sa tabi nila.

"Ang ganda parin ng ngiti ha, kahit na pilit lang."-Christal.

Tumingin lang ako sakanya. Buti pa siya, halata mo sa mukha niya na masaya at wala siyang pinagdadaanan na mabigat. Sabagay kahit naman may problema to, masaya parin to eh.
Si kaela, ang Blooming, parang inlove na inlove. Kamusta naman ako? Bangngag? Di ako nakakatulog ng maayos.

"Ayan you may sit down!"-Sir Erick.

"Grabe, partner! Ang gaganda
At ang gagwapo ng ating mga
Estudyante. Grabe, ang transformation nila partner!
Hindi mo makilala."-Maam Allaine.

"Oo nga partner eh, ang gagwapo. May nakita nga ako, may hawak na bouquet naku! Kanino kaya ibibigay yun?"-Sir Erick

"Ang tanong partner! Kaya kayang ibigay yun? Eh meron tayong mga parents na nanonood at sumusubaybay sakanilang mga unica iha."-Maam Allaine.

"Yan ang titingnan natin partner."-Sir Erick.

"Bakit parang ang tatahimik ng mga dalaga at binata natin? Gusto niyo ba ng knock,knock?"-Maam Allaine.

"YES!!!"-Student's

Hays pagsisisihan niyo yang desisyon niyo.

"Knock,knock!"-Maam Allaine.

"Whose there??"-Naeexcite na tanong nilaaa.

"Tatlong halik!"-Maam Allaine.

Okay parang ngayon ko palang narinig yan?? Interesting.

"Tatlong halik who??"-Sabay-sabay nilang sigaw.

Ako naman nagaabang lang kay maam. Naku kapag corny yan mamatay na lahat ng nag-agree.

"Ehem.ehem. Mwah mwah mwah dont like you and she likes everyone, and i never like to admit that i was wrong~~"-Matawatawang kumanta si Maam kasi alam niyang makokornihan kami.

-__________________-"

"WEEEEE! Tara uwi!"-Rjhay.

Tumawa naman yung mga boys... Malamang sinusoprtahan si Rjhay, baka daw maluge.

My Pabebe Boy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon