INT HOWELL-CASTRO HOUSE - MORNING
Nagising si Dylan sa ingay ng alarm clock, hindi niya napansin nakatulog na pala siya kagabi sa kakaiyak.
Unang niyang hinanap si Wena ngunit pagbangon nito tanging kapirasong papel na may lamang sulat ang nakita niya na nakalapag sa hair dressing table, kasama pati ang singsing nilang mag-asawa.
Agad niya itong nilapitan at kinuha ang papel....
Dylan,
Walang saysay ang mga naisulat ko, kung hindi ito kasama. Ang totoo, hiyang hiya ako sa sarili ko, dahil nagawang kong isulat lahat ng mga pwedeng husgahan sayo. Samantalang ako, kahit isang pirasong papel lamang ito, hindi ko man lang nagawang isulat ang isang bagay na kung tutuusin mas malaki pa ang naging kasalanan ko na siyang dapat kong pagbayaran.
Sampung taon pinilit kong itago, at sa sampung taon inakala kong matatakpan ng pagiging mabuti kong ina at asawa ang nagawa kong pagsisinungaling sayo noon. Matagal kong itinago sayo ang araw na nagkita kami ni Ceanna at natuklasan kong may anak kayo.
Sa sobrang takot ko na baka umatras ka sa kasal, pinili kong maging makasarili sa unang pagkakataon. Iyon pala, hindi ko aakalain na ang pagiging makasarili ko na yon ay magiging isang bangungot.
At kahit gising na gising na ako, ramdam ko pa rin ang takot na baka mawala ka sa akin, sa amin ni Junjun. Kaya siguro mas naging madali para sa akin ang bumitaw kase yon naman ang dapat kong ginawa noon pa man.
I'm sorry, my selfishness cost your daughter's life. Hiyang hiya ako dahil sa pakiramdam mong pinagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mo, pero kung tutuusin ako ang dapat nagbabayad, kase maraming beses kong sinubukan sabihin sayo pero natakot ako kaya pinili kong manahimik.
Hiyang hiyang din ako sa sarili ko kase alam ko, na alam mo na ang totoo, pero nagagawa mo parin akong tingnan sa mga mata ng walang kasamang panghuhusga.
Tama ka, sa papano paraang mo nga bang sasabihin sa akin na hindi ako masasakatan? Kung ako nga mas piili kong maging makasarili para wag lang masaktan.
Pero kung babalikan ko ulit ang nangyari, I'm sorry if i have to tell you this, kung anu man ang naging desisyon ko noon, yon parin ang gagawin ko, kase mahal kita at ayaw kitang mawala. But in every choice we make we lose something, and in every actions we take, we know it always has it's cause.
Mahal kita Dylan, at sobra akong nagpapasalamat dahil hanggang sa huli hindi mo ako sinukuan, hindi mo ako binitawan, at kahit pa alam mo na ang totoo, hindi mo pa rin ako inayawan.
Gusto kong magalit sayo kase sa lahat ng mga panloloko mo, pero anu bang karapatan kong magalit kung yun din naman ang ginawa ko sayo. Gusto kitang patawarin at isipin na maayos na, pero paano, kung pati sarili ko hindi ko pa rin nagagawang patawarin? Kaya sorry kung hihilingin ko parin sayo ang maging malaya, maybe then life will teach me to learn to forgive myself and forgive you.
Paalam. Wena.
Music Plays...
"What must I do to make you want to stay
And take the hurt away
And leave it all to yesterday?"So, What can I say to make you change your mind?
To have the chance to turn the hands of time.
Back to the days when you were mine?
Just give me one more chance for one last time.Music fades...
JUMP TO: 2 YEARS AFTER (2018)
Natuloy parin si Wena sa US kasama si Andy, sa kabila ng pagkatuklas niya sa katotohanan. Pinili naman nina Junjun at Dindi na manatili sa pilipinas at makasama si Dylan. Dylan is still doing great sa kanyang kompanya bilang CEO. Madalas busy ito ngunit gumagawa siya ng paraan para magkaroon ng time sa kanyang dalawang anak. They spend their times together every weekends, hinire ni Dylan si Uncle bert as their family driver, para may taga hatid at taga sundo sa mga bata sa iskwelahan. Naging maayos na rin pakikitungo ni Salie kay Dylan kung kaya naging welcome narin ulit ito sa bahay.

YOU ARE READING
What It Takes To Be A Man (GxG)- Editing
FanfictionThey say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyright © 2016. All Rights Reserved. Disclaimer: This story is purely fictional and will serve for entertainment only. It doesn't intend to hurt...