Seryosong at bakas ang kuryosida sa mukha ni Dylan habang nakatitig sa screen ng kanyang laptop. Animoy parang may binabasa. Hindi alintanan ni Dylan ang pagpasok ni Wena..
WENA: Dylan?
Agad sinara ni Dylan ang laptop nang marinig ang pagtawag ni Wena sa kanya. Para bang may tintatgo siya at ayaw ipakita sa kanyang asawan.
DYLAN: Wena! (bumakat sa boses nito ang pagkbigla)
Napakunot naman ng noo si Wena halatang nagtataka sa naging reaction ng asawa.
WENA: Anu yung tinitingnan mo? At saka bakit bigla kana lang namumutla diyan?
Hirap napalunok ng laway si Dylan at hindi alam ang gagawin.
DYLAN: Ahh wala. (sabay kamot sa ulo)
WENA: Wala? Eh tingnan mo nga yung itsura mo oh putlang putla, Anu ba yon? Patingin nga?
Lumapit si Wena sa kanya at umambang bubuksan sana ang laptop ngunit agad ito kinuha ni Dylan at inilayo. Dahilan kung bakit mas lalong nagtataka si Wena.
DYLAN: Wala nga yon! (diin ni Dylan), Kung meron man, di mo pa pwedeng malaman, sikreto yun. Malalaman mo rin sa tamang panahon okay?
WENA: Kung wala bakit ayaw mong ipakita? Akin na?
DYLAN: Wala nga sabi ehh.
Napatingin lamang si Wena kay Dylan...
DYLAN: Wala nga yon.
WENA: Eh bat ayaw mong ipakita?
Halata na sa boses ni Wena ang pagkainis.
DYLAN: Surpirse yon okay? Surprise? please don't spoil it (giit ni Dylan)
Napangirit lamang si Wena ngunit kita pa rin ang inis sa kanyang mukha nang tinalikuran si Dylan.
WENA: Ewan ko sayo!
DYLAN: Uy? Kita mo galit na agad (sabay tintingnan ni Dylan si Wena patungong kusina), surprise nga eh!
CUT TO:
INT DYLAN'S CONDO - ROOM
3 MONTHS LATER
Naging abala sina Dylan at Wena para sa nalalapit na christening ni Junjun.
WENA: Dylan, si Chynna ba makakarating sa christening ni Junjun? Hindi ba't out of the country siya.
Tanong niya habang namamalantsa ng mga damit.
DYLAN: Oo, uuwi siya. Isa pa babalik talaga yun lalo na't, malapit na kami magumpisa sa trabaho. (sagot nito habang pinagmamasdan ang anak)
WENA: Magtatrabaho rin si Chynna sa kompanya niyo?
DYLAN: Oo naman magaling si chynna kung alam mo lang.
Tumango tango si Wena na para bang kumbinsido na sa sinasabi ni Dylan.
WENA: Okay, mabuti kung ganon at least nay nakabantay sayo habang nasa opisina ka (ngirit niya)
DYLAN: Bantay? (puno ng pagtataka ang mukha ni Dylan nang tumingin kay Wena)
Tumango lamang ulit si Wena at hindi na nagsalita pa.
DYLAN: Bakit mo naman ako kailangan may bantay aber? Ano ba kala mo sa akin manloloko? (natatawang sabi nito)
WENA: Wala akong sinasabing ganyan ah. Ikaw ang m ay sabi niyan (sabay tumawa rin)
DYLAN: Ahhh, ganon ahh
Unti unting lumapit si Dylan kay wena. Binigyan niya rin ito ng akaklokong tingin na para bang may balak nang biglang tumunog ang door bell.
YOU ARE READING
What It Takes To Be A Man (GxG)- Editing
FanficThey say Love knows no gender... Can LOVE really stand until the end without questioning ONES gender? Copyright © 2016. All Rights Reserved. Disclaimer: This story is purely fictional and will serve for entertainment only. It doesn't intend to hurt...